Lihim na kinausap ni Kiel si Justine, noong una ay ayaw nitong pumayag lalo na nang sabihin ni Kiel na babayaran niya ang kanyang sasahurin kay Joy. Sinabi ni Justine na hindi lang para sa pera ang batayan sa pagiging tapat niya sa dalaga. Pamilya ang turing ng mga delos Santos sa kanya kaya nararapat lamang na suklian niya ito ng katapatan. Nagmakaawa siya dito at sinabi ang kanyang tunay na dahilan, gusto niyang makabawi sa kanyang mag-ina. Kalauna'y pumayag naman si Justine sinabi n'ya na sana huwag nang sayangin ni Kiel ang pagkakataong ito para mapatawad siya ni Joy at mabuo muli ang kanilang pamilya. Ito na ang araw ng medical mission. Kailangan daanan ni Joy ang mga gamit sa clinic niya dahil hindi ito madadala ni Justine. Tumawag siya kahapon at sinabing hindi muna makakabalik

