CHAPTER THREE

1914 Words
Winter's POV Nakakahiya 2nd day ng school napalabas ako .Ano na lang sasabihin sa'kin nung nagbigay ng scholarship ko?Na hindi pa nga ako nagtatagal dito eh nagpapasaway na ako. Pero...Teka?Sino nga ba yun?Nakalimutan ko yung pangalan Anyway,naglalakad-lakad ako ngayon.Di ko naman kasi alam kung saan ako pupunta eh. Bullshit! May araw talaga sa'kin yung Kevin na yun lalo na yung Nixon!Syempre damay na rin yung nagbabaitbaitan at babaerong tukmol!Pero kung tutuusin dapat mas naiinis ako kay Kevin kasi masalita sya at napakayabang.Pero kay Nixon talaga ako sobrang naiinis.Sino ba naman ang hindi? Si Nixon kasi kapag nagsalita talagang maiinis ka.Wala syang pakialam sa paligid nya tapos wala pang ekspresyon!Oh diba?Nakakainis!Nung binato ko nga sya ng sapatos ko,hindi ko man lang nakita na nainis sya.Tangina!Lalo tuloy akong nainis! Saka—ARAY! Pestengbuhaynamantooh! Tumama lang naman yung mukha ko sa poste.Tsk! Nilibot ko yung paningin ko... Nandito pala ako sa kabilang building pero sarado naman yung mga rooms.Luma na rin sya Naglakad na lang ulit ako hanggang sa mapadpad ako sa gymnasium!NapaWOW naman ako sa laki Umupo na ako.Siguro dito na lang muna ako tatambay.Pag nagbell saka ako babalik "WINTER!" Jusko! Halos mahulog ako sa kinauupuam ko nung biglang may sumigaw.Nung nakabawi na ako sa pagkagulat lumingon na ako sa sumigaw.Yung Charlie pala na nagbabaitbaitan.Tumatakbo sya ngayon "Nandito ka lang pala!"sabi nya pagkalapit sakin.Humahangos pa sya. "Oh ano naman kung nandito ako?"nakataas ang kilay na tanong ko. Huminga muna sya ng malalim saka naupo"Kanina pa kita hinahanap." "At bakit mo naman ako hinahanap? "I...I just want to say sorry for what Ke—" "OPPS!Di ko kailangan ng sorry na yan."sabi ko na itinaas pa ang dalawang kamay sa harapan nya.Gusto ko yung mayabang na Kevin na yun ang humingi ng tawad sakin no! "Pero—" "Umalis ka na lang.Saka wag kang magpanggap na mabait.Alam ko naman na tukmol ka rin na tulad nya."sabi ko na ikinakunot ng noo nya "What is tukmol?"Takhang tanong nya "Sekretong malupet.Hindi pwedeng malaman ng taong panget."sabi ko saka ngumisi "Eh?I'm not ugly." "Lols!Panget ka.Panget kayong apat na tukmol!"sabi ko sa kanya saka tumawa "You know what?Mas bagay sayo'ng tumawa.Lalo kang gumaganda."sabi nya na namamangha kaya napatigil ako sa pagtawa at napaiwas ng tingin.Pakiramdam ko uminit ang pisnge ko. "Wag ka ngang mantrip dyan!"sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso nya.Pero ako rin ang nasaktan. Leche! "I'm just telling the truth."sabi nya saka ngumiti.Pukingina!Ang gwapo. Pero tukmol pa rin "Can we be...friends?"tanong nya bigla "Niloloko mo ba ako?"inis na tanong ko "Huh?" "Pagkatapos mo akong pagtripan kakaibiganin mo ako?" "Hindi kita pinagtripan."tanggi nya "Anong hindi?Tinawag mo nga akong stupid!"inis pa rin na sabi ko sa kanya "Oh,that!I'm sorry.Ang cute mo kasi pagnaiinis."sabi nya saka ngumiti "Cute?Ginawa mo pa akong aso nyan?" "So,beautiful na lang." "Parang napipilitan ka pa ah?"mataray na tanong ko "N-No!Maganda ka talaga!"pilit na sabi nya "Ewan ko sayo!Bakit ba kita kinakausap?!"sabi ko saka tumayo at lumakad.Humabol naman sya .Ang kulit talaga nya "Wait!" "Wag ka na ngang sumunod" "Friends muna?"inis ko syang hinarap "Ayoko."sabi ko saka ulit tumalikod.Pero pinigilan nya ako gamit ang paghawak sa braso ko "Sige na."pamimilit nya "Ayoko nga!" "Pleaseeee...I want to be your friend."pagmamakaawa nya na parang maiiyak na. Bwisit "Tangina ang kulet!Oo na!Payag na ko!Bitawan mo na ako!"pagkasabi ko nun lumiwanag bigla ang mukha nya at ngumiti ng napakalapad Mapunit sana yang bunganga mo! "Wala ng bawian ah?"nakangiting tanong nya.Tumango na lang ako Pero nagulat ako nung bigla nya akong hilahin "Teka!Bat ka nanghihila?!"gulat na tanong ko "Friends na tayo kaya ililibre kita!"masayang sabi nya "Hindi pa naman recess!"pagkasabi ko nun huminto sya sa kakahila sa akin saka tiningnan ako ng hindi makapaniwala "Recess na."sabi nya.Kumunot ang noo ko. Nilabas ko na lang ang phone ko saka tiningnan ang oras "Di nga?!9 Na?!"gulat na sigaw ko.Tinawanan naman nya ako.Bakit hindi ko narinig ang tunog ng bell? "Hindi rinig dito ang tunog ng bell."sabi nya. "Hindi kita tinatanong."inis na sabi ko.Tumawa lang sya saka ako sinenyasan na sumunod Pagkarating namin sa cafeteria maraming ng students.Sumunod pa rin ako sa kanya papasok.Inilibot ko ang paningin ko,hinahanap ko kasi si Jasmine.Nakita ko naman sya na kasama yung isang tukmol na si Kevin.Pero may napansin ako...may babaeng silang kasama..Sino kaya yun? "Huy,tara na."sabi naman nitong Charlie kaya sumumod ulit ako.Huminto kami sa tapat nila "Win!San ka nanggaling?Di kita mahanap kanina."sabi ni Jasmine sa akin saka ako pinaupo sa tabi nya "Sa gymnasium."nakangiting sabi ko.Sino kaya tong babae?Ang ganda nya "Friend na kami ni Winter."iniaanounce ni Charlie kaya napatingin lahat sa kanya. "Ano?!"di makapaniwalang sabi ni kev. "Who's Winter?"takhang tanong nung babaeng maganda "Ah...Winter si Charlotte nga pala."pakilala ni Charlie dun sa magandang babae"At Charlotte si Winter."pakilala naman nya sa akin "Nice to meet you."nakangiting sabi nya na inilahad pa sa akin ang kamay.Tinanggap ko naman "Nice to meet you too."nakangiti ko ring sabi ko "Plastik."dinig kong bulong ni Jasmine kaya napatingin ako sa kanya.Nakatingin lang sya sa plato nya "Wag mong hawakan yan Lot."sabi ni Kevin saka hinila paalis sa kamay ko ang pagkakahawak ni Charlotte "Why?"tanong naman ni Charlotte "Marumi yan."sabi naman nung isa "Malinis ang kamay ko no?!"depensa ko.Malinis naman talaga kasi eh "Anong gusto mong iorder ko Win?"biglang tanong sakin ni Charlie kaya napatingin ako.Ano ba masarap kainin? "Katulad na lang ng sayo."tumango naman sya saka umalis na "You can't buy your own food kaya nagpapalibre ka?"inis na tanong sa akin ni Kevin.Nakakabwisit talaga to kahit kailan. "Kaya ko.Gusto nya akong ilibre eh." "Nagpalibre ka naman?" "Di naman ikaw ang manlilibre ah?!"inis na sabi ko sa kanya.Nilakihan ko pa yung mata ko at pinagdikit ang dalawa kong kilay para makita niya na inis na inis na ako sa kaniya. "Are you guys going to fight?"tanong nung Charlotte "Ah...Hindi Lot" "Good."sabi ni Charlotte saka ako nginitian "Jas...bakit ang tahimik mo?"tanong ko kay Jasmine.Hindi naman kasi sya kahapon ganto eh "Naaalibadbaran ako sa pagmumukha ng babaeng yan."inis na sabi nya na itinuro pa ang mukha ni Charlotte kaya takha itong napatingin samin "Uhmm...Why?"tanong nya kay Jasmine "Ang plastik mo."sabi ni Jasmine sabay subo.Lumungkot naman ang mukha ni Charlotte "Jas!"Saway ni Kevin.Pero hindi na sya pinansin ni Jasmine "Where is Nixon na ba?"tanong ni Charlotte na inilibot pa ang mata "Wag mo na syang hanapin.Nandito naman ako eh."nakangising sabi ni Kevin Pwe! "Oh,eto na."biglang may naglapag ng pagkain sa harapan ko kaya napatingin ako sa umupo sa tabi ko "Salamat."sabi ko kay Charlie.Nginitian nya lang ako.Bigla naman akong siniko ni Jasmine "Bakit?" "Nothing."sabi nya saka ngumisi.Di ko na lang pinansin saka kumain "Oh!He's here na pala! Nixon!"lumapit naman na si Nixon sa table, saglit pa syang napatingin sakin saka naupo. "How are you?"masayang tanong ni Charlotte na nilapagan sya ng pagkain sa harapan "I'm okay."sagot naman nung isa. "Psh."bulong ni Kevin. Hmm...Love triangle ata sila At yun nga.Nagkwentuhan na sila.Actually si Kevin,Charlie at Charlotte lang naman ang nagsasalita eh.Panay tango lang si Nixon.Tapos kami naman ni Jasmine di naimik "I'm here!"sigaw ng kung sino kaya napatingin kami.Yung babaero.THOMAS "Uy!Pandak!"bati ni Kev "Gago!"sabi naman ni Thomas tapos napatingin sa akin.Ngumisi "You're here,Cutie girl.What's up?"nakangising bati nya sa akin "What's up mo mukha mo."sabi ko sa kanya saka ulit kumain. "Chillax!"sabi nya.Di na ako sumagot "Wag mo na kasi batiin."sabi nung Kevin "Kumain na lang kayo.Pinagtitripan nyo na naman si Friend."sabi ni Charlie kaya napataas ang kilay ko.Friend?! "Wow!Friend na kayo?Since when?"gulat na tanong ni Thomas "Kanina lang."proud na sagot naman nitong isa tapos nag-apir sila. Mga siraulo! "Ang ingay nyo."inis na sabi ni Jasmine.Kaya tumahimik naman na sila. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng tumunog ang phone ni Thomas "Hello baby?Huh?Sorry babe!Ay Sweetipie pala!Ano—"sagot nya dun sa tumawag kaya napatigil kami sa pagkain"Ay pinatay."sabi nya .Di pa nya naibababa ang phone nag ring ulit"Hello baby...Awww honey pala!Ay baby ikaw pala yan!Ano?!Hindi ikaw lang naman ang—pinatay ulit."sabi nya saka ibinaba na ang phone.Napansin nya siguro na lahat kami nakatingin sa kanya.Oo lahat kami pati na yung walang imik na si Nixon.Masama ang tingin sa kanya "B-Bakit?"tanong nya samin.Pero walang sumagot "Tom!"biglang may sumigaw na babae kaya dun naman kami napatingin.Papalapit na sya samin "Honeybunch!"bati naman nitong isa.Tangina!Ang dami nyang babae! "Babe naman eh!Hindi honeybunch!"nagmamaktol na sabi nitong babae na nakakandong pa sa kanya Di na po ako makakain. "Sorry babe..."paglalambing nya.Napatingin naman ako sa mga kasama ko lahat sila nakatingin lang dito sa dalawa.Si Jasmine sobrang sama ng tingin katulad ni Nixon.Si Kevin naman nandidiri.Si Charlotte naiinis.At si Charlie nakanganga "Ang dami mo kasing babae eh!" "Hindi ah!Ikaw lang naman eh." "Sure?" "Of course! Ikaw lang naman ang pinakamahal ko sa inyong lahat!"sabi nya na lalong nakapagpataas ng kilay ko "I hate you!"sabi nitong babae saka umalis na umiiyak "Am i wrong?"takhang tanong ni Thomas samin "Ang dami mo naman na babae."sabi ni Charlie "Hindi naman eh.Mga...20— ay hindi!Siguro 50?"hindi siguradong sabi nya "Tangina neto!Pinaglalaruan mo sila eh!"galit na sigaw ni Kevin "Of course not!" "Stop collecting girls."sabi naman ni Charlotte "Nagsalita yung malinis."sabi naman ni Jasmine.Ang laki talaga ng galit nito kay Charlotte.Matanong nga minsan. "Jasmine!Don't say that!"saway ulit ni Kevin.Pero inirapan lang sya ni Jasmine "Tigilan mo na yang ginagawa mo."seryosong sabi ni Nixon.Kaya gulat akong napatingin sa kanya.Umiwas lang ng tingin si Thomas.Tapos biglang lumungkot ang mga mata niya "Nagtatagalog ka?"gulat na tanong ko pero hindi na sya nagsalita.Kumain na lang sya ulit.Napatahimik tuloy ako,napahiya eh! "Masama bang magmahal?"tanong ni Thomas kaya napatingin kami sa kanya "Hindi naman masama.Ang masama ay yung pagsabay sabayin sila!"inis na sabi sakanya ni Charlie "What i going to do?Mapagmahal ako eh."sabi nya na nangalumbaba pa.Tangina "Gago!"sabi ni Kevin "Don't cuss."sabi ni Charlotte.Nagsorry naman siya sus! Nagulat naman kami nung biglang ibinagsak ni Jasmine ng sobramg lakas ang kutsara nya na halos mabasag yung plato nya "Kailan kaba magbabago?!"galit na tanong nya kay Thomas.Nagulat naman si Thomas sa tanong at ginawa nya kaya hindi agad to nakapagsalita "No...You will never change."galit pa rin na sabi nya sabay walkout.Napatayo tuloy ako saka sumunod sa kanya "Anong nangyari dun?" narinig ko pang tanong ni Thomas Ang bilis naman maglakad ni Jasmine. Hinabol habol ko sya hanggang sa makarating kami sa room.Wala pa yung iba namin na classmates Umupo sya kaya umupo rin ako sa tabi nya.Nagulat ako nung makita ko ang mukha nya Umiiyak sya.Bakit naman? "Jas...okay ka lang?"tanong ko saka sya niyakap.Hindi sya sumagot "Hindi na talaga sya magbabago."sabi nya na umiiyak pa rin "Si Thomas?Halata naman eh.Saka sabi nga nila,"Once a playboy, always a playboy"."lalo naman syang napaiyak sa sinabi ko "I know" "Ano bang issue nyo?Bakit parang galit na galit ka sa kanya?"tanong ko sa kanya.Di ko kasi maintindihan eh.Ang labo "He hurted me."sabi nya na lalong ikinagulo ng isip ko "Sinaktan?Pano?Di ko maintindihan."naguguluhan na sabi ko. Hindi kaya... "He is my ex." Yung nga ikinuwento nya ang nangyari sa kanila dati -to be continued ... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD