Dumaan ang isang linggo na wala ang binata. Laging tumatawag sa kanya si Kiel at laging nagte-text kung kumain na ba ang dalaga? Kung nakauwi ba siya ng maayos?
Sa bawat text ng binata ay parang teen ager si Joy na kinikilig habang binabasa ang mga iyon. Minsan ay nababato siya ni Jane ng unan dahil bigla nalang itong napapatili. O kung minsan naman ay pabaling-baling siya sa higaan.
"Nanliligaw na." tanong ni Jane nang nakahiga ni silang dalawa sa kanilang kama.
"Oo."
"Kaya pala kung maka tili ka wagas. Parang hinahalukay ng bulate 'yang tiyan mo. Anong sinabi niya? Sinabi ba niya may gusto siya sayo?"
"Oo"
Napakamot si Jane sa kanyang pisngi.
"Naiirita ako sa mga sagot mo e. Hindi matino."
"Iba kasi siya kumpara kay Red."
"Oh bakit nadamay si Pula."
"Si Red kasi nagtapat sa akin kung pwede siya manligaw, si Kiel naman deretsahan niyang sinabi na mahal niya ako. Pero wag kang mag-alala beshy hindi ko siya gusto kaya safe ka."
"Siguraduhin mo lang beshy naku friendship over na talaga."
"Don't worry hahanap lang ako ng magandang timing para sabihin sa kanya na hanggang friendship lang ang kaya kong ibigay sa kanya."
"Sabi mo 'yan ha? Maiba ako, ikaw beshy ano yung feelings mo para kay Kiel?"
"Hindi ko alam basta masaya ako kapag kasama siya. Kinikilig ako pag nag-aalala siya sa akin at minsan mamimili ko siya."
"OMG! Tinamaan kana bakla."
"Posible ba 'yon beshy? 'Yong makaramdam ka ng special sa isang tao kahit kailan lang kayo nagkakilala?"
"Oo kasi ang pag-ibig naman kusa mo 'yang maramdaman e, napapasaya ka niya kahit sa simpleng bagay lang. Pero beshy base on my experience ang pag-ibig hindi lang puro ligaya."
Napakunot ng noo si Joy. "What do you mean?”
"Besh 'yong ligaya may kaakibat na lungkot 'yan. Kung magmamahal ka dapat maging matapang ka rin, dapat handa ka sa mga pagsubok na darating sa relasyon ninyo. Dapat handa kang masaktan. At kung sobrang sakit na at pagod kana give up and move on.
"Ang lalim besh, parang nakakatakot magmahal kasi parang ang sakit kapag nasaktan ka."
"Sira ang nagmamahal nagiging matapang yan. Huwag kang matakot beshy grow up and explore."
"At saka ang ikinakatakot ko pa beshy yung ex mo nga'ng mataas ang lips ang dami mong kaagaw dati, kay Kiel pa kaya?"
"Huh? Anong mataas ang lips?"
"Yung ex mong hugis magga, hindi naman mahaba ang baba niya besh sadyang mataas lang ang lips niya." Kinagat ni Joy ang mga labi para mapigilan ang tawa pero nakawala pa rin ang halakhak nito.
"Wow ha? Hiyang-hiya 'yong ex ko sa hugis mamon mong baba."
"At least maganda at mahal kita di gaya nila niloko ka na nga iniwan pa."
"Aw! That's my beshy. Thank you." Tumango lang ang dalaga at kapagkuway nakatulog na nang magkayakap ang magkaibigan.
Paggising ni Joy ay wala na si Jane sa higaan. She check her phone dahil may nag message sa kanya. Excited niyang binuksan ang text message sa pag aakalang si Kiel ang nagmessage sa kanya ngunit si Red pala. Iniimbita silang dalawa ni Jane dahil kaarawan ng bunso niyang kapaitid sinabi pa nitong isama ang kanyang inay. Agad namang ni-replay-an ang kaibigan na pupunta sila. Nagtungo siya sa banyo para maghilamos bago nagtungo sa hapag dahil nakahanda na ang almusal at siya na lang ang hinihintay.
"Good morning nay, beshy.” bati niya.
"Magandang umaga anak." ganting bati ng ina.
"Good morning din beshy." bati din ni Jane.
Agad nang kumain ang tatlo dahil papasok sa kanya kanyang trabaho. May schedule na labada si aling Marina at may pasok din si Jane. Nag-resign siya sa call center at nag apply sa ibang company. Maswerte siyang natanggap bilang isang secretary.
"Beshy, inay nag iimbita pala si Red mamayang gabi birthday daw ng kapatid niya."
"Naku anak kayo na lang ni Jane ang pumunta alam mo namang hindi ako mahilig sa mga party na yan eh."
"Si mother talaga napaka KJ." komento ni Jane.
"Hindi ako KJ sadyang hindi lang ako mahilig sa mga party party, tsaka hindi ako pwede sa puyatan."
"Tayo na lang ang pupunta beshy."
"Oo syempre game ako djan basta si Pula."
"Sige tawagan na lang kita."
"Basta mag-iingat kayo ha wag maglalasing at umuwi ng maaga. Maaga ha? Hindi umaga." paalala ng ina.
"Opo." Sabayang sagot ng dalawa. Itinuloy nila ang pagkain pagkatapos ay naghanda na para sa pagpasok sa kanya-kanyang trabaho.
Mabilis dumaan ang maghapon. Nagtataka si Joy dahil sa maghapong dumaan ay wala ni isang tawag o text si Kiel sa kanya. Naisip niya na baka buisy lang ang binata. Papunta siya sa elevator nang saktong makasabay si Red palabas na rin ito. Napagkasunduan nilang dumaan muna sila sa bahay nila Joy upang makapag bihis at para hintayin na rin si Jane. Habang lulan ng elevator ay nagkukwentuhan ang dalawa hanggang sa makalabas sa hospital nagtatawanan ang dalawa dahil may nakakatawa sa sinabi ni Red. Nagulat si Joy nang makita si Kiel sa parking lot nakasandal sa kotse nito katabi ang kotse ni Red.
"Kiel anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa binata.
"I'm here to fetch you." sagot ng binata sa malalim na boses halata ang pagod.
Pagkalapag niya Kasi sa airport ay dumeretso na ito sa ospital para sunduin ang dalaga.
"K-kiel ano kasi may lakad kami ni Red. Hindi ko naman kasi alam na susunduin mo ako."
"Ah ganoon ba? Sorry hindi ko nasabi sa'yo na susunduin kita kasi dumeretso na ako dito galing airport. Sige mauuna na ako." paalam ni Kiel at walang kingong sumakay sa kanyang kotse.
"Sige mag iingat ka." sagot ng dalaga at agad namang umalis si Kiel lulan ng kanyang sasakyan. Napakagat labi si Joy. Nagi-guilty siya dahil kita niya sa mata ng binata ang pagod at halatang dismayado...
"Joy let's go." tawag ni Red sa kanya. Sumunod na siya at tahimik na sumakay sa kotse ng binata.
"Sino siya?” si Red
"Siya si Kiel." Tipid niyang sagot dito.
"Kaibigan mo?"
"Oo."Tumahimik na lang ang binata at nagsimula nang magmaneho papunta sa bahay nila Joy. Sakto naman ang dating ni Jane nang makarating sila sa bahay.
Agad nagbihis ang dalawa at pagkatapos mag paalam sa Ina ay gumayak na ang mga ito papunta sa bahay ni Red.
Pagdating sa bahay nila Red ay pinakilala niya ang magkaibigan sa mama nito.
Apat silang magkakapatid nasa ibang bansa ang dalawa niyang ate at sila lamang tatlo ng mama at kapatid niya ang magkakasama sa bahay. Hindi ma-enjoy ni Joy ang pagakain dahil gumugulo sa isip niya si Kiel.
"Beshy? Hoy!" kalabit ni Jane sa kanya.
"H-ha?"
"Hakdog!"
Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan ngunit nagsalita ulit si Jane.
"Kanina pa kita kinakausap bakit lutang ka?"
Sa garden silang dalawa ni Jane pumwesto iniwan saglit sila ni Red para asikasuhin ang ibang bisita. Ikinuwento niya sa kaibigan ang nangyari kanina.
"Baka nagselos beshy?"
"Nagselos?"
"Oo baka na mis interpret niya yung nakita niya. Kausapin mo na lang siya kapag nagkita kayo ulit. Ipaliwanag mo sa kanya ng mabuti baka pagod lang 'yon kaya ganoon yung attitude niya."
Napabuntong hininga na lang si Joy at saka tumango.