Chapter 13

1499 Words
Sinundo siya ni Kiel sa bahay, dadalo sila sa birthday party ng kapatid na si Alice. Nagsuot siya ng simpleng white dress na hanggang taas ng tuhod. V neck style ang neckline hanggang dibdib hindi naman gaanong revealing at hapit ito sa kanyang katawan. Pinarisan ng four inches high hills sandals. Siya na rin ang nag ayos ng sariling buhok at make-up tinirintas ang buhok sa magkabilang gilid at itinali sa likod ng nakalugay niyang buhok kinulot din nya ang ibabang bahagi nito. Kahit papaano ay natuto rin siyang mag ayos sa sarili dahil kailangan ito noong nagtatrabaho pa siya sa cafe. Ipinag paalam naman siya ni Kiel sa kanyang ina agad naman pumayag ito, malaki ang tiwala ni aling Marina kay Joy lagi niyang sinasabi na nasa tamang edad na ang dalaga at alam na nito ang tama at mali. Sa isa sa mga hotel na pag-aari ng mga Guerrero gaganapin ang birthday celebration ni Alice. She is a very private person. Ayaw na ayaw niya ng attention lalo na sa maraming tao. Kaya pili lang ang mga imbitado mga malalapit na kaibigan at kamag anak lamang ang inimbita niya. Mas gusto pa nga sana ng dalaga ng mag travel na lang kesa magpa party ng ganito ngunit mapilit ang ina nito double celebration na raw niya ito dahil katatapos lang ang kanyang master degree sa kursong business management. Pagdating sa venue ay nanlalamig ang mga kamay ni Joy. This is not her first time na maka attend ng ganitong party dahil minsan nag e-extra siyang server o usherette sa mga parties noong nag-aaral pa siya ngunit iba ngayon dahil ipapakilala siya ng kasintahan sa pamilya nito. Hinawakan ni Kiel ang kanyang kamay habang nagmamaneho at naramdamang nanalalamig at pinagpapawisan ang palad ng dalaga. "Bakit nanlalamig ka sweetie, hindi ba maayos ang pakiramdam mo?" worried na tanong ni Kiel sa kasintahan. "K-kinakabahan ako e." Napangiti si Kiel sa tinuran niya. "Don't worry sweetie nandito naman ako." Pagkababa ni Kiel ay pinagbuksan siya nito at inalalayang bumaba sa kotse. Magkahawak kamay na pumasok sa loob ng venue kung saan idaraos ang kaarawan ni Alice. Marami ng tao sa loob at makikita mo sa kanilang kasuotan ng mga dumalo na may mga kaya sa buhay. Iginaya siya ni Kiel sa table kung saan ang kapatid at mga magulang nito.Agad silang nakita ni Alice at kinawayan ito. "Kuya! Oh my gosh Joy! you came!" Masayang niyakap sila ni Alice. "Happy birthday." they greet her in unison. "Thank you! Gosh! Joy your so beautiful." "Thank you." nahihiyang tugon ni Joy. Inaya sila ni Alice sa kanilang table, kung saan nakaupo ang isang matandang lalaki na marahil ito ang ama ng nobyo dahil kahawig niya ito nasa tabi nito ang isang matandang babae maganda sopistikada. Nandoon din si doc Albie Perez katabi ang isang babae. "Kiel." tawag ng ama nito nang makalapit na sa sa gawi ng mga ito. "Dad." niyakap ang ama at hinalikan sa pisngi ang step mom nito pinakilala siya ni Kiel sa mga magulang. "Daddy, tita this is Samantha Joy Castro my girlfriend." "Maganda gabi po Ma'am, Sir." bati ni Joy sa mga ito. "Magandang gabi naman iha, Im Vincent Guerrero, and this is my wife Amanda." Pagpapakilala ng matanda. Yumuko naman si Joy bilang respeto sa mga ito. Nagpaalam sila sa mag asawa para kausapin si Albie. "Hi nurse Joy, this is Denise our cousin." Pagpapakilala ni doc Albie sa katabing babae. "Hi I'm Joy."abot niya sa kamay para makipagkamay dito ngunit hindi siya pinansin nito sa halip ay binalingan si Kiel at nagsalita. "So, nurse na pala ang tipo mo ngayon Kiel?" nagulat ang magkasintahan sa tinuran ni Denise. Tila napahiya si Joy sa narinig mabuti na lang at busy sina Alice at ang magulang sa pag entertain ng mga bagong dating na bisita "Denise stop it." mariing saway ni doc Albie sa kanyang pinsan. Lingid sa kaalaman ni Joy na dating f*ck buddy sina Kiel at Denise. Ngunit higit pa doon ang nararamdaman ni Denise para kay Kiel. Umupo na ang dalawa sa upuang nakalaan sa kanila. "Sweetie pagpasensyahan mo na si Denise." "Ok lang sweetie no problem." Nagsimula na ang party . Nagsalita ang mga magulang ni Alice sa stage para magbigay ng mensaheng pasasalamat sa mga dumalo at para batiin ang anak sa kanyang kaarawan at sa natamo nitong achievements. Umakyat naman sa stage si Alice at nagpasalamat. "Thank you mommy and daddy. Thank you also to my brothers, friends and relatives for wishing me a happy birthday. It means a lot to me, I am not good in speech." Nagpause ang dalaga dahil sa pagtawa nakitawa rin ang ilang bisita. "No more dramas, thank you for coming and let's enjoy the night." Nagpalakpakaan naman ang mga bisita. Nagsimula na ang program sa birthday party, may banda ding tumutugtog. Maraming pagkaing nakahanda at mga nakakalasing na inumin, nagsisismula nang iserve ang mga ito. Binalaan agad siya ni Kiel na huwag uminom ng hard drinks. Todo asikaso naman si Kiel sa kanya, na ikina simangot ni Denise. Malimit niyang mahuli ang dalaga na nakatitig sa kanya na para bang sinusuri ito at kapag nagtatama ang kanilang paningin ay inirapan niya ito. Nag kibit balikat lang siya. Kausap ni Kiel ang mga kapwa business man ng magpaalam siya para pumunta sa comfort room. " Sasamahan na kita ." "Huwag na just stay here babalik ako kaagad." paalam niya sa binata, tumango naman ito. Nagtanong siya sa waiter kung saan ang comfort room at itinuro naman kung saan ito. Naglakad ito papasok doon at pumasok sa isang cubicle. Nang matapos ay lumabas siya para maghugas ng kamay. Nagulat siya nang biglang sumulpot si Denise sa likod n'ya. Sinundan pala siya nito. Nagpatuloy naman ang dalaga sa paghuhugas ng kanyang kamay, habang si Denise ay naka halukipkip paharap sa kanya. "So, ikaw pala ang bago ni Kiel." hindi nagsalita si Joy at patuloy lang sa ginagawa. "Para sabihin ko sayo, hindi kayo bagay." Hinarap niya si Denise bago magsalita "At sino ang bagay sa kanya ikaw?" sagot ng dalaga. "Yes, dahil pareho kami ng estado ng pamumuhay, iiwan ka rin niya kapag pinagsawahan ka na kaya huwag kang ilusyunada " "Eh ano naman sayo kung iiwanan din nya ako kapag sawa na siya sa akin? Tingin mo kapag iniwan niya ako babalik siya sa'yo? Huwag kang mag-alala kung iiwanan man niya ako okay lang at least natikman ko s'ya." hindi nakaimik si Denise, ngumiti siya at iniwan ang babae. Huh akala mo siguro papatalo ako 'no, pero paano kung totoo nga ang sinabi ng babaeng 'yon? Tanong ni Joy sa isipan. Pansamantalang iwinaglit sa isipan ang mga sinabi ni Denise. Mahal siya ni Kiel at may tiwala siya sa kasintahan. Nagpatuloy siya sa paglalakad pabalik sa table nila ni Kiel. Kausap nito ang kanyang ama. Ngumiti siya sa matanda nang makalapit siya sa mga ito. "Iha maiiwan na namin kayo dito mauuna na kami." "Sige po sir ingat po kayo." magalang na sagot ni Joy. "Drop the formality, just call me Tito or Daddy if you want." natawa naman si Kiel sa tinuran ng ama. Namula si Joy at kiming ngumiti. "You must be very special, sa lahat ng naka relasyon ni Kiel ay ikaw lang ang pinakilala niya." pormal at walang ka ngiti-ngiting saad ni miss Amanda. "Yes tita, she is very special." Sagot naman ni Kiel. Lihim na umusmid si Miss Amanda at niyaya na ang asawa para umuwi. "Nice meeting you again iha, thank you for coming sana ay hindi ka magsasawang umintidi sa ugali ng anak ko." "Dad." saway ni Kiel. "Why?" nangingiti naman ang matandang Guerrero. "Tsk, tawag ka na ni tita, uwi na raw kayo." pagtataboy nito sa ama. "Ok, kayo na ang bahala dito. Albie ikaw na ang bahala kay Alice." baling nito kay Albie. "Yes po Dad." sagot naman ni doc Albie. Nauna nang umuwi ang mag asawang Guerrero. Umakyat ng stage ang host at inanunsyong may mga games silang gagawin para maaliw ang mga bisita. "Good evening everyone, kanina ay kinuha namin ang mga names ninyo. Ang purpose po no'n ay bubunot po ang ating celebrant, magdedecide muna siya kung ano ang ipagagawa niya bago siya bumunot ng name. Ok po ba 'yon?" tanong ng host, naghiyawan naman ang crowd. Iginala niya ang kanyang mata, halos nasa mid thirties at twenties nalang ang nandoon, ang mga medyo may katandaan ay nauna nang umuwi. Ang unang ipinagawa ni Alice ay sasayaw ang sino mang kanyang mabubunot at si Albie ang kanyang nabunot. Walang nagawa si Albie kundi sumayaw. Nag ala macho dancer ito. Halos magkagulo ang mga babae sa party sa pag giling ni doc Albie. Tawa ng tawa ang magkasintahan. Matapos sumayaw si doc Albie ay bumunot uli si Alice ng pangalan. "This time ay gusto ko kumanta ka," tiningnan muna ni Alice ang nabunot na pangalan at binasa ito. "Samantha Joy Castro." nagulat naman si Joy pagkarinig sa pangalan at napunta sa kanya ang atensyon ng mga tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD