Sabay na bumiyahe sina Joy, Kassie at ang kanyang magulang papuntang Manila lulan ng private plane nila para dumalo sa party nina Colene at Albie. Pagkalapag sa helepad ng hotel dumeretso sila sa kanilang bahay para magpahinga. Pagsapit ng gabi ay naghanda na sila para sa party. Simple lang ang suot niya, isang summer dress na bulaklakin ang tela na kulay pink terno sila ng anak dahil floral ang motif ng party at sa malawak na garden ng mga Guerrero gaganapin ang party. Lumabas na siya ng silid n'ya matapos makuntento sa kanyang makeup. Inilugay lang niya ang mahabang buhok at nagsuot ito ng headband na may disenyong maliliit na bulaklak. Nagmistula s'yang diwata sa suot na maiksing dress dahil sa kinis ng kanyang balat. Dahil terno nga sila ni Kassie sinuotan lang din niya ng headband a

