Chapter 15

1107 Words
Sa office ni Kiel ay abala siya sa pagpirma ng mga mahahalagang papeles nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Nagulat pa siya dahil sinabi niya sa kanyang secretary na bawal siyang istorbohin. "Sir pasensya na po nagpumilit po siyang pumasok." hinging paumanhin ng kanyang secretary. Tumango naman ang binata at sinenyasan ang secretarya na iwanan na sila. "What is it Denise." kunot noong tanong sa bagong dating. "Iyong nurse ba ang reason kung bakit wala ka ng time sa akin." "Time? Why should I spend time with you?" "Kiel we've been together for 3 f*cking years." "Yes, and I made it clear that we're only f*ck buddies not a lover." tila napahiya si Denise sa deretsahang pahayag ni Kiel. "Hindi ko hahayaang mapunta ka sa pipitsuging babaeng 'yon. Makikita mo babalik ka rin sa akin tandaan mo yan." naluluhang turan ng bababe. "Don't you dare touch her, Denise I swear baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo " "Let us see." taas kilay na saad ni Denise bago padabog na umalis. Napakamot sa ulo si Kiel. Nililinaw niya sa lahat ng babaeng nakakaugnayan n'ya na hindi siya sang ayon sa seryosong relasyon, ayaw niya ng mas malalim pa doon it is only pure l**t and desire. Lahat naman sila ay sang ayon sa kanyang kundisyon. Tanging si Denise lang ang makulit at pinagpipilitan ang sarili sa kanya. At ngayong may Joy na siya sa kanyang buhay nandito si Denise na mukhang g**o ang ihahatid, ngunit hindi niya hahayaang guluhin ng babaeng iyon ang pagsasama nila ng kasintahan. Samantala sa ospital kasabay ni Joy na nag lunch sa cafeteria si Red. "Joy kumusta ka?" tanong ni Red. "Ok naman ako Red ikaw kumusta." sagot naman niya. "Hindi na tayo nagkakasama masyado, hindi din kasi nagtutugma minsan ang schedule natin." "Oo nga eh." Patuloy sa pagkain ang dalawa ng magsalita ulit si Red. "Busy ka ba mamaya?" "Hmm bakit?" "Yayain sana kitang kumain muna sa labas bago umuwi." Napaisip naman si Joy ito na siguro ang tamang oras para sabihin sa binata na pagkakaibigan lang ang kaya niyang isukli sa pagmamahal ng binata at wala ng hihigit pa doon. "Sige may sasabihin din ako sayo." pag sang ayon niya sa binata. Nagliwanag naman ang mukha ng binata sa narinig. "Pa'no hihintayin na lang kita mamaya sa parking lot?" "Okay see you later, mauuna na ako may ia-assist pa akong operation." pagpapaalam ni Joy. "Okay see you later." Pinaalam naman ni Joy sa kasintahan na huwag na siyang sunduin, dinahilan na lang niya na kakain sila sa labas ng mga kaibigan niya. Kung sasabihin niya sa binata na si Red ang kasama niya tiyak mag aalboroto na naman 'yon. Sa isang kalapit na restaurant lamang ng hospital sila nagtungo. Nasalubong pa nila ang grupo ng mga kababaihan kasama si Denise. Inirapan lang siya ng dalaga at nilagpasan siya, nagkibit balikat na lang si Joy. Nag order na sila ng food at kumain habang nagkukwentuhan. Nang matapos kumain ay nagsalita ulit si Red. "Ah Joy 'yong sinabi ko sa'yo napag isipan mo na ba?" tanong ni Red. "Actually Red hinintay ko 'tong pagkakataong ito para masabi ko sa'yo ang tunay na nararamdaman ko." Panimula ni Joy habang mataman na nakikinig ang binata. "Red mahal kita, pero bilang kaibigan. Tanging pagkakaibigan lang ang maibibigay ko para sa'yo. Red gusto ko ring sabihin na may boyfriend na ako." "May boyfriend ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Red. Tumango naman si Joy bago sumagot. "Oo Red, pero kahit may boyfriend na ako hindi naman magbabago ang pakikitungo ko sa'yo, magkaibigan pa rin naman tayo." Yumuko si Red kaya hinawakan siya ni Joy sa kamay. "Red wag kang malungkot, hindi sa ayaw ko sa'yo, sadyang hindi lang tayo parehas ng nararamdaman para sa isa't-isa. Sigurado ako sa gwapo mong 'yan makakahanap ka rin ng taong magmamahal sa'yo. Iyong taong mamahalin ka ng higit pa at 'yong babaeng deserving talaga para sa'yo. Red nandiyan lang siya sa tabi-tabi kailangan mo lang imulat ang mga mata mo." "Huh? Anong ibig mong sabihing imulat ko lang ang mata ko e ikaw lang naman ang nakikita ko e." "Iiih! Seryoso ako basta mahahanap mo rin siya sa tamang panahon." Napa buntong hininga naman si Red. Kapag kuway nagsalita. "Basta nandito lang ako ha. Kapag sinaktan ka ng boyfriend mo isang tawag mo lang reresbak ako." "Sira." Nagtawanan ang dalawa. "Nga pala gusto sana kitang imbitahin sa bahay sa sunday." "Bakit anong meron?" Kunot noong tanong ni Red habang kumakain ng slice cake. "Birthday kasi ng kaibigan ko si Jane, wala naman siyang pamilya dito nasa probinsya sila. So para may kasama kaming mag celebrate iniimbita kita." "Para mo namang sinabing baka hindi n'yo maubos ang handa n'yo kaya iniimbita mo ako." Natawa si Joy sa sinabi ni Red. "Sira ulo, hindi gano'n ang ibig kong sabihin." natatawang turan ni Joy. "Sige isasama ko si Denise." "Denise?". takang tanong ni Joy. "Oo si Denise yung kapatid kong bunso remember?" Napaisip saglit si Joy at kapagkuway natampal niya ang kanyang noo. Nakalimutan niyang Denise pala ang pangalan ng kapatid ni Red, ang Denise na laman ng kanyang isip ay ang babaeng nakasagutan sa birthday party ni Alice na kung magselos wagas. "S-sorry ibang Denise kasi nasa isip ko." "Huh sino?" Usisa ni Red. "Wala never mind " "Ok let's go hatid na kita." Tumayo na ang dalawa at nilisan ang restaurant. Masaya si Joy dahil sa wakas nasabi na niya kay Red ang tunay niyang nararamdaman para dito, kahit papaano ay nabawasan ang guilt na nararamdaman. Hiling niya na sana lang ay hindi magbago ang pakikitungo ni Red sa kanya na kahit binasted niya ang binata they will still be friends. Nangingiti siya dahil siguradong matutuwa ang kaibigan sa sorpresa niya. Hindi na niya muna sasabihin kay Jane na inimbita niya ang kanyang ultimate crush. Simpleng tanghalian lang naman ang ihahanda nila ngunit titiyakin niyang magiging memorable ang birthday ng kanyang best friend. "Nandito na tayo, baka gusto mo nang bumaba nurse Joy." pang aasar ni Red. Nagulat siya dahil sa kakaisip sa magiging reaksyon ni Jane sa kanyang kaarawan ay hindi niya namalayang makarating na sila ng kanilang bahay. "Oo na, ito na baba na." ngiting sagot niya sa binata. "Tsk, nagde-daydreaming ka pa sa loob ng kotse ko, konting respeto naman po." Pang aasar ulit ni Red. "Ay grabe siya. Hindi kaya, sobra ka sa akin ha." Natawa si Red sa reaksyon ng Joy. "Sige na pasok ka na." Pagtataboy niya sa dalaga. "Sige salamat ulit. Ingat ka ha, sa Sunday ha wag kang mawawala?" "Sure, bye " Kumaway ang dalaga bago pumasok sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD