CHAPTER ONE

1961 Words
Winter's POV Dali dali akong pumasok sa kwarto ni Claire—pinsan ko para sabihin ang napakagandang balita "PINSANNNNNNNNNNN!!!!"sigaw ko pagkapasok at halos mahulog naman sya sa kinauupuan nya.Naglalaptop pala "Ano ba yan?!Nakakagulat ka!!" "Alam mo ba—" "Hindi ko pa alam."bored na sabi nya "Kaya nga sasabihin ko eh."sabi ko.Inirapan nya lang ako ang sungit talaga!"Naaalala mo ba yung nag-exam ako para sa scholarship?" "Oo nung nakaraang linggo." "Woo!!Nakapasa ako!"masayang sabi ko pero napawi agad ang ngiti ko nung nakita kong parang nalungkot sya"Bakit?Sabi ko naman kasi sayo na try mo rin eh .Alam ko naman na papasa ka rin." "Hindi.Mas okay na sa akin na sa public lang.Nakakahiya kay Tita." "Ano ka ba?Hindi yan!Love na love ka rin kaya ni mama." "Kahit na.Alam mo naman na hindi tayo mayaman eh.Sige na labas kana.May ginagawa ako.Siya nga pala,congrats."tuloy tuloy nyang sabi saka nginitian ako at bumalik na sa pag tatype sa laptop nag oonline sell kasi sya Lumabas na lang ako.Kahit lagi kaming nag-aaway ni pinsan mahal ko naman yan eh.Naaawa nga ako sa kanya.Nung Nakaraang dalawang taon kasi namatay si Tita—mama nya.Pagkatapos nun iniwan na sya sa amin ng papa nya at hindi na nagpakita pa.Anak lang daw sya sa labas eh.Balita ko nga may kapatid daw syang lalaki isang taon lang ang tanda sa kanya.Masungit daw at hindi sya tanggap bilang kapatid Hayss...Si mama naman pinalayas ng magulang ni papa kasi hindi sya tanggap dahil mahirap lang.Naiwan daw dun yung kuya ko.Nung pinalayas si mama hindi nya alam na buntis na sya sa akin kaya mag-isa lang syang nag-alaga sa akin.Bakit kaya ganun ang mayayaman? "Oh,anak?Bakit ganyan ang mukha mo?"nagulat naman ako sa biglang nagsalita.Si mama pala "Ma." "May problema kaba?"sabi nya habang inaayos ang mga pinamili "Ah..kasi ma nakakuha ako ng scholarship." "Ganun ba?Congrats anak.Pero bakit malungkot ka?"sabi ni mama na inilalagay na sa ref yung karne "Si Claire ma.Pwede bang sa school ko na rin sya?"tanong ko "Pero private yun diba?Saka ayaw naman nya.Wag na nating pilitin." "Sabagay."sabi ko na lang saka tumalikod na Ay!Bumili kaya si mama ng napkin?Ubos na kasi yung akin eh.Di pa ako tapos Bumalik ako sa kusina "Ma bumili ka po ng napkin?" "Hindi pa eh." "Sige po.Bibili na lang ako."sabi ko saka lumabas na Malapit lang naman ang convenience store eh.Kaya di na ako mahihirapan saka hapon pa naman Nasa kabilang kalsada kasi yung store kaya kailangan ko pang tumawid Habang tumatawid ako biglang nahulog yung pera kaya pinulot ko.Paglingon ko nanlaki bigla yung mata ko dahil malapit na yung sasakyan. Napatakip ako ng mukha saka pumikit.Ayoko pang mamatay! Lumipas na ang ilang minuto pero walang tumama sa akin.Yes!Buhay pa ako.Dahan dahan kong tinanggal ang kamay sa mukha ko saka dumilat.Bumaladra sa paningin ko ang isang napakagwapong lalaki "Miss,are you okay?"tanong nya.Englishero si Koya!"Nasaktan kaba?You want me to bring you to the hospital?"Ay OA naman.Tiningnan ko yung kotse nya "Hindi.Ang layo kaya ng kotse mo sa akin oh."sabi ko na itinuro pa "Yeah.I'm sorry." "Hala!Okay lang ako rin naman may kasalan eh.Huminto kasi ako bigla sa gitna ng kalsada." "Okay.I have to go.Nasa gitna pa rin tayo eh.Saka may mahalaga akong pupuntahan.Pasensya na ulit."sabi nya.Ang gwapo na nga ang bait pa.Tumango na lang ako saka naglakad na kaso— "Miss ano palang pangalan mo?"bigla nyang tanong kaya napalingon ako Sinisigawan na nga ako nung mga driver eh.Huminto daw kasi ako bigla.Sorry naman! "WINTER!"sigaw ko saka tuluyan ng tumakbo papasok ng store.Naintindihan nya naman siguro no? =KINABUKASAN= Nasa bookstore ako ngayon.Naakit kasi ako ng itsura nitong store.Mahilig kasi akong magbasa.Pagpasok ko ang daming libro.Malamang bookstore eh! Hmmm...ano kaya magandang basahin? Sa History books ako pumunta Eto kaya? Kukunin ko na sana nung biglang may dumampot Tiningnan ko sya "Hoy!Ako ang nauna!"inis na sigaw ko sa kanya.Pero tiningnan nya lang ako.Shetty!Bakit ang gwapo?Kaso emotionless sya Tinalikuran na nya ko.Naghanap na lang ako nung kapareho nun kaso wala eh. Iba na nga lang.Kainis mukhang maganda pa naman yun.Pagkatapos kong mamili pumunta na ako sa counter.Yiiee!!Buti na lang ako ang nauna Ilalapag ko na sana yung mga napili ko nung may naunang maglapag Pagtingin ko... "Ikaw na naman?!"iniinis ata ako nitong lalaking to eh.Hindi nya ako pinansin "Kanina kapa ah!"Hindi pa rin nya ako pinansin hanggang sa maibalot ang mga libro nya.Tumalikod na sya nung may mapansin ako. "Hindi ka nagbayad!!"sigaw ko sa kanya."Miss,hindi naman nagbayad yun ah?" "Okay lang po yun Ma'am."nakangiting sabi ni ate "Anong okay po dun?Malulugi kayo nyan ang dami pa naman na kinuha nun."sabi ko.Ang mamahal pa naman ng libro dito.Saka unfair naman porket gwapo! "Hindi po kailangan ni Sir magbayad.Sila naman po ang may-ari nito eh."sabi naman nya na ikinahiya ko.Huhuhu!Nakakahiya talaga ang tanga!Dapat kasi di na lang ako umimik eh "Ah..ganun po ba?Hehe."sabi ko na lang saka nagpabalot at nagbayad na. Jusko!Sana hindi ko na makita yung gwapong yun.Nakakahiya!Punyeta. * Naglalakad na ako ngayon pauwi.Mas feel ko kasi eh saka hindi naman ako madaling mapagod.Malakas to! Ang gaganda ng mga bahay i mean mansion na nadadaanan ko.Ang lalaki pa. Patuloy lang ako sa pagtingin tingin habang naglalakad nung may nakabangga ako.Nahulog yung mga libro "Ano ba yan!Ang tanga!"sabi nya kaya napatingin ako.Gwapo rin!Ano ba yan!Puro gwapo nakikita ko.Ang swerte ko naman Kaso ano ngang sabi nya?Ako tanga?! "Hindi ako tanga!"inis na sabi ko.Tumingin naman sya sa akin.Ang hot nya,pawis na pawis. "Tsk!"sabi nya saka umupo akala ko naman tutulungan nya ako sa pagpupulot yun pala yung cellphone nya lang. Tumayo na ako nung matapos na ako. "Salamat ha?"sarkastikong sabi ko.Pero hindi sya umimik.Sinusuri nya ang phone nya. "Look what you did!Sinira mo ang phone ko!"singhal nya "Eh di bumili ka!Halata naman na mayaman ka eh!" "Hindi to mahuhulog kung hindi mo ako nabunggo." "Eh bakit ka ba kasi tumatakbo ha?!"inis na tanong ko.Ako pa kasi sisisihin "It's none of your business,Stupid!"sabi nya saka ako binunggo sa braso at nilampasan.Muntik pa akong matumba Gago! Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.Puro gwapo ang mga nakita ko kaso mga tukmol naman! =SUMUNOD NA ARAW= (June 1, 2020) Unang araw na naman ng pasukan! Grabe hindi ako makapaniwala na sa private na ako ngayon!It was a dream came true! "Win?Gising kana ba?"sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko "Opo ma!" "Maligo kana at mag-almusal"sabi nya.Di na ako sumagot at lumabas na.Nakita ko naman si Claire na nakaupo kumakain.Nakauniform na sya,sa dati pa rin namin na school sya papasok "Good moring pinsan!"nakangiting bati ko "Walang good sa morning"boring na sabi nya "Ang aga aga ang sungit mo." "Kumain kana lang."yun nga kumain na lang ako =Antaeus Academy= "Ang sosyal ng name ng school."bulong ko sa sarili ko .Ang lakilaki pa!. Pero pano ba yan?Di ko kabisado ang loob nito.Nilibot ko naman ang paningin ko.Napansin ko yung lalaking nakatalikod malapit sa akin tapos may headset na nakapatong sa batok nya at naka bonnet.Oh diba?Nadescribe ko na ang outfit nya.Pero parang familiar sya Lumapit na lang ako saka sya kinalabit "Pwede b—"hindi ko naituloy yung sasabihin ko kasi humarap sya na ikinalaki ng mata ko"Ahmm..ikaw pala yan.Sorry nga—"ay bastos! Nagsasalita pa nga eh tumalikod na agad at tuloy tuloy na lumakad.Sya yung nasigawan ko kahapon sa bookstore.Napakasuplado nya.Magtatanong lang naman eh.Sarap dyumbagin! So...ano na mangyayari sa akin dito?Masyadong malawak ang school na to! Naglakad na lang ako.Nasa Hallway na ako ngayon.Puro rooms nakikita ko Malamang school eh! Saan ba room ko dito?Hindi ko mahanap Wala naman akong mapagtanungan kasi feeling ko hindi ako papansinin ng mga student dito.Kung makatingin nga sila sa akin eh ..Para bang hindi ako katanggap tanggap dito Mayayaman talaga! Naglakad lakad na lang ulit ako nang may mabunggo ako.Lagi na lang! "s**t!" "Sorry!"Nabuhos sa damit nya yung hawak nyang shake,chocolate pa"Sorry tal—Ikaw?!"gulat na sigaw ko Tumingin rin sya sa akin "Oh...the stupid girl." "Hindi ako stupid."depensa ko "Hindi?Eh nabunggo mo na naman ako."inis na sabi nya "Nagkabungguan hindi nabunggo."pagtatama ko "Hindi ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo!" "At ikaw nakatingin ganun?Ang kapal mo rin eh no?!" "Ako pa ang makapal?Eh kung pabayadan ko kaya sayo yung phone ko na nasira mo hah?!"galit na sigaw nya kaya napatingin sa amin yung ibang student.Ang sama ng tingin nila samin—ay sakin pala. "Hindi ko kasalan yun!" "Kev!"Napatingin kami sa sumigaw.Si pogi na muntik ng makabunggo sa akin .Dito sya nag-aaral?! "Nandyan ka pala?"sabi naman nung isang nasa likod nya "Sino yang kausap—Winter?!"wahh!!Kilala pa nya ko "H-Hello!"naiilang na bati ko na itinaas pa ng bahagya yung isa kong kamay "You know each other?"gulat na tanong nitong nakabunggo ko "Sya yung sinasabi ko na babaeng muntik ko ng mabangga."masayang sabi niya "Sya yun?"di makapaniwalang sabi naman nitong nabunggo ko na natatawa pa."You said she's pretty?"tanong nya na ikinataas ng kilay ko. "Yeah.Look at her she's pretty dude."natatawa namang sabi nitong mabait "She's cute."sabat naman nung nasa likuran nya kaya napatingin ako.Kinindatan nya ako.Psh mukhang babaero "Wow.As in Wow!Anong nangyari sa taste nyo?!"di pa rin makapaniwalang tanong nitong nakabunggo ko "Sinasabi mo bang pangit ako?!"inis na tanong ko sa kanya "Obviously."natatawang sabi nya "Anong akala mo naman sa itsura mo gwapo?!" "Of course.The whole campus knows that."pagmamalaki pa nya "Napakayabang!" "Wait nga!Ano bang issue nyo?"tanong nung kumindat sakin "Sya yung sinasabi ko na nakasira ng phone ko.And now,nabunggo na naman ako."sabi nitong mayabang "Hindi ko naman sinasadya yun eh."sabi ko "Tanga ka kasi."mayabang "Hindi nga ako tanga!"inis na sabi ko "Okay,okay...so pareho naman kayong walang kasalan kasi nakabungguan lang kayo.Kaya magbati na kayo.Apologize ganun"sabi ni mabait "I won't." "Ayoko." "Never." "Masyado syang nayabang para patawarin." "Why should i apologize to that stupid girl?" "Aba't—" "What the hell is going on here?"may biglang nagsalita kaya napatingin kami.Lah! Sya yung suplado!Tangna!Nagsasalita pala to? "Si Kev nakikipag-away sa babae"natatawang pagsusumbong nitong kumindat sa akin kaya napatingin sakin si suplado. "Tss."yun lang ang masasabi ng suplado na to?Tss "Because she's stupid."sabi ni mayabang na Kev pala ang name "Hindi nga ako—" "Stop wasting your time to that idiot and clumsy girl.Let's go."sabi ni suplado na lalong kinainis ko .Mga walanghiya!Magsasalita na sana ako nung maglakad na sila palayo Tinanggal ko na lang yung isa kong sapatos. "Bwisit ka!!"sigaw ko saka ko ibinato sa suplado na yun.Sapul ang ulo nyang may bonnet.Huminto naman sya kaya napahinto rin yung tatlo saka nagtatakang napatingin sa kanya.Tumingin sa akin si suplado.Wala pa rin emosyon ang mukha nya.Pinulot nya yung sapatos ko saka inabot dun sa mabait tapos may sinabi saka sila nagpatuloy sa paglalakad Pero yung mabait lumapit sa akin daladala ang sapatos ko "Ahh...sapatos mo"sabi nya saka inabot.Kinuha ko naman "Salamat." "Next time wag mo na syang babatuhin." "Bakit naman?" "Secret." "Eh?Anong sinabi nya sayo?" "It's nothing."nakangiting sabi nya na napakamot sa batok.Ang cute nya saka ang bait "Sige."sabi ko na lang.Naglakad naman na sya palayo saka kumaway at sumigaw... "Bye stupid!!"tangina. Okay binabawi ko na ang sinabing kong mabait sya! Tukmol din pala ang gago! Maglalakad na sana ako nung may magsalita "Hey?"napatingin ako sa kanya. Omo?Bakit ang ganda mo?! "H-Hello.."Natitibo na ba ako? "Are you okay?Nakita ko yung pakikipagusap mo sa apat kanina."sabi nya habang papalapit sa akin "Ang yayabang kasi."sabi ko na ikinatawa nya.Bakit naman? "Can you come with me in the cafeteria?I know transferre ka."nakangiting sabi nya.Ang bait naman "S-Sige.." -to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD