Chapter 20

1060 Words
Chapter 20 Pagdating sa bahay ay sinalubong niya ng yakap ang kanyang nanay at humagulgol. Hinimas-himas naman ng kanyang ina ang kanyang likod. Dahil nakasubsob siya sa dibdib ng kanyang ina ay hindi niya napansin na may bisita pala sila. Ang boss ni Jane na si Ace. "Anong nangyari beshy? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Jane sa kaibigan. Hindi naman sumagot si Joy at patuloy lang sa pag-iyak. "Beshy sinong nanakit sa'yo?" tatayo na sana si Jane nang pagilan siya ni Ace. "Will you please calm down. Hayaan mo muna siyang umiyak." pigil ni Ace kay Jane. "Sige lang anak iiyak mo lang makikinig si nanay sayo kapag handa ka nang sabihin lahat hmmm?" Pag aalo ni aling Marina sa anak. Nang mahimas masan ay nagsimula nang magkwento si Joy ipinagtapat na rin nito sa ina ang totoo na nagdadalang tao siya. Ngunit hindi niya sinabi na sinaktan siya ng magkapatid ayaw niyang lumaki pa ang issue knowing Jane alam niyang susugod ito kapag nalaman niyang sinaktan siya. Kung magkakapasa man ang katawan dulot ng p*******t nina Kiel at Alice sa kanya ay kaya naman niyang itago iyon. "Nay ito po ba ang kapalit kapag nagmahal ka ng tunay at tapat? Kasi Inay kung ito po ang kapalit sana hindi na lang po ako nagmahal." Saad ng dalaga sa pagitan kanyang paghikbi. "Anak hindi totoo yan, oo lahat ng nagmamahal nasasaktan nagkataon lang na mas masakit ang naranasan mo. Walang perpektong pagsasama hindi lang ito puro saya at ginhawa mayroon ding hirap at sakit na pagdaraanan. Ngunit lagi mong tatandaan na ang bawat lungkot may katumbas na saya. Makakayanan mo lahat ng ito anak matapang ka 'di ba? Hindi ka pababayaan ni nanay. Basta manalig lang tayo sa Diyos gagabayan ka niya at hindi ka niya pababayaan." "Anong plano mo ngayon beshy." tanong ni Jane. "Gusto ko sanang magpakalayo-layo na lang. Gusto kong pumunta sa malayong lugar 'yong walang nakakakilala sa akin mas madali akong makalimot." "Your a nurse right? My cousin is a doctor and she needs assistants para sa clinic niya I can recommend you yun nga lang medyo malayong probinsya iyon sa Norte." Saad ni Ace. "Okay lang sir Ace 'yon naman ang gusto ko ang malayo dito. Salamat Sir." Naluluha pa rin si Joy. "Anak sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ng kanyang ina. "Opo inay ayoko na pong magkaroon ng ugnayan kay Kiel. At saka ayoko ko pong may madamay na ibang tao sa issue namin. Papatunayan ko sa kanya na kaya kong buhayin mag isa ang anak ko." "Beshy huwag mong isiping nag-iisa ka, nandito kami para sa'yo okay?" "Palalakihin natin ang apo ko nang magkasama anak kasama mo kami lagi mong tatandaan 'yan ha? " Salamat inay, salamat sa inyong lahat." "Naku napaka walang bayag pala ng lalaking iyon sana sinabi niya na ayaw niya ng commitment pa sumpa-sumpa hindi naman pala kayang panindigan kung ako 'yon nakatikim ng ano." "Ng alin?" tanong naman ni Ace kay Jane na nakangisi. "Ng mag asawang sampal Sir". taas kilay na sagot ni Jane kay Ace. "Tsk." napapailing naman ang binata. "So anong plano mo bukas." Si Jane ulit. "Magre-resign na ako sa hospital." "Agad-agad?" tanong ni Jane. "Oo hangga't maaari ayoko nang makakita pa ng kahit na sinong konektado sa lalaking iyon." "Sige na magpahinga ka na at gabi na anak makakasama 'yan sa bata kapag napuyat ka. Basta wag kang magpapa stress anak ha andito lang ako." "Opo inay salamat po talaga and sorry po inay." Naluluhang paumanhin ni Joy sa ina. Hinaplos naman ni aling Marina ang kanyang pisngi. "Sige na magpahinga ka na." "Pa'no po sir Ace update n'yo na lang ho ako kapag nakausap n'yo na ang pinsan mo, sabihin n'yo na lang po kung kailan ako magpapasa ng resume ko." Napailing naman si Ace. "No need Joy nirekomenda kita kaya alam na niyang na background check na kita." "Wow detective ang peg." Singit ni Jane na inaasar ang kanyang boss. Tinaasan naman siya ng kilay ng binata. "E Ace paano ang titirhan namin doon may mauupahan ba doon?" Tanong ni aling Marina. "Opo don't worry po may pasadyang bahay po para sa mga empleyado niya malapit lang din po sa bahay niya para po kapag may kailangan siya madali lang niyang masasabihan ang kanyang mga empleyado." Magalang na paliwanag ni Ace. Siya sige kami ay matutulog na at ikaw na ang magsara ng pinto pag alis ni Ace Jane. Maiiwan na kita Ace at maraming salamat." "Sige po nay aalis na rin po ako " paalam ni Ace. Pagdating niya sa kanilang kwarto ay agad na namang umagos ang kanyang mga luha. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Paano nagawa ni Kiel sa kanya ang lahat ng iyon? Paano niya nasabing baog siya gayong siya lamang ang lalaking pinag alayan niya ng sarili? Mahal kaya talaga siya Kiel? Dahil kung mahal siya talaga nito hindi niya magagawang pagbuhatan siya ng kamay. Muntik na siyang mapatay ng binata kung hindi lang dumating ang kapatid nito. Ngunit nakisali din sa p*******t sa kanya. Ang pangarap niyang magkaroon ng sariling pamilya hindi pa man nangyayari ay nawasak na. Nikikinita na ni Joy na sa hinaharap ay magiging katulad din niya ang kanyang magiging anak. Lalaki siyang walang kinagisnang ama. Mararanasan din nito ang pangungutya ng ibang bata, mararanasan din nitong mainggit sa tuwing makakakita ng kapwa bata na inihahatid ng kanilang ama sa eskwelahan gaya ng naramdaman niya nung siya ay musmos pa lamang. Sa madaling salita mararansan din ng kanyang anak ang mangulila sa kalinga at pagmamahal ng isang ama. Anong nagawa kong mali para pagdaanan lahat ng ito. Ginawa ko naman lahat ng sa tingin kong tama para maging mabuting tao. Minahal ko siya ng buong puso na pati kaluluwa ko ibinigay ko sa kanya pero bakit ganun ang iginanti niya. Siguro nga tama si Denise iiwan din niya ako kapag sawa na siya. Gano'n nga siguro talaga, kung gaano kami kabilis nabuo ganun din kami kabilis mawawasak. Ngunit hindi pa ito katapusan ng mundo ko, may anak akong umaasa sa akin. Siya ang aking magiging inspirasyon para ipagpatuloy ang aking buhay kasama ang inay. Lalaban ako sa lahat ng hamon ng buhay at ipapakita ko sa lahat na kaya kong buhayin ang aking anak kahit walang suporta galing sa walang kwenta niyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD