Ngayong gabi na nga ang gaganaping selebrasyon sa kaarawan ng Papa nila Joy. Ang party ay gaganapin sa malawak na pool side ng Samantha's Hotel. Lihim na pinadalhan ni Ace ng imbitasyon ang mga Guerrero including Denise Sarmiento. Kasama nitong dumating si Albie. Nauna na sa venue sina Jane at Colene kasama si Alanis, maging ang mga magulang ay nandoon na rin kasama si Kassie. Bumalik si Joy sa inookupang kwarto nang maalala na nakalimutan pala n'ya ang kanyang cellphone. Kaya hindi niya nakita ang pagdating nina Kiel at Alice. Pagkababa ay nakasabay niya si Denise mukhang galing ito sa comfort room. Nagitla si Denise nang makita siya ngunit sandali lamang ito. Hinarap niya si Joy at sinipat mula ulo hanggang paa. Nakasuot si Joy nang silver gown. Simpleng long gown ngunit napaka eleganten

