Chapter 34 Hinintay siya ni Yaya Sita sa living room hindi pa n'ya naihahatid ang tray na hawak hawak kanina, naglalaman ito ng mga pagkain tubig at gamot nakalapag ang tray sa center table. "'Nay Sita bakit nandito pa ho kayo?" "Naku anak hinintay talaga kita baka kung ano ang gawin ni Denise sa'yo. Anong ginawa n'ya sayo sinaktan kaba n'ya?" Nag aalalang tanong ni Yaya Sita sa kanya. "Naku wag na ho kayong mag alala kaya ko pong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi na po ako katulad ng dati 'nay. Teka, saan n'yo dadalhin ang mga pagkain na 'yan? Mukhang may gamot pa po ata?" Usisa nya sabay ingunuso ang tray na nasa table. "Ah 'yan ba? Dadalhin ko ito sa kwarto ni Kiel." "Kiel? Bakit ano pong nangyari sa kanya?" "Pagdating niya kaninang umaga ang taas ng lagnat natulog maghapon ayaw

