PROLOGUE
Mayaman kami,to the point na kaya ko nang bilihin ang buh—
"Win?!Tulungan mo naman yung pinsan mo na magbuhat ng mga gamit!Hindi tayo mayaman!Wala tayong kasambahay!"
Okay.Sabi ko nga mahirap lang kami.Ano ba to si Mama binuking pa ako
"Opo mama!"
Nagrenta kasi si mama ng bagong bahay na matitirhan pano,yung may-ari kasi ng bahay na tinitirahan namin dati pinalayas kami, isang buwan pa lang naman kaming hindi nagbayad.Ang sarap ngang tadyakan yung mukha nyang napakapangit eh kaso matanda na kaya wag na lang.Baka matodas eh!
"Hoy babae ano yang dala mo?"tanong ng masungit kong pinsan
Tiningnan ko naman ang dala ko
"Hindi mo to' alam?Walis tambo kaya!"
"Haysst!Alam ko ang akin lang, sa dami ng gamit yan talaga ang dala mo?!"di makapaniwalang tanong nya
"Eh..maglilinis ako eh."sabi ko
"Wag kang madaya!Ang dami ko ng nabuhat oh!Mamili ka yung mabigat!"inis na sigaw nya.Makasigaw amputek!
"Oo na!Sige na!Ang lakas ng boses mo kaya ang laki ng bunganga mo eh!"inis rin na sigaw ko saka ibinato sa kanya yung tambo.Umilag kaagad sya saka ako sinamaan ng tingin
"Bwisit ka!!!"sigaw nya saka akmang lalapit sa akin pero tumakbo agad ako palabas
HAHAHAH
Ako si Winter Mallime at ito ang napakaboring kong buhay
BOW!