Everything was settled, nag-resign na nga si Joy sa kanyang trabaho. Hinatid sila nina Ace at Jane lulan ng private plane na pag-aari ng pamilya ng binata. Pagdating sa airport ay sinundo sila ng sasakyan patungo sa bahay ng pinsan ni Ace. Habang bumibiyahe ay nakatanaw si Joy sa labas ng sasakyan. Napaka aliwalas ng lugar, ang daanan na tinatahak nila ay puro taniman ng iba't-ibang klase ng gulay at nagtataasang puno ng mangga. Mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada, at mga kalalakihan at kababaihang abala sa kanilang mga taniman. May mga beach resorts din silang nadadaanan. Makikita sa lugar ang simpleng pamumuhay ng mga nakatira doon. Sa ganda at aliwalas ng lugar sandali niyang nakalimutan ang iniindang sakit at sama ng loob.
Natigil ang kanyang pagmumuni-muni ng tumigil ang kanilang sinsakyan. Huminto sila sa harap ng gate ng isang bungalow type na bahay. Unang bumaba si Ace at inaya silang mag-ina kasama si Jane.
"We're here." Saad ni Ace nang makababa ito sa sasakyan.
"Kaninong bahay ito." tanong ni Jane.
"Sa pinsan ko, ito ang bahay na itinalagang titirhan n'yo ang bilin niya sa akin ay may makakasama kayo dito staff din sa clinic niya," baling niya kay Joy at aling Marina. Napatango naman ang tatlo "Let's go inside mainit na dito labas." aya niya sa tatlo.
Bumukas ang gate at bumungad sa kanila ang isang lalakeng nakangiti at naka hair clip ang ang harapang parte ng buhok.
"Magandang tanghali po sa inyo, ako po si Justine ako po ang isa sa assistant ni doc Shiara. Ako rin po ang makakasama niyo dito sa bahay." magalang na pagpapakilala ni Justine.
"I'm Ace pinsan ni doc Shiara Sandoval, sila ang mga makakasama mo dito. This is nurse Joy at nanay Marina." pagpapakilala ni Ace sa mag ina.
"Nice to meet you nurse Joy aling Marina." Saad ni Justine
"And this is Jane Cruz my secretary."
"Magandang araw sa iyo Justine." bati ni Jane.
Ngumiti at tumango naman si Justine kay Jane.
"Pasok na po tayo sa loob ng bahay." Wika ni Justin at iginiya sila sa loob ng bahay.
Hindi kalakihan ang bahay may maliit na sala at karugtong nito ang kusina. May tatlong kwarto at isang banyo malapit sa kusina.
"Mabuti naman po at may makakasama na ako dito ang lungkot po kasi kapag nag-iisa at least may makaka kwentuhan na ako." masayang saad ni Justine habang naghahain ng kanilang miryenda. Habang nagmimiryenda may kumatok sa pinto dahilan nang pagtigil nila sa pagkain.
"Titingnan ko lang po sandali baka si doc Shiara na yan." tumango naman ang mga ito. Pagbukas ng pinto ay bumungad ang isang babaeng matangkad mestisa at may kalakihan na ang tiyan.
"Good morning sa inyo." Msayang bati ng babae.
"Hey pinsan kumusta?" bati ni Ace.
"Eto pinsan preggy ulit." bungisngis na sagot ng doktora.
"Pinsan this is Joy yung nurse na ni recommend ko sa'yo." sabay turo kay Joy ni Ace "and this is nanay Marina nanay ni Joy." Pagpapakilala ng binata.
"Hi ako nga pala si Dr. Shiara Sandoval, nice to meet you. Nakilala niyo na siguro si Justine ang inyong makakasama dito don't worry mabait 'yan medyo maharot lang minsan." Ngumuso naman si Justine ni ikinatawa ng doktora.
"Ah yes doc nakilala na po namin siya." Sagot ni Joy.
Tumango ang doktora at binalingan si Ace.
"Pinsan who is she? Your girlfriend?" tanong ni Shiara na ang tinutukoy ay si Jane. Kaagad naman itong pinabulaanan ng dalaga.
"Naku hindi po doc, ako po si Jane Cruz secretary po ni sir Ace." pagpapakilala ni Jane sa sarili.
"Oh sorry Jane ikaw pa lang kasi ang isinama nitong pinsan ko dito eh, never siyang nagdala ng babae dito except sa inyo." Nakangising sabi ng doktora.
Nagkatinginan naman ang magkaibigan
"Stop it nakakarami ka na ata ng kwento Shiara let them rest at bukas mo na sila kausapin tungkol sa trabaho and for your terms and conditions. Babalik na rin kami ni Jane sa Manila." wika ni Ace habang sinisipat ang kanyang relo.
"Okay magpahinga na kayo and Joy can you come this afternoon sa bahay sasamahan kayo ni Justine? Doon na kayo maghapunan para makapag usap tayo tungkol sa magiging trabaho mo."
"Yes po doc."
"Okay bye pahinga na kayo." kumaway ang doctora at nagpaalam na rin kay Ace at Jane.
"Paano ba yan mauuna na kami Joy." Wika ni Ace kay Joy.
"Mag iingat po kayo sir Ace. Maraming maraming salamat po sa tulong niyo." Magalang na turan ni Joy.
"Joy kindly drop the formality Ace na lang? And please wag mo nga akong pino po I'm just 28." Tila iritadong litanya ni Ace.
"Sus hindi mo matanggap na matanda ka na." Pasaring ni Jane. Siniko naman siya ni Joy habang nagkibit balikat lang ito.
"Basta pag nagka problema kayo just call me okay?" Ace.
"Thank you Ace ang laking bagay ito para sa amin." Aling Marina.
"Maraming maraming salamat Ace. Mag iingat kayo sa byahe pabalik ng Manila." Si Joy.
Nag paalam na rin siya kay Jane na naluluha.
"Basta beshy ha kapag kailangan mo nang tulong ko tawag ka ha? Wag mo pababayaan ang sarili mo kasi hindi na lang sarili mo ang iintindihan mo, lagi mong tatandaan na may buhay sa sinapupunan mo kaya magpakatatag ka para sa kanya.Lagi mo akong iupdate ha? Tumawag ka palagi sa akin sisikapin kong mabisita ka lagi dito." Mahabang paalala ni Jane sa kanya.
"Oo beshy wag kang mag alala kaya ko to ako pa. Ikaw din mag iingat ka lalo na mag isa kana lang apartment natin." Paalala din ni Joy kay Jane. Tumango lang ang kanyang kaibigan at naluluhang nagyakapan sila kasama si Aling Marina.
"Lets go." Aya ni Ace kay Jane.
"Justine wag mo sana silang pababayaan ha?" bilin ni Jane kay Justine.
"Opo miss Jane makakaasa ka po."
Kumaway ang mga ito sa isa't isa at sumakay na sila sa van pabalik ng airport.
Napabuntong hininga si Joy, ito na ang simula ng kanilang bagong buhay. Dito sa lugar na ito huhubugin niya ang pagkatao ng kanyang anak. Dito nila bubuuin ang kanilang pamilya kahit silang tatlo lang, ang kanyang inana at ang baby niya.
Kaya natin to baby fight lang magiging okay tayo kahit tayong tatlo lang kaya kapit lang kay mommy ha? Wag tayong sususko sa hamon ng buhay.