Chapter 22

1080 Words
Nagising si Kiel na mabigat ang pakiramdam parang pinukpok ang kanyang ulo sa sakit. Sumakit pa lalo ang kanyang ulo nang maalala ang nangyari sa pagitan nila ni Joy noong isang gabi. Nasaktan niya ang dalaga nang ilang beses nang malamang buntis ito. Napaisip siya kumusta na kaya ito, nakaramdam siya ng guilt sa ginawa niya sa dalaga mahal na mahal niya si Joy ngunit nalaman niyang nagdadalang tao ito gayong wala siyang kakayahang nagkaanak. Dala nang matinding poot, galit at impluwensya na rin ng nakakalasing na inumin nagawa niya ang bagay na iyon. Nagtungo siya sa banyo para maligo at nang mahimasmasan. Pagkatapos maligo at magbihis ay sumakay na siya sa kanyang sasakyan. Namalayan nalang niya na tinatahak na pala niya ang daan patungo sa bahay na inuupahang nila Joy. Nang makarating ay sandali siyang humugot ng malalim na hininga at bumaba ng sasakyan. Kakatok na sana siya nang makita siya ng matanda at may katabaang babae. "Ah Ser wala pong tao diyan." wika ng matandang babae. "Ah ganoon po ba saan ho kaya sila nagpunta manang?" tanong ni Kiel. "Umalis po Ser, may mga dalang maleta." Nagulat si Kiel sa narinig saan naman pupunta si Joy ang alam niya ay wala na siyang kamag anak at sila na lang ng kanyang ina ang magkasama. "Maleta? Ano pong ibig niyong sabihin manang?" Napakamot naman ng ulo ang babae bago sumagot. "Umalis na po sila dala lahat ng gamit. Ang rinig ko po ay aalis na sila at maninirahan sa ibang lugar." Tila nanlamig si Kiel sa narinig. "Alam niyo po ba kung saan sila pupunta?" Umiling naman ang babae bago sumagot "Hindi po Ser basta ang dinig ko lang po ay aalis na sila at hindi na babalik." "Ah gano'n po ba? Sige po maiiwan ko na po kayo." paalam ni Kiel sa babae at naglakad na pabalik sa kanyang kotse. Balak sana niyang kausapin si Joy. Hihingi siya ng tawad at aakuhin na lang ang bata, sobra niyang mahal si Joy kaya pati ang magpakababa ay gagawin niya ngunit huli na dahil nakaalis na ito at kung saan man nagpunta ang mga ito ay hindi niya alam. Marahil ay sumama na ito sa nakabuntis sa kanya. Saad niya sa isipan. Nagsimula na nga si Joy bilang nurse sa clinic ni doc Shiara. Ang kanilang pamamalagi sa bahay na nakalaan sa kanila ay libre, tungkol naman sa kanilang pagkain ay hati sa budgett ang sino mang nakatira sa bahay pati ang bills nila. Nagpaalam naman si aling Marina kung pupwede siyang magtayo ng maliit na tindahan sa harap ng bahay para kahit papaano ay may mapagkukunan sila ng pambili ng pang araw-araw at pambayad na rin ng bills. Agad namang pumayag ang doktora ang kondisyon lang nito ay panatilining malinis ang bahay at ang bakuran nito. Alam na rin ni Shiara na buntis si Joy at ang malungkot na pinagdadaanan nito. Kaya pilit niyang pinapagaan ang loob ni Joy dahil kabilin-bilinan iyon ng kanyang pinsan. Kasalukuyang nag aayos ng mga record ng pasyente si Joy nang may pumasok sa clinic. Agad siyang bumati dito. "Good morning ma'am I'm nurse Samantha magpapa-check up po ba kayo?" magalang na tanong ni Joy habang nakangiti. "Ah yes schedule kasi ng check up ko today ni refer ako kay doc Sandoval ng OB ko." "Ok po kukunin ko po muna ang vitals n'yo Ma'am ang before that, ano po ang pangalan niyo mam?" "I'm Colene Reyes." "Birthday niyo po at ilang taon na po kayo?" Agad namang sinagot iyon ni Colene. "Married po? Ano pong pangalan ni Mr?" sunod sunod na tanong ni Joy. "N-no I'm s-single Mom." utal na sagot ni Colene at yumuko. Nakaramdam naman ng guilt si Joy. Ginagap niya ang palad ni Colene at gulat na nag angat ng tingin sa kanya. "Don't be sad Ma'am Colene hindi ka nag iisa." Namilog ang mata ni Colene habang nakatingin kay Joy. "What do you mean?" "Buntis din ako Mam at katulad mo single Mom din ako. Huwag kang malungkot makakaya natin ito." Napangiti naman si Colene at pinatong ang isang palad sa kamay ni Joy. "Yeah, para sa mga babies natin." Nakangiting turan ni Colene. Mula noon ay nagkapalagayan na sila ni Colene nagpalitan rin sila ng numero para magkamustahan. Nagkukwentuhan sila minsan sa telepono tungkol sa mga nararamdaman nila habang nagbubuntis . Mas nauna ng isang buwan ang pinagbubuntis ni Colene at dahil nurse si Joy sa kanya ito nagtatanong tungkol sa mga bagay na hindi niya alam tungkol sa pagbubuntis. Taga ibang bayan si Colene isang sakayan pa bago ang clinic ni doc Shiara. Mayroon siyang maliit na boutique sa kanilang bayan. Araw ng linggo ay nagkasundo ang dalawa na magkita para mamasyal at mamili paunti-unti ng mga gamit sa kanilang magiging baby. Naglibot-libot sila sa mall at nang mapagod ay nagtungo sa isang fastfood chain para kumain. namilog ang mata ni Joy nang makita ang in-order na pagkain ni Colene. Sinalubong niya ito at tinulungan sa pagdadala ng mga ito sa kanilang table. "Colene ang dami naman yata nito mauubos ba natin 'to?" "Oo uubusin natin 'yan nag kre-crave kasi ako sa pagkaing ganito." Nanliit ang mata ni Joy. "Lagi ka bang kumakain nito?" Napakamot naman sa ulo si Colene "O-Oo pero pakonti konti lang naman e." "Hmm konti lang naman ka d'yan e pang isang araw na natin ito e." "Ihh pagbigyan mo na ako please bukas hindi na, tsaka ikaw hindi ka ba nag kre-crave sa mga pagkain or wala ka man lang bang weird na pagkaing gustong kainin?" "Meron naman kaso tinitipid ko lang kasi nag iipon pa ako para sa panganganak ko. Minsan gusto ko ng lechon manok or fried chicken ganun basta anything basta chicken." "Wow yayamanin, siguro yayamanin ang tatay." Huli na ng ma realize ni Colene ang kanyang sinabi napag usapan kasi nila hindi nila babanggitin ang tatay ng kanyang pinagbubuntis. "Sorry Joy, minsan may pagkapasmado talaga ang bibig ko pasensya na." hinging paumanhin ni Colene. Umusmid naman si Joy. "Buti at inamin mong pasmado 'yang bibig mo, pero tama ka yayamanin siya." mapait na ngumiti si Joy nang maalala si Kiel. "Ako din yayamanin at doctor siya." Nakangiting turan ni Colene at nilantakan na ang mga pagkaing nasa table nila. Wala man si Jane may Colene naman pumalit medyo mas makulit nga lang. Laging tumatawag si Jane nagkakilala na nga sila ni Colene at nagakausap na rin sa phone nag ve-vedeo call sila kapag may check up silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD