Chapter 18

1283 Words
Naghahanda na si Joy sa pagpasok sa trabaho ng lapitan siya ni Jane. "Parang tumaba ka ata beshy." "Huh? Parang hindi naman." sagot niya pero pansin niya lately na malakas siya kumain. "Beshy pahinging extra napkin ha papalitan ko mamaya." hindi na siya nakasagot dahil dali-daling lumabas si Jane para magbihis sa banyo. Napatakip siya ng bibig nang may maalala. Hindi pa pala siya dinadatnan ng buwanang dalaw. Kaya ba madalas siyang nahihilo at malakas kumain? Hindi kaya nagdadalang tao ako? "Sh*t kailangan kong magpa check." wala sa sariling saad ni Joy. "Sinong magpapa check beshy?" "A-ah 'yong isang pasyente beshy schedule ng c-check up niya today." "Ah ganun ba, sige beshy una na ako ha baka magalit na naman ang tiger sa opisina kapag na-late ako." "Sige beshy sunod na rin ako ingat ka." paalam niya kay Jane. Tumango naman ang kaibigan sa kanya, mas malayo kasi ang opisinang pinapasukan ni Jane dalawang sakayan pa mula sa kanilang inuupahang bahay. Gumayak na rin siya para pumasok sa ospital. Napapaisip siya, matutupad na rin ang isa sa mga pangarap niya, ang magakaroon ng isang buong pamilya. Kailan man ay hindi niya naranasan ang nagkaroon ng buong pamilya, mula noong magkaroon ng muwang ay tanging ang ina ang kanyang namulatang pamilya. Hindi niya naranasang magkaroon ng tatay na umagapay sa kanyang paglaki. Naalala pa niya minsan tinutukso siya sa eskwelahan dahil wala siyang tatay, pakiramdam niya dati ay kawawa ang mga batang walang ama. Sa kabila ng inggit sa ibang bata ay hindi naman nawalan ng pag-asa si Joy, nangarap na sana magkaroon din siya ng buo at masayang pamilya. Hindi naman nagkulang sa pag papaalala ang kanyang ina na kahit silang dalawa lang ay makakaya nila ang anumang pagsubok na darating sa kanilang buhay basta kumapit lang sa isa't-isa at manalig sa Diyos. Sumasagi pa rin sa isip niya ang kanyang ama. Ni hindi niya alam ang tunay nitong pangalan dahil ayaw sabihin ng kanyang inay. Kapag tinatanong niya ito lagi niyang sinsabi na huwag na niyang hanapin ang taong kailan man ay hindi naman sila hinanap. Ang gusto lang naman ni Joy ay makita ang ama at para makilala ito. Madali lang sana para sa kanya ang hanapin ang ama sa tulong ng makabagong teknolohiya kung alam niya lang sana ang pangalan nito. Wala naman siyang ibang kakilala na mapagtanungan dahil ulila na rin ang kanyang ina at nasa malalayong probinsya ang iba pa nilang kamag-anak. Natigil siya sa pag iisip ng matapat na sa clinic ng OB ng ospital. Kakatok na sana siya nag tinapik siya ni Red. "Joy bakit ka nandito?" tanong ng binata. "Ah may itatanong lang sana ako sa OB." "Ah ganun ba sige kita na lang tayo mamayang lunch." "Sige." Nang masiguradong nakaalis na si Red ay kumatok na siya sa pinto ng clinic. Agad namang sumagot ang nasa loob. "Come in." Pinihit niya ang seradura ng pinto at pumasok sa loob "Ah good morning doctora Ako po si nurse Joy." "Good morning iha, may kailangan ka ba?" "Yes po doctora." "Ano 'yon iha?" "Ah d-doc mag papacheck up po sana ako." "Why?" "Eh doc h-hindi pa ho kasi ako dinadatnan ngayon buwan." "Okay, use this, go to the comfort room umihi ka muna." binigay sa kanya ang isang maliit na garapon. Pagkaihi ni Joy ay ibinigay na niya sa doctor ang sample ng kanyang ihi. Kinuha ito ng doctor at pinatakan ng tatlong beses ang pregnancy test kit. Kinakabahan naman sa magiging resulta ng test si Joy. Pagakaraan ng ilang minuto ay lumabas ang dalawang guhit na kulay pula sa kit. Pinakita sa kanya ng doctor ang resulta. "OMG,! positive."bulalas ng dalaga. Napangiti naman ang doctora."Let's do the ultrasound nurse Joy." Iginiya siya ng doctor sa isa pang room ng clinic na iyon. "Oh there, nakikita mo ba ang maliit na parang bean na iyon?" Tumango naman ang dalaga, "That is your baby." naluluhang napatango ang dalaga. Masaya siya na magkakaroon na sila ng baby ni Kiel, ang bunga ng kanilang pag iibigan. "Your six weeks pregnant nurse Joy congrats magiging mommy ka na." Nangingiting pinalis ni Joy ang kanyang luha, magiging ina na rin siya, joy and excitement are visible in her face. "Thank you doc." "Basta ingatan mo ang sarili mo at huwag magpapa stress, your a nurse hindi na kita kailangang i educate tungkol sa mga kailangan mong gawin. If you need anything just call or visit my clinic okay? And inumin mo 'yong mga vitamins na nireseta ko sa'yo." "Yes doc, thank you po." "Congrats again nurse Joy, excited na akong makita ang bubuoin mong pamilya." "Ako din po doc excited na po ako " sang ayon ng dalaga. Matapos ibahagi ng kanyang doctor ang mga paalala n'ya at payo sa dalaga ay nag paalam na sa siya dito. Excited na siyang ipaalam sa nobyo na magkaka baby na sila. Sosorpresahin niya ang binata pagdating niya. Sasabihin muna niya ang magandang balita sa kasintahan bago sabihin sa ina. Wala pa siyang gaanong ipon hindi niya napaghandaan ang kanyang pagbubuntis ngunit alam niyang hindi siya pababayaan ni Kiel. Nakikinita na niya na magiging mabuting asawa at ama ito sa kanila ng magiging anak nila. Nangingiting hinihimas himas ang kanyang tiyan na wala pa namang umbok. "Hello there baby. Excited na kaming makita ka. Promise aalangaan ka namin ni Daddy." Pabulong na kinakausap ni Joy ang kanyang maliit na tiyan na animo may muwang na ito. Nagtuloy-tuloy na siya sa nurse station para ipag patuloy ang kanyang trabaho. Ang gaan-gaan ng kanyang pakiramdam. Naisip niya ang kanyang ina, ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalamang magiging lola na ito? Matutuwa kaya ito o magagalit dahil maaga siyang nabuntis? Kung ikakagalit man ng kanyang ina ang maaga niyang pagbubuntis malugod niyang tatanggapin iyon. At hihingi na lamang ng tawad sa kanyang nagawa. "Nag de-daydream ka na naman." Tapik ni Red sa kanyang balikat. Napasimangot naman si Joy. "Bakit bawal bang maging masaya." "Hindi naman, kaso mukha ka kasing tanga ngingisi-ngisi mag-isa." Pang aasar ni Red. "At least ang ganda kong tanga." Proud na inangat ni Joy ang kanyang baba. "Oo na, pero tumaba ka ngayon." nagulat siya sa puna ni Red sa katawan niya pareho sila ni Jane. "Hmmp para mo na namang sinabing hindi na ako sexy." Biro niya parin kay Red. Hinawakan naman siya ni Red sa balikat. "Siyempre ikaw pa rin naman ang pinaka sexy at pinakamaganda sa paningin ko nurse Joy, 'yon nga lang hindi ako ang pinaka gwapo sa paningin mo." Nangingiting turan ng binata. "'Yong mga hugot mo parang nangongonsensya." "Bakit nakokonsensya ka na ba? Willing to wait naman ako e." natatawang hirit parin ni Red. "Heh, manahimik ka nga." "Hi Joy." Gulat na napatingin si Joy sa taong bumati sa kanya. "Alice, Hi." ganting bati ni Joy kay Alice. "Kumusta ka na?" Tanong ni Alice ngunit palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Red na para bang may sinusuri ito. "O-ok naman, siya nga pala this is Red Natividad kaibigan at katrabaho ko, Red si Alice kapatid ni Kiel yung boyfriend ko at ni doc Albie." Pagpapakilala ni Joy kay Red. "Hi mam nice to meet you." Abot ni Red sa kamay. "Hi I'm Alice." Ganting bati ni Alice at inabot ang kamay ng binata. Nagkatitigan ang dalawa at parang walang balak bitiwan ni Red ang kamay ni Alice kaya siniko ito ni Joy. "Bakit ka nga pala napadaan dito Alice?" "Ah binisita ko lang si kuya Albie may pinag usapan lang kami. Nahagip ka ng paningin ko kaya tinawag kita kanina. Anyway mauuna na ako. Nice meeting you Red." "Nice meeting you Miss Alice." sagot ni Red. "Bye ingat ka." paalam ni Joy kay Alice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD