Pagkalabas ni Joy sa hospital ay nakita niya ang binata sa parking area malapit lamang sa bungad ng ospital. Wearing a simple black v neck shirt paired with denimn pants at rubber shoes. Hakab na hakab ang mga muscles ng dibdib sa suot niyang t shirt.
Ang hot ng bakulaw na to. Ilang panty na kaya ang napupunit nito at ilang perlas na kaya ang nawawasak niya. Ano ba yan self ang halay mo mag isip. Sita niya sa sarili.
"Hey ". tapik ni Kiel sa kanya.
"Ha?"
"I said shall we? or titigann mo muna ako? Anyway you can do that anytime you want" pagbibiro ng binata.
"Assuming ka?"
"Bakit sino bang tinititigan mo e ako lang naman ang tao dito? Or baka may nakikita ka na hindi ko nakikita?" napalinga-linga ang binata sa paligid.
"O-Oo nga e sa likod mo kanina may dumaan, hindi mo lang napansin." pagpapasulot niya. Nagkibit balikat naman si Kiel at ngumiti.
"Let's go." Aya ng binata at iginiya siya papasok ng sasakyan.
"Sige." pinagbuksan siya ng binata ng kotse saka umikot sa driver's seat.
"Huh, muntik na ako do'n ha." Bulong n'ya sa sarili.
" You're saying something?" tanong ng binata ng makaupo sa driver's seat.
"Wala, ah Kiel pwedeng dumeretso muna tayo sa bahay magpapalit lang ako ng damit at magpapaalam na rin ako kay Inay."
"Okay as you wish mam." tinaasan niya ng kilay si Kiel at natawa naman ang binata.
Pagdating sa bahay ay pinapasok muna niya si Kiel.
"Umupo ka muna tatawagin ko lang si Inay." tumango ang binata at umupo sa sofa ng kanilang maliit na sala. Iginala niya ang mata sa loob ng bahay isang tipikal na apartment lamang ito na may maliit na sala dalawang kwarto at kusina sa bandang likuran kung saan lumabas ang hindi pa naman katandaan na babae Nagtungo si Joy sa kanyang kwarto para magbihis. Agad siyang tumayo at binati ito.
"Magandang gabi po."
"Magandang gabi din iho." ganting bati na Ginang.
"Ako nga po pala Kiel Guerrero ipagpapaalam ko po sana si Joy."
Tumango si aling Marina ngunit walang ekspresyon ang mukha
"Kakain lang ho kami sa labas."
"Kakain lang ng pagkain ha Mr. Guerrero.Hindi yung anak ko ang kakainin mo." seryosong sabi ni aling Marina. Habang si Jane ay nakakunli sa kusina sapo ang bibig at tyan dahil sa pagpipigil ng tawa.
"P-po, h-hindi po, kakain lang po ng pagkain."
"Mainam na 'yong nagkakaliwanagan Mr. Guerrero. Bata pa ang anak ko." wika ni Aling Marina na may kalakip na babala.
"Ano 'yong liliwanagin inay?" tanong ni Joy habang mariing tinitigan ang ina na tila wina-warning-an ito. Nakasuot ito ng simpleng kulay yellow na jumpsuit na nag depina sa hubog ng balingkinitan niyang katawan. Nakatali ang mahaba niyang buhok.
"Nagkakaliwanagan na kakain lang kayo sa labas ng pagkain anak. Bakit may masaba ba doon? Wala naman 'di ba Mr. Guerrero?" baling ng kanya g Ina kay Kiel. Napatango naman ang binata.
"Si inay talaga. " iiling-iling na wika ni Joy. Habang papalapit kay Kiel.
"Sige po mam aalis na po kami." paalam ni Kiel
"Bye 'nay." paalam ni Joy sa Ina.
"Sige ingat kayo." sagot naman ni Aling Marina.
Pagkaalis ng sinasakyang kotse nina Kiel at Joy ay agad napabunghalit ng tawa si Jane dahil sa kalokohan ni aling Marina.
"Grabe si mother earth, pinag-trip-an mo 'yong bilyonaryong suitor ng anakshie mo. Kaya walang nag lalakas loob na manligaw d'yan eh." Tatawa-tawa pa rin si Jane.
" Sinusubukan ko lang naman sila e. Kung kaya ba nilang ipaglaban ang anak ko. Ayoko lang na matulad siya sa akin na minahal nga hindi naman pinaglaban. Iniwan na lang ng Wala man lang pasabi." seryosong turan ni aling Marina.
Samantala dinala ni Kiel si Joy sa hotel na isa sa pag-aari niya. Napaka romantic ng lugar isang table for two sa gitna with candles, two glasses of wine, deam ang ligth pati ang mga pagkain ay talagang pinaghandaan. Pinasara ni Kiel ng maaga ang restaurant para sa kanilang privacy.
"Bakit walang tao?"
"Tayo hindi ba tayo tao? Kung hindi man, sana bagay tayo." Napakamot sa ulo si Kiel sa sariling joke.
"Kita mo dahil sa sobrang luma ng pick up line mo pati sarili mo hindi natawa." taas kilay na sagot ng dalaga. Tila napahiya naman ang binata.
"Ah siya nga pala isang linggo akong mawawala may business trip ako sa LA." saad ng binata.
Parang hubby lang ang peg nagpapaalam. Saad ni Joy sa isipan.
"Nagpapaalam ka? Nanay mo ako?" pambabara ni Joy.
" Pinapaalam ko lang baka hanap hanapin mo ako eh." banat naman ni Kiel.
"Ang hangin dito makauwi na nga." Akmang tatayo ang dalaga ng pigilan siya ni Kiel.
"Hey! Hey! I'm just kidding." pigil nito sa dalaga habang tumatawa. Inikutan siya ng mata ni Joy.
Lord bakit ang gwapo lalo na kapag tumatawa. Saad na naman ni Joy sa isipan.
"Kayo lang ba ang nakatira sa bahay ninyo?" tanong ni Kiel habang nagsasalin ng wine sa glass ni Joy.
"Oo tatlo lang kami, nasa probinsya ang pamilya ni Jane magkaibigan kami since college."
"How about your father?"
Umiling si Joy. "Hindi ko na siya nakilala nasa sinapupunan pa lang ako ni Inay noong iniwan niya kami. E ikaw?"
"Ako naman wala na akong Mommy namatay siya noong u
ipanganak niya ako." sagot naman ng binata. At mapait na ngumiti.
"Sorry to hear that."
"It's okay."
"So Daddy mo ang kasama mo sa bahay?"
"Nope, may sarili akong bahay at may iba na siyang pamilya do you know Doc Albie Perez?"
"Yes, what about him?"
"Her mom is my father's wife now."
"Oh I see, nagkaanak sila?"
"Oo, isa si Alice."
"Kaya pala malapit kayo sa isa't-isa ni Doc Albie."
"Yeah, we are friends since Dad and Miss Amanda got married."
"Hindi kaba nalulungkot kasi mag-isa ka lang sa bahay mo?"
"Dati, pero ngayon hindi na."
"Hmm." Sagot na lamang ni Joy hindi siya nakasagot ng maayos dahil sa paninitig ni Kiel sa kanya.
"Mula noong makilala kita sumaya ang buhay ko."
"Ha?"
"Joy I like you".
Napalunok si Joy sa pahayag ng binata.
"Diba parang ang bilis naman."
"Bakit may tamang oras ba pagdating sa pag-ibig?"
Hindi nakaimik si Joy. Totoo nga naman.
"I'm not forcing you to love me back, I just want to prove myself that I love you."
"P-pag iisipan ko." Tanging naisagot ng dalaga.