Sinukat na ang kanya-kanyang gown nina Colene Jane at Joy habang naglalaro sa sofa ang dalawang bata. Nag-aayos sila at sinisipat ang sarili sa salamin ng biglang magsalita si Jane. "Buti hindi hinahanap ng mga bagets ang kanilang tatay." Nagkibit balikat naman si Colene. "Minsan nagtatanong siya, dindahilan ko na lang na nasa ibang bansa ang daddy niya at nagtatrababo." "Hindi ba parang masama naman 'yon beshy, nagsisinungaling ka sa bata paano kung may asawa na pala ang ama niya, tapos 'yang bata umaasa na uuwi sa inyo ang Daddy niya." saad ni Jane. Mapait namang napangiti si Colene hindi maipag kakailang mahal pa rin niya si Albie. Wala namang kaso kung magkakabalikan sila para sa dalaga. Pareho nilang mahal ang isa't isa. Mas pinili nga lang ni Colene ang magsakripisyo para sa pamil

