Chapter 16

1239 Words
Araw ng linggo sinadya ni Joy na hindi batiin ang kaibigan para magtagumpay siya sa kanyang sorpresa. Nagpahuli siyang bumangon at nagkunwaring tulog pa siya kaninang bumangon si Jane. Kagabi pa lamang ay kinutsaba na niya ang kanyang ina. Nang makalabas si Jane sa kwarto ay bumangon na rin siya, papunta na siya sa kusina nang mauliningang nag-uusap ang kaibigan at ang Inay niya, nagkubli siya sa pinto upang pakinggan ang pinag uusapan ng dalawa. "Oh Jane, linggo ngayon ah, bakit parang papasok ka ata?" Napakamot naman si Jane sa kanyang batok. "Oo nga po nay e, pinapasok po ako ng boss ko, may ihahabol po akong mga importanteng papeles." "Ganoon ba dito kaba manananghalian?" "Opo sandali lang naman po ako doon 'nay." "Sige hihintayin ka namin ha?" "Opo 'nay." Dumeretso na si Jane sa banyo para maligo. Nagkatinginan ang mag ina at ngumiti sa isa't-isa. Tinawagan ni Joy si Kiel para imbitahin. "Hello sweetie." Joy "Hello." sagot ni Kiel. Nagulat si Joy dahil parang galit ang binata. "S-sweetie naistorbo ba kita pasensya ka na." Tumikhim si Kiel bago sumagot. "Hindi sweetie busy lang ako, bakit ka napatawag?" "Iimbitahin sana kita sweetie, birthday kasi ngayon ni Jane magluluto kami ni inay ng pagsasaluhan mamayang pananghalian." "Sweetie, I'm sorry but I can't come. Busy ako today ang dami kong gagawin dito sa office and I have meetings to attend." "Ah ganun ba, sige ok lang." "Don't worry babawi ako sweetie promise. Please greet Jane a happy birthday for me sweetie. Ingat ka palagi I love you " "Ikaw din ingat ka, I love you too." Napabuntong hininga si Joy. Aware naman siya na napaka b abalang tao ang kasintahan. Nami-miss lang niya ang binata dahil ilang araw na rin silang hindi nagkikita. Pagkaalis ni Jane ay nagsimula nang maghanda ang mag-ina sa mga lulutuin. Madaling araw pa lang kanina ay namalengke na si aling Marina. Tinago n'ya lang kanina para hindi makita ni Jane. Nagluto sila ng pancit, spaghetti, lumpia at ang paborito ni Jane na chicken macaroni salad. Nag order na rin sila ng lechon manok at cake. Nang maihanda na ang hapag ay tinawagan na niya si Jane. "Beshy asan kana?" "Pauwi na kami malapit na." "Kami? May kasama ka?" takang tanong ni Joy. "Oo hinatid ako ng boss ko." "Lalaki? Gwapo?" "Ano ka ba beshy mamaya na yang chismisan kasama ko siya shut up muna okay?" Napahagikgik naman si Joy. Pagkaraan ng ilang minuto ay may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay nila Joy sinilip niya ito at nakitang si Red ang dumating kasama ang kapatid na si Denise. Agad siyang lumabas at sinalubong ang mga ito para papasukin. "Hi." bati niya sa magkapatid at bumeso sa mga ito. "Hi po ate." ganting bati ni Denise kay Joy. "Tara sa loob pasok kayo." pag aaya niya sa kanila. Sumunod naman kay Joy ang mga bagong dating na bisita. "Upo muna kayo ha wala pa kasi si Jane e." "Bakit saan siya nagpunta?" usisa ni Red napangiti naman si Joy. "Sumaglit lang sa opisina nila pero parating na 'yon. Actually hindi niya alam na may hinanda kami. Surprise namin 'to sa kanya." "Wow ate, ang swerte naman ni ate Jane bilang bestfriend mo." singit ni Denise. Ngumiti naman si Joy. "Hindi lang naman kasi kaibigan ang turingan namin sa isa't-isa Denise para na rin kaming magkapatid." "Aw, sana all na lang talaga." "Bakit mabait naman ako 'di ba?" Sabat na rin ni Red. Denise rolled her eyes. Natawa sila sa inasta ng dalagita. May bumusinang sasakyan sa labas agad naghanda si Joy para salubungin si Jane. Pagkabukas pa lang ni Jane ng pinto ay sumigaw na si Joy. "Happy birthday beshywap!!! Tila nagulat naman ang kasama ni Jane. Isang lalakeng naka suit na matangkad moreno at mukhang pinaglihi sa sama ng loob sa pagiging seryoso ng mukha. "S-sorry beshy may kasama ka nga pala." "Thank you beshy akala ko nakalimutan mo na ang birthday ko. Ah siya nga pala boss ko si Sir Ace, Sir siya po si Joy kaibigan ko at kasama ko dito sa bahay." "Hello po Sir nice to meet you." bati ni Joy kay Ace, tumango lang ang binata. "Pasok po kayo sa loob Sir." anyaya ni Joy. Habang papasok sa loob ng bahay ay narinig niya ang pabulong na boses ng lalake kausap si Jane. "You didn't tell me that today is your birthday." "Bakit ko naman po sasabihin sa inyo Sir? As if you care." pambabara ni Jane. Nagtaka siya bakit ganoon ang pakikitungo ni Jane sa boss niya? Bakit parang may something. 'Di bale kapag nakapagsolo sila ay kausapin niya ito. Namilog ang mata ni Jane nang mabungaran sina Red ni at ang kapatid nito. "Hi!" bati ni Jane sa kanila at lumapit sa magkapatid. "Happy birthday." bati ni Red "Happy birthday po." bati rin ni Denise. "Thank you." tugon naman ni Jane na may malawak na ngiti. Nilingon niya ang kaibigan, ngumiti din si Joy at kumindat. Dumungaw si aling Marina "Oh nandiyan na pala kayo, halina't kakain na tayo." Pinauna naman nila ang kanilang mga bisita sa hapag. Binulungan ni Joy si Jane. "Beshy bakit hindi mo naman sinabing may kasama ka palang fafa." "Hindi ko niyaya 'yan, nagpumilit lang na ihatid ako. Hindi mabait 'yan sinasabi ko sa'yo beshy ang sama ng ugali." Nangiti si Joy naalala niya ang unang pagkikita nila ni Kiel. Bumalik ang kanyang isip sa kasulukuyan ng sikuin siya ni Jane. "Bakit hindi mo sinabing inimbita mo ang prince charming ko." "Wow prince charming agad? 'Di ba pwede-" "Wag ka ngang maingay marinig ka pa nila." Sumunod na ang dalawa. "Happy birthday nga pala Jane anak." bati ni aling Marina "Thank you :nay. Salamat sa pahanda mo po. Siya nga po pala siya po si Sir Ace boss ko po." "Magandang araw po." bati ni Ace kay aling Marina. "Magandang araw din Sir, pagpasensyahan mo na ang tirahan namin medyo masikip." "It's okay po, and call me Ace na lang po." "Sige kung 'yan ang gusto mo Ace." Nagkatinginan ang magkaibigan dahil sa inaakto ni Ace. Kanina ay ang suplado nito ngayon ay nag switch sa pagiging mabait. "Ang sarap po ng luto n'yo." singit ni Red. Napangiti naman si Jane sa papuri ni Red. Nagkwentuhan pa ang mga ito bago umuwi sina Red. Nauna namang umuwi si Ace dahil may lakad pa raw ito. "Beshy bakit ganun ang pakikitungo mo sa boss mo parang ang harsh naman yata?" "Naku beshy kung alam mo lang kung gaano ka sama ang ugali niya." Nangunot ang noo ni Joy sa narinig. "Huh? Parang hindi naman." "Kung anu-ano ang pinapagawa sa akin kahit tapos na. Pinapa-review nito ang mga papers na hindi naman kailangan." "Baka naman gusto lang niya ay lagi ka niyang nakikita." singit naman ni aling Marina. "Naku 'nay kung alam niyo lang. Laging galit, laging nakasigaw kapag may nagawang pagkakamali ang mga empleyado n'ya kung hindi sisigawan sinsisante n'ya." "E bakit ka nagtitiis sa kanya?" tanong ni Joy. "Natatagalan ko pa naman. Ewan ko ba kahit minsan nasasagot at nagbubulyawan ko din siya dahil sa inis ay hindi naman ako sinisisante." "Hmmm baka may gusto siya sa'yo." "Beshy malabong mangyari iyon may girlfriend 'yong tao." Nagkibit balikat naman si Joy napansin kasi niya na iba ang tingin ni Ace kay Jane kanina. Napapakunot ang noo nito kapag namamataang nakikipag ngitian si Jane kay Red. Hindi kaya may gusto si Ace kay Jane?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD