Ngayong araw na ang dating ni Kiel galing sa bagong bukas na resort sa Siargao. Tinawagan niya ang binata at tinanong kung anong oras makakauwi, sinabi naman nitong mga hapon na siya darating. Kaya may oras pa ito para maghanda sa kanyang gagawing sorpresa. Namili muna siya ng mga balloons at pang dekorasyon sa kwarto ni Kiel doon niya ilalatag ang kanyang sorpresa. Namili rin siya ng mga lulutuing pagkain para sa kanilang dinner. Punong-puno ng kagalakan ang kanyang puso habang papunta sa bahay ng binata. Sinadya niyang agahan ang pagpunta sa bahay ni Kiel para makapag ayos at makapaglinis na din though pumupunta naman si yaya Sita, ay papasadahan na rin niya ng konting punas at walis ang bahay.
Samantala pagdating ni Kiel sa kanyang opisina ay naabutan niya si Denise na naghihintay sa kanya. Prenteng nakaupo sa single sofa ng kanyang opisina at nagbabasa ng magazine.
"Did I gave you permition to get inside my office?" iritadong sita ni Kiel sa dalaga.
"Relax honey hindi naman ako nangugulo I'm just here to show you these." At inilahad ang envelop sa dalaga. Tiningnan lang ito ni Kiel bago magsalita.
"And what are those?" taas kilay na sagot ni Kiel kay Denise.
"See it for your self honey." Nakangising sagot ni Denise.
Hinablot ni Kiel ang envelop at binuksan iyon. Napakunot ang kanyang noo nang tumambad sa kanyang paningin ang mga picture ni Joy. May kuha sa isang restaurant kasama ang isang lalaki nakahawak pang ang kasintahan sa kamay ng lalaki. Tiningnan niya ang isa, kuha ito sa ospital na masayang nakikipag usap sa parehong lalaki. At ang ikatlong larawan ay kuha naman sa canteen ng ospital at masayang kumakain kasama pa rin ang parehong lalaki sa mga ibang larawan. Ang huling picture ay halos kumalabog ang dibdib ni Kiel dahil sa pinaghalo-halong emosyon ang huling larawan kasi ay kuha sa harap ng OB clinic kasama pa rin ang lalaking iyon. Nalukot niya ang mga larawan kasama ang envelop. Galit na hinarap si Denise.
"Why are you doing this?"
"Simple lang para ipaalam sa'yo ang pinaggagawa ng girlfriend mo habang wala ka. While you are busy with your business, she is also busy on her own business." nakangising turan ni Denise.
"Leave!" Galit na utos ni Kiel sabay turo sa pintuan.
"Pa'no ba 'yan honey mukhang buntis pa ang girlfriend mo, sad to say hindi ikaw ang kasama niyang mag pa check up." Ngiting pang uuyam ng dalaga bago umalis.
Galit na napaupo sa kanyang swivel chair si Kiel. Hinihilot ang sentido dahil bigla itong sumakip dala siguro ng pagod sa byahe at nadagdagan pa ng galit dahil sa natuklsan sa kanyang nobya.
"Sh*t is this the price I got on loving you?" naisatinig ng binata. Hindi siya makapag isip ng maayos tumatahip ang kanyang dibdib dala ng pinaghalong galit at iritasyon. Paano nagawa ni Joy ang lahat ng iyon sa kanya. Sana sinabi na lang niya ng maayos hindi 'yong lolokohin siya ng ganito at sa ibang tao pa niya nalaman. Nagdesisyon siyang pumunta sa bar bago umuwi ng bahay. Hindi muna niya gustong makita ang kasintahan ngayon dahil sa frustration at disappointment. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ng dalaga pati ang mga text nito. Uminom ito mag isa at hinahayaan lang mag ring ang kayang telepono.
Sa bahay ni Kiel. Kanina pa paroo't parito si Joy ilang oras na kasi siyang naghihintay sa nobyo. Hindi ito sumsagot sa mga text at tawag niya. Nagpaalam naman siya sa inay niya na hihintayin niya ang pag uwi ng nobyo. Mag aalas nuwebe na ng gabi ng may narinig siyang sasakyang dumating. Agad siyang nagtungo sa kwarto ng binata at pinatay ang ilaw. Napapangiti siya sa excitement ng may marinig siyang yabag palapit sa kwartong kinaroonan n'ya. Pagbukas ng pinto ay siya ring pagbukas ng ilaw ni Kiel.
"Surprise sweetie!!" Sigaw ni Joy, ngiting-ngiti siya nang makita ang binata ngunit agad napawi iyon ng makita ang ekspresyon ng mukha ni Kiel. Napahalukipkip ang binata at lumapit sa kama kung saan nakalatag ang mga balloons at ang kanyang ultrasound result. Kinuha niya ito at nilingon ang ang dalaga.
"So this is your surprise?" Tanong ni Kiel kay Joy, blangko ekspresyon ng mukha at animo anumang oras ay mangangain ng buhay sa talim ng mga matang nakatitig sa kanya.
"Y-yes hindi ka ba matutuwa magiging d-daddy ka na?" Pilit pinasaya ni Joy ang kanyang boses.
Lumapit si Kiel sa kanya at hinablot siya sa braso. Halos mamilipit siya sa sakit dahil sa higpit ng hawak nito. "Tingin mo matutuwa ako kapag nalaman kong iniiputan ako sa ulo ng girlfriend ko!?" sigaw ni Kiel. Pasalya siyang binitiwan ng binata kaya napaupo siya sahig. Napaigik siya sa lakas ng pagkakabagsak niya. Umangat ang tingin niya sa binata. "Anong i-ibig mong sabihin? Kiel ikaw ang ama ng dindala ko." Naluluhang saad niya.
Tumawa ng pagak si Kiel hinawakan siya sa buhok at hinila siya papatayo pakiramdam niya ay malalagas ang kanyang anit pinigilan niya ang kamay ng binata ngunit sa laki nito ay balewala lang sa kanya ito idagdag pang may impluwensya ito ng alak. "Gano'n ka na ba kadespereda ha? Para lang makaangat ka sa buhay ay magpapabuntis ka sa iba at sa akin ka maghahabol?"
Hirap na hirap si Joy sa pag sasalita dahil hawak pa rin ni Kiel ang kanyang buhok. "A-anong p-pinagsasabi mo? Ikaw ang nakauna sa akin alam mo 'yon. H-hindi kita kayang lokohin mahal na mahal kita." Sagot ng dalaga sa pagitan ng kanyang hikbi.
Binitiwan siya ni Kiel ngunit lalo siyang natakot sa sunod na ginawa ng binata. Sinakal siya nito gamit ang dalawang kamay. Halos umangat na siya sa ere at kinakapos na rin siya sa paghinga.
Humahangos namang dumating si Alice at inawat ang kanyang kuya kaya nabitawan nito si Joy. Napaubo ang dalaga at sapo ang kanyang dibdib.
"Kuya! What are you doing? You migth kill her!"
"Yes! I'm gonna kill that b*tch!." sigaw ni Kiel sabay duro kay Joy.
"Kuya please huminahon ka nga, anong bang problema?" sigaw ni Alice.
"That f*cking b*tch is pregnant! At sa akin naghahabol! See? May nalalaman pang surprise ang p*tang in*!" Gulat namang napalingon si Alice kay Joy na ngayon ay nakatayo na.
Pak! Pak!
Isang mag asawang sampal ang iginawad ni Alice kay Joy. " Ang lakas ng loob mong maghabol sa kuya ko!"
"Siya ang ama ng anak ko natural na sa kanya ako maghahabol." Luhaang saad ng dalaga habang sapo ang mukha. Pulang pula na ito sa lakas ng pagkakasampal ni Alice.
"Baog ang kuya ko! Doon ka maghabol sa nakabuntis sa'yo malandi ka!" Hinila siya ni Alice palabas ng kwarto at kinaladkad palabas ng bahay.
"Hindi totoo yan, please naniwala kayo sa akin. Siya lang lalaki sa buhay ko." Umiiyak na lumuhod si Joy kay Alice.
"Lumayas ka, ayoko nang makita yang pagmumukha mo nagkamali ka ng huhuthutan, gold digger!." Iyon ang huling katagang binitawan ni Kiel bago siya nito tinalikuran at pagsarhan ng gate. Nagulat siya ng muling bumukas ito ay nakita si Alice.
"Here is your cheap stuff gold digger!" Sabay bato sa mukha niya ang kanyang bag. Hirap man ay pinilit niyang tumayo. Nalahagulgol siyang tumayo at umalis na doon.