Nauna nang umuwi si Joy sa Norte dahil sa naiwang trabaho, maghahada sila sa gaganaping medical mission sa isang remote barangay na nasasakupan ng munisipalidad kung saan siya ang doctor to the barrio doon. Inagahan niya talaga ang pag-uwi dahil mag isa lamang siya, si Justine ay hindi makakasama sa kanya dahil nagpaalam ito na bibisita sa magulang niya pagkatapos ng birthday ng kanyang Papa. Magmula noong maging ganap s'yang doctor ay inarbor na ni Joy si Justine sa pinsan niyang si Shiara para maging assistant s***h secretary nito. Ang laki ng naitulong ni Justine kay Joy lalong lalo na noong pinagbubuntis niya si Kassie. Hindi niya naramdaman ang pag-iisa kapag kasama niya si Justine dahil napakamasayahin nito. Laging nagpapatawa. Napapangiti siya kapag naaalala niya ang pagpapanggap

