Nagising si Joy dahil nakaramdam siya ng uhaw. Bumangon siya at nagpunta sa kusina para uminom. Alas dos pa lamang ng madaling araw kaya tulog pa ang lahat. Nang makainom ng tubig ay bumalik na siya sa kanyang silid pagpasok niya sa kanyang kwarto ay nakaupo na si Kiel sa kama akmang tatayo na ito nang makitang papasok na si Joy.
"Sweetie saan ka galing?"
"Sa kusina, nauhaw ako kaya uminom ako ng tubig. Bakit ka bumangon? Hindi ka ba komportable sa higaan?" tanong ni Joy medyo minipis kasi ang kanyang kutson at electric fan lang gamit nila hindi tulad ng bahay ng binata na fully air-conditioned ang kanyang kwarto pati ang buong kabahayan.
"No, I'm comfortable as long as your with me."
"Hmmm, Sige na matulog kana ulit nambola ka pa."
"Hindi kita binobola nagsasabi ako ng totoo."
"Oo na po, tulog na."
"Akala ko iniwan mo na ako."
"Ang OA sweetie, saan naman ako pupunta?"
Niyakap siya ng binata at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. She loves to smell his natural scent.
"Sana ganito na lang tayo palagi sweetie laging magkayakap, magkatabi sa pagtulog, tapos mukha mo ang una kong nakikita kapag gumigising ako sa umaga." saad ng binata habang hinahaplos ang buhok ni Joy.
"That will happen soon sweetie." sagot ni Joy
"Promise?"
"Promise."
"Pwede na po bang matulog daddy?"
"Huh? Daddy?"
"Oo sabi mo kanina I'm your baby, so you are my Daddy." napasimangot ang binata na ikitawa ni Joy.
"Stop laughing, let's sleep."
"Ok Daddy."
"Stop it."
"Why?"
" Sounds like sugar Daddy, I don't like it."
"Pikon ka lang e."
"Don't call me Daddy, hindi naman ako gano'n katanda para maging Daddy mo." pikon na litanya ni Kiel. Nangingiti naman si Joy dahil nakakatuwa ang itsura ni Kiel kapag napipikon lalo na kapag nakasimangot ito, parang batang natalo sa laro kung makanguso. Hindi pa nakuntento ay tumigilid pa patalikod sa kanya. Lalo namang nangiti si Joy sa inasta ng kasintahan para talaga itong bata kung magtampo dahil lang sa maliit na bagay. Lumapit siya at niyakap sa likod ang binata.
"Sweetie, let's sleep na. Hhmmm?
"Okay."
"Harap ka na dito." hindi naman natinag ang binata.
"Sige na baby." pang-aamo niya ngunit hindi pa rin ito gumagalaw.
"Ayaw mo ha?" lumapit siya kay Kiel at dinilaan ang batok nito, dahil sa gulat ay napalingon ang binata.
"What are you doing?" taas kilay na tanong ni Kiel.
"E ayaw mong humarap sa akin e. Para kang bata kung magtampo. Ang liit na bagay pinapalaki mo, kung ayaw mo ako katabi e 'di sa labas na lang ako matutulog." akmang babangon ang dalaga ng bigla siyang yakapin ni Kiel.
"Sorry po, gano'n pala ang feeling ng nilalambing." saad ng binata habang yakap siya, nagulat naman si Joy sa tinuran ng kasintahan.
"So, uma-acting ka lang at nagpalalambing ka gano'n?"
Tumango si Kiel "Lumaki akong walang Mommy, si Daddy naman may iba ng pamilya kaya hindi ko naranasan kung paano lambingin." nakaramdam siya ng awa kay Kiel. Masasabi niyang maswerte pa rin siya sapagkat mayroon siyang nanay na nag-aalaga at nagmamahal sa kanya ano mang hirap ang pagdaanan, may nanay siyang umaagapay sa kanya at hindi ito nagkulang sa pabibigay ng payo at paalala.
"Bakit? Kahit naman may asawa na ang Daddy mo pwede ka naman maglambing sa kanya?"
"Yes sweetie, pero iba naman 'yong situation namin ni Dad. Inuuna niya ang pamilya niya kaysa sa akin. Nasanay nga ako na si Yaya lang ang kasama ko lagi e, kung may program sa school si Yaya ang kasama ko. Kung may family day, si Yaya at asawa niya ang kasama ko. Kaya noong mag kolehiyo na ako I decided na tumira sa condo ko tutal sanay na akong mag-isa."
"Sweetie paano kapag nagkakasakit ka sino ang nag-aalaga sa'yo?"
"Kapag may sakit ako tinatawagan ko lang 'yong family doctor namin o kaya pinapapunta ko sa condo sina Mang Kulas at Yaya Sita. Kapag simpleng lagnat lang I can handle it naman."
"Paano ang mga pagkain mo ang mga gamit mo sa bahay?"
"Si Yaya ang nag-aayos no'n araw-araw. Siya ang pumupunta para maglinis at maglaba, pinagluluto na rin niya ako bago umuwi sa mansyon, iniinit ko nalang kapag nagutom ako."
"Hindi ka man lang ba pinigilan ng Daddy mo noong sinabi mong gusto mong bumukod?"
"Pinigilan naman, actually ayaw niya noong una pero kinumbinsi na rin siya ni tita Amanda para daw matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa at hindi ako laging aasa sa kanila. Kaya pumayag na rin si Daddy tsaka ramdam ko naman na hindi nila ako kailangan, na extra na lang ako sa pamilya nila." nahabag ang dalaga, hindi niya akalaing mabigat din pala ang pinag daanan ni Kiel noong kabataan niya. Nakikinig lang siya habang nagkukwento ang binata.
"But still thankful pa rin ako kay Daddy, dahil sinuportahan pa rin niya ako sa mga gusto kong gawin sa buhay, pinag aral ako hanggang gusto ko. He even supported me pagdating sa mga itinatayo kong business. Sadyang wala lang siyang time para sa akin, kapag nagba-bonding naman kami, laging sumusulpot si tita Amanda feeling ko nga pati ako pinagseselosan niya."
"Huh? Grabe naman pala iyong step Mom mo."
"Yeah, buti na lang hindi nag mana si Alice sa kanya, kung nagkataon ma attitude din yun." napahagikgik silang dalawa sa tinuran ni Kiel.
"Wag kang mag alala nandito ako para alagaan ka at hindi magsasawang lambingin ka kahit minsan may topak ka."
Napangiti naman ang binata "I love you Mommy."
"Mommy? Anak kita?" natawa si Kiel sa sinabi ni Joy ngunit tinakpan nito ang bibig.
"Wag kang maingay tulog pa mga tao. Matulog kana."
"Yes mommy."
"Hmhmp." Inirapan niya ang binata ngunit pangisi-ngisi lang ito at niyakap siya. Muli ay nakatulog ang dalawa.
Naalimpungatan siya nang marahang siyang yugyugin ni Kiel.
"Sweetie wake up."
"Hmmmm."
"It's late, may duty ka 'di ba?"
Napabalikwas ng bangon ang dalaga.
"Sweetie what time is it?"
"Six am."
Pagkarinig kung anong oras na ay nagmadaling bumangon ito at kumuha ng damit sa kanyang cabinet. Lumabas naman ng silid si Kiel para mag banyo. Nagmamadaling naligo at nag ayos si Joy dahil 7:30 ang duty niya. Inaya pa ni aling Marina ang dalawa para mag almusal ngunit ma-le-late na ang dalaga. Si Jane ay nauna nang umalis.
Nag drive thru na lang si Kiel ng almusal ni Joy.
"Here, eat this later." sabay abot sa biniling pagkain.
"Thank you sweetie." Humalik siya sa binata at kinuha ang biniling pagkain.
"Bye, ingat ka sa pagmamaneho."
"Bye sweetie, I love you. Baka hindi kita masusundo mamaya may meeting ako ipapasundo nalang kita kay Mang Kulas."
"Ok sweetie I love you too."
Kumaway siya sa binata at pumasok na sa ospital. Umuwi muna si Kiel sa kanyang condo para makapag bihis bago pumasok sa kanyang opisina