"Mommy can you check daddy? He is not feeling well." Baling ni Kassie sa Ina. "H-ha, i-inom lang siya ng paracetamol gagaling na s'ya anak." Pag iiwas ni Joy. "Mommy 'di ba sabi mo, you should check the patient first before giving him medicine?" Wala sa sariling napatango si Joy. "Then you should check Daddy first. Specially his heart beat." Alam n'yang simpleng utos lang 'yon ng anak n'ya ngunit parang iba ang ibig sabihin nito para sa kan'ya. Limang taong gulang lamang ang anak ngunit matatas na itong magsalita. Mabilis matuto at napaka attentive. Observer na bata rin si Kassie. "While Mommy is checking daddy, nanay Sita pwede mo ba akong samahan? I will tell Alanis that my Daddy is here na." Baling ng bata sa Yaya Sita. "Sige anak." Tugon ni Yaya at kinapitan na ng bata ang braso ni

