Chapter 6
Deer
Sa ilang araw kong pamamalagi rito sa Legada ay nakagawian ko nang magpahinga sa bakuran tuwing kakagat ang dilim.
I thought I would love the scenery in the morning. Its green tree tops, misty mountain and clouds rolling on the hills. Legada de la Reina proved to me that the day might be plentiful and lively, but the night, the pure velvety midnight, was the most majestic of them all. And it was infinite.
Tonight, the stars looked like they were serenading the moon in a sea of black, tranquil sky.
Hawak ko ang umuusok na tasa, ang hinlalaki ay iniikot sa babasaging labi nito. Malamig ang simoy ng hangin dito sa labas. Tanaw na tanaw ang buwan at ang mga bituin. Malamig man sa balat ang bakal na upuan ay lumalaban naman ang init ng kape.
Staring at the night sky seemed to be a part of my routine. It kept me sane in the last few days, making me feel safe and calm.
But most of all, it reminded me of someone.
Kinabukasan ay maaga akong naghanda. Plano kong pumunta sa bayan para mamili ng mahahalagang mga bagay para sa bahay. Mura lang rin naman ang mga bilihin sa palengke. At isa pa, gusto ko ring ipaayos ang kable ng kuryente. Susubukan kong lumapit sa mga tiga-elektrical kung gusto nila akong pagsilbihan.
Naglalakad pa lang ay puro kutya na ang abot ko. Akala ko ay magbabago ang tingin nila pagkatapos ng ilang araw pero isang linggo na ang nakakalipas ay wala pa rin. Kasing tibay at tayog ng kastilyo sa dulo ang kanilang mga paniniwala.
“Magandang araw ho. Saang banda ho ang mga tiga-elektrikal?” Lumapit ako sa isang ale.
Napatigil ito sa pagsasampay ng mga naninilaw na kumot. Gumuhit ang inis sa kaniyang mukha bago niligpit ang mga nilabhan. Kahit hindi pa tapos sa ginagawa ay pumasok na itong bahay.
“Malas!” angil niya bago pabagsak na isinarado ng pinto.
I was left alone in the middle of the road with the entire neighborhood watching. I continued walking straight ahead, fighting the urge for a clapback.
Sa paglalakad ko ay inabot pa ng isang oras bago natunton ang kapitolyo. In my defense, every building looked practically the same. The worn and old stench oozed out of their confines when I approached. Nalaman kong ito nga ang kapitolyo nang hintuan ng pamilyar na jeep ni Mayor Benjamin.
It wasn’t the electrical department but it would be easier if I went here instead. Hopefully, the mayor would stay true to his words and fulfill his promises of aiding me when I need it.
Ang kapitolyo ay maliit at gawa halos sa kahoy katulad ng iba pang mga shop. May iilang mga lamesa at silya na nakadikit sa bawat haligi bilang mga cubicle. Bakante ang ilang mga pwesto ngunit ang ibang naroon ay subsob hindi sa mga papeles ngunit kung hindi nagtatahip ng bigas ay gantsilyo naman ang inaatupag. Mainit sa loob ng kapitolyo at amoy lumang mga librong naaagnas.
“Papa, gusto ko neto! Ibili mo ‘ko nito sabi! Papa!”
From a secluded corner that must be the mayor’s office, there was a fat, little boy screaming like a banshee. His skull-splitting voice sounded like a train screeching to a halt, sparks coming out of its rails. The boy had big, round eyes but even a rounder tummy. His mouth was covered with something that might look like a chocolate pudding.
Nakita ko kaagad si Mayor Benjamin sa loob, bumubunot ng pera sa wallet at napapabuntong-hininga.
“Hihingi ka na naman ng pera mamaya, Benny! Tipirin mo naman!” bulyaw niya bago ibigay ang lukot na bente.
Nagtatakbo ang bata palabas. Muntik na niya akong mabangga kung hindi ko inilagan. Ang pinaghalong asim at amoy-araw ng bata ay nanalaytay sa ilong ko ng ilang segundo.
Nang masiguro kong wala na ang anak ni Mayor Benjamin ay kumatok ako sa bukas na pinto. Nag-angat kaagad ng tingin ang alkalde, ang makapal na lente ng salamin ay kumikintab. Binaba niya iyon at nagbigay ng isang ngiti nang makita ako.
“Magandang umaga, Mayor Benjamin. Iistorbohin ko sana kayo,” panimula ko.
Gumanda naman ang pakiramdam ko nang tumango ito at minuwestra ang isang monoblock sa harapan ng kaniyang lamesa. Mabuti naman at mukhang hindi niya ako tatanggihan.
“Ano bang problema natin, Celeste?” Nakadaop ang kaniyang mga palad na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
I began telling him about my main problem as of the moment, and no, it wasn’t the town’s unlawful judgement. I was getting quite over it. Like my previous dilemma yesterdat, it was the jammed electric wires of my house. It was looking rather like a ball of yarn.
Mabilis naman niya akong tinanguan kaagad at may isinulat sa maliit na papel.
“Matagal na kasing bakante ang bahay ni Alondra. Sira-sira na talaga ang kable ng kuryente. Buti na lang kamo ay gumagana pa ang tanke ng tubig kung hindi ay mag-iigib ka pa sa plaza,” aniya pagkatapos i-detalye sa akin ang darating na tauhan sa susunod na mga araw.
“Bahay ho ni Alondra?” nagtataka kong tanong.
I kept hearing that name along with the string of curses the townspeople hurl at me whenever I roam around which was becoming rare these days. Bukod sa alam kong baka may bumato na naman ng kamatis sa akin habang namimili ay nagtitipid ako ng pera. Hindi ko pa nga alam kung paanong mabubuhay bago mamamatay.
It was more than ironic, really.
“Oo. Bahay ni Alondra. Marami namang rumerenta pero hindi rin tumatagal hanggang sa wala na ngang tumira. Huling lumipat yata diyan ay ang mga Alegre.”
My head spiked up when I heard my previous foster parents. I wasn’t believing him the first time but he got my attention when he mentioned the old couple’s name.
“Tatay mo kamo si Elpidio?” The mayor was right about Lolo Elps’ full name.
Tumango ako, hindi na pinaliliwanag ang pagiging ampon.
“Siya nga. Sila ni Tere ang huling tumira. Matagal na panahon na kaya naging ganiyan ang bahay.”
Unlike what he said, Lolo Elps and Lola Tere were only a bunch of nice people that didn’t turn crazy or cursed. I didn’t feel cursed, well, at least not because of the house. Mas lalo lang akong nanindigang mapanghusga lang ang mga tao rito sa Legada dahil pati na ang kastilyong nakatayo lang sa kalapit na lote na wala namang ginagawang masama ay nadadamay.
Pero kung sinasabi nilang ang may-ari ng bahay ay ang babaeng nagngangalang Alondra, konektado ba ito sa sinasabi ng lalaking hinatid ako sa bahay mula sa pagkakaligaw sa kagubatan?
According to him, that house belonged to his late wife once. Did it mean that his wife was one of the tenants of the house and died because of it? Or did the name Alondra belong to her instead?
Nababaliw na nga yata talaga ako. Masyado na akong naapektuhan ng mga tao rito. Kung anu-ano na ang naiisip ko. Baka wala lang iyon. Marami naman daw talagang tumira na roon.
Pagkatapos ng ilang minuto ay namaalam na rin ako kay Mayor Ben. Nangako siyang ipapaayos ang mga kable ng kuryente pati na rin ang antena ng TV. Palabas na ako nang muling masalubong si Benny na may dinidilaang ice drop.
“Mangkukulam ka po ba talaga, ate?” Napahinto ito sa pagtakbo.
I stepped back to look at his chubby frame. The horizontal stripes he wore made him look even fatter. He reminded me of the Tweedle Boys.
“Oo. Lalo na kapag makulit ang bata at hingi nang hingi ng pera. Kinakain ko!” Minulagatan ko ito.
Lumaki ang mga mata ni Benny. Laglag ang kaniyang panga habang tinitingala akong nakangisi, ang hawak na ice drop ay nanlalagkit na tinutuluan ang kaniyang mga daliri. Napaatras ito bago dali-daling pumasok sa silid ng ama.
I laughed like a hyena and went on my way.
When I was about to step out into the blazing sun, I noticed the capitol’s bulletin board up front. Like the edifice itself, it was decaying and crisp but what caught my attention was the crazy number of the updated reports attached to it.
It was not the usual robbery or traffic violations but more of the involvement of missing persons. It was pilling up like a grocery list that some papers were already falling down. There were mentions of arson, k********g, and murder.
I was starting to believe that this town wasn’t able to evolve because of g******e.
“Mario Espinosa.” Binasa ko ang pinakabagong kaso.
Lalaki. Kwarenta'y singko anyos. Nawawala. Huling lugar na nagtapuan ay sa lumang kapilya.
Binitiwan ko ang maliit na piraso ng papel. Napailing ako. Nagpasiya na lang akong umuwi, minabuting huwag nang isiping nasa likod lang ng kapilya ang maliit kong bahay.
Nakauwi na rin ako sa bahay bago makapanghali. Gusto ko sanang dumaan sa flower shop ni Gianna pero baka sa susunod na bukas na lang ulit dahil mainit na ang klima. Balak kong taniman ang bakanteng lote sa bakuran kahit na mukhang patay ang lupa. Bukod ang makinig sa radio ay wala na akong ginagawa. Tapos na rin akong maglinis ng buong bahay.
The blazing sun up above was on full blast, forcing me to go visit the lake nearby.
Silver-blue water laid flat under the bright light of the noon sun. It looked like a mirror, perfect and without ripples smudging the surface and bottom. Through the crystal-clear glass, I was able to perfectly see pebbles of different shapes and sizes sitting comfortably on the cold floor of the lake.
Swaying trees guarded the pool, their large branches hovering in the air while birds chirped in unison.
Nakaupo ako sa ibabaw ng isang malaking bato, magka-krus ang mga binti at tumutulo ang basang buhok dahil kakaahon lang. My reflection down below was also looking at me, staring like I held all the answers of the universe.
I thought of jumping in it and finally end my misery but that’s not how I wanted to die. I wanted to be known first. To be heard and to be understood.
Nagalaw ang pantay na tubig, ginugulo ang aking repleksyon.
Alisto akong napatingin sa paligid dahil sa tumamang buhangin sa lawa kaya nagkaroon ng maliit na alon. Isang nanghihinang usa ang pilit na nilalakad ang katawan, pagewang-gewang ang lakad kaya muntik nang tumalbog sa lawa.
The deer was already half-dead, dragging its bloody insides on the ground. Red liquid fell into the pristine lake, crimson drops forming tiny ripples before slowly dissolving at the bottom. Suddenly, the forest was quiet again. No birds, no rustling of leaves. The air turned dead like the night when I first met him.
“Alam kong nariyan ka,” bulong ko sa katahimikan. "Magpakita ka."