Chapter 5

1728 Words
Chapter 5  Ulan We bathed in the moonlight as we walked the dark parts of the earth, the warm milky glow in the sky shielding us both against the eerie silence of the woods. Like the forest, both of us were also silent. Kanina pa kami naglalakad. Mabagal ang mga yapak na walang iniiwang marka sa dilim na gubat. Habang naglalakad at nananaig ang katahimikan sa pagitan namin ay napapaisip ako. Bukod sa hindi ko na nahanap ang humihingi ng tulong na lalaki kanina ay pumalit naman ang lalaking ito. Sinusubukan kong ipasok sa isip na maaaring siya ang lalaking kumakatok sa bahay pero ayaw umabot ng mga rason ko roon. As if on cue, I looked back at him again. In his male prowess and confident strides, he looked dignified even doing the slightest, most natural movements. The man was a walking parable in this old town. He felt so raw yet so unreal that he wouldn’t belong in a town like this even if he tried so. He was too much for it. If not, then for the whole world itself. Kaya hindi siya ang lalaki sa gitna ng kulog at kidlat. Ang magiging dahilan lang kung sakaling naroon siya sa pinangyarihan ay siya mismo ang may hawak ng langit, ang siyang nagbabato ng sakuna sa lupa. My mind formed another hypothesis. That maybe he was the one that the fearful man was running away from. Wasn't he? Muli ko siyang tiningnan. Nakatingin sa harapan, sumisingkit ang mga mata at dala-dala ang dangal sa magkabilang balikat. There was something about him. Like a mystery that was yet to unfold. Like his eyes. His deep, alluring eyes that seemed to hide all the dark things that lied deep within. “In my culture, it is rude to stare,” he muttered without looking at me. Parang nahuli akong daga. Mas binilisan ko lang ang lakad at diniretso ang tingin. Kahit na hindi ko naman kailangan, kahit na sobrang bagal ko pa maglakad dahil kanina ko pa napapansing mahahaba man ang kaniyang mga binti ay sinasabayan pa rin ang akin. “I don’t know about you humans but everything you do is sickening nowadays.” His lips curled in distaste. You humans? He meant, us humans? Bahagya akong napanguso. Patuloy lang kami sa paglalakad. Tuwing may ligaw na dahon o bulaklak ay tinatalunton ng aking mga daliri, marahang-marahan para hindi masaktan o mapitas. “You look old,” I answered instead, slightly squinting my eyes at his tall frame. “Well, not really old. You look...” Elegant, sacred, monumental. But I looked for a much modest word. “You look cool.” “Do I now?” Umakyat ang dugo sa aking mga pisngi. Sinadya kong igilid ang sarili sa mas madilim na parte ng aming landas. Napansin niya iyon at napabuntong hininga. “You look like your age but it doesn’t feel like it," I mumbled. But only if I would look closely. To watch him. To really, really watch him and see. “How so?” Pinalipas ko ang ilang segundong taimtim na katahimikan. Nang makabawi na ako sa pagkakapula ng mga pisngi ay bumalik na ulit ako sa dating pwesto. Sumingkit ang mga mata nito sa akin pero kahit anong subok na itago ang mga kislap doon ay hindi na pwedeng mangyari pa. Nakita ko na. Hindi na pwedeng itago pa. It seemed like he too noticed that I was observing him. He raised a brow, creating the perfect arch with the combination of curiosity and malice. “Sa damit mo, sa pananalita mo... sa mga galaw mo...” sagot ko sa isang maliit na boses. I looked at him again after a couple of seconds after saying it. And I did look. At his posh coat, cape and leather shoes, at the gold medallion hanging around his neck by a golden chain that neither seemed light nor comfortable. I looked at the veins bulging on the side of his neck whenever he clenches his jaw a little too tight. And just how he moves and carries his entirety. It was enchanting. “Careful, little girl. Careful...” he whispered, slightly slowing down again. Sinundan ko ng tingin ang kaniyang mga mata ngunit walang napala nang makitang diretso pa rin itong nakatingin sa madilim na daan. Napangiti ako. “So now I’m a little girl. Not your lady,” I countered. Ang mahinang halakhak na narinig ko mula sa kaniya ay maaliwalas sa pandinig. Malalim ang tunog, galing sa lalamunan at bahagyang minamalat. His small laugh sounded so dark and sinister, the deep rumble of his throat shooting tingles on my tummy. Habang naglalakad kami ay hinawakan ko ang tiyan sa pagkakakiliti. Nabuhay muli ang katahimikan sa aming pagitan, nakikisabay sa lakad naming dalawa. Gustong makisali ngunit parang sapat na ang ilaw ng buwan at dilim ng kagubatan sa kaunting panahong aming sinasayang sa lumalalim na gabi. The comfortable silence between us stretched like the vast lands of Legada de la Reina. It was hauntingly peaceful. But he was the first one to break it. “I had a wife once. She stayed in your house for quite a long time...” he breathed low. Bahagya akong bumagal sa paglalakad. Pilit kong pinakikinggan ang taimtim niyang boses. Kumunot ang noo nito habang tinitingnan ang buwan. Bumagal ang aking mga paghinga. “She kept banging on my door, demanding I teach her the true science in healing people. Healing this little village that owed her nothing...” I looked at the sorrow in his eyes. “She was the greatest gift the world has ever given to me,” he whispered like in a trance. “Where is she now?” I asked softly. He looked straight ahead, his eyes turning mad. His jaw tightly clenched in anger. Having him display so little yet so large emotions made me flinch. Hindi ko sinasadyang mapaatras. Napansin niya kaagad iyon at pinwersang maging malumanay ang mga mata. Dumaloy kaagad ang init papunta sa tiyan ko. Hinding-hindi ko malalaman kung bakit ang isang katulad niya ay sinusubukang maging magaan para sa isang katulad ko. All the town ever did to me was the opposite. He looked even more dangerous than me yet he was here and accompanying me back to my home. He was a mystery. “She died,” he said without so much expression. Natahimik ako. Wala akong sinabi. Ayokong magsalita. Hindi ko na kailangang magsalita. Para sa akin at sana para rin sa kaniya ay sapat na ang katahimikang binibigay ng dilim habang kasama akong naglalakad. Sa hindi kalayuan ay natatanaw ko na ang aking bahay. “Mamamatay na rin ako,” bigla kong sabi. Mabilis niya akong nilingon, kumukunot ang noo at tumatagilid ang ulo. Sa unang pagkakataon ay ngumiti ako sa kaniya. “Mamamatay na rin ako,” pag-uulit ko. “May sakit ako sa puso na hindi na pwedeng gamutin. Kaya ako nagpunta rito sa Legada. Gusto kong mamatay na alam kong sa akin ang buhay ko.” Palipat-lipat ang tingin niya sa aking mga mata pero kahit anong sisid niya ay hindi niya mahahanap o malalaman kung ano man ang gustong mukha. Namumuo ang galit sa kaniyang mga mata ngunit hindi ang galit na laging binabato sa ibang tao. Ang galit na nakasulat sa kaniyang mga mata ay parang katulad lang ng akin. Galit sa mundo. Galit sa buong mundo. Tinalikuran ko ito para lingunin ang maliit na bahay sa likod ng simbahan. Gamit ang hindi nauubos na liwanag ng buwan ay tama nga ang hinala ko nang makita ang pamilyar na mahabang daan nito papasok at ang matataas na mga talahiban. I was about to say my gratitude and farewell but nobody was there anymore. He disappeared into the night, leaving me all alone once more. Wolves howled without mercy. My only regret that night was his name that I wasn’t able to get. Ang sumunod na araw ay ginugol ko lang sa paglilinis ng buong bahay katulad ng nauna kong plano. May mga panlinis pa naman ako atsaka biniling timba at tabo. Nalinis ko na ang kusina bago pa man makapanghali dahil maliit lang naman. Kagaya ng inaasahan ko ay hindi de-gasul pero de-kahoy ang lutuan. Mas maayos na rin dahil sa halip na makikihati pa sa gasera ay hindi na. Pupunta na lang ako siguro sa kakahuyan para may panggatong. I wiped my sweaty forehead, looking at the woods nearby. Primarily, I let myself be occupied in cleaning the whole house but I would be lying to myself if I said that it was the only reason. I wasn’t able to sleep well last night. Only tossing and turning until daybreak because of too much thinking. The town itself was a mystery. I couldn’t afford to figure my way through another one. Yet he was more than just a mysterious man who helped me find my way back here. He was more than that, more than this town. More than anything I could think of. If this town was a mystery then he was a living legend that the world has kept hidden all these years. Maybe that was the reason why he was also here in Legada, a small yet peculiar town, the home of mysteries. Pagkatapos kumain ng lunch at maligo ay dumiretso na lang akong bayan. Hindi pa rin nagbabago ang tingin ng mga tao sa akin pero hindi ko na lang pinansin. “Good afternoon! Bibili ako ng mga rosas,” pambungad ko kay Gianna nang pasukin ang kaniyang flower shop. Gusto ko talagang dumaan dahil bukod sa kagandahan ng kaniyang mga bulaklak ay mababaliw ako kapag sarili ko lang lagi ang kausap ko. Siya lang naman ang nag-iisang kumakausap sa akin at iyong aleng may-ari ng isang karinderya. “Magandang hapon din, Celeste! Buti naman nakabalik ka!” Umayos ng tayo si Gianna na abala sa pag-aayos ng mga bulaklak. “Oo. Salamat ulit sa binigay mong rosas kahapon,” I said while looking at the other varieties. My kitchen was already finished, and I was half-way working on my room. Iniisip kong lagyan din ng bulaklak doon. Baka magtanim na lang ako sa bakuran. Saktong-sakto dahil mga upuan lang ang display. “Wala ‘yun! Anong gusto mong bulaklak? Anong okasyon?” Natawa ako. Inulit na naman niya ang tanong noong isang araw. Napa-isip lang ako na bibili lang yata ang mga tao ng mga bulaklak dito kapag may okasyon. Pwede rin namang sa mga normal na araw lang. “Hmm. ‘Yung pang-kwarto sana. ‘Saka may bulaklak ka bang pwedeng makatulong kapag hindi makatulog?” tanong ko habang sinisipat ang mga sunflower sa tabi. Mula sa ngisi ay nauwi sa ngiwi ang mukha ni Gianna. Sinuri niya ang mukha ko. Bigla naman akong napaatras habang natatawa. “Hindi ka nakatulog kagabi?” nag-aalala niyang tanong. Nagkibit-balikat ako. “Malakas ang ulan kagabi. Maingay,” paliwanag ko. Takang-taka si Gianna habang patuloy pa rin akong tinitingnan. Tumaas ang kilay ko sa may-ari ng flower shop. “Wala namang ulan kagabi. Sobrang init pa nga,” iling niya, naguguluhan pa rin.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD