Chapter 20
Alondra
Dinala ako ng taumbayan sa presinto sa pangunguna ni Mayor Ben. Buo sa kanilang mga isipan na ako ang may sala. Lalong nagalit ang mga tao dahil ang iba pang mamamayan ay nilalagnat at sumasakit ang tiyan. Pinaghinalaan nila ang mga pagkaing pinamigay ko pero sigurado akong hindi ito ang dahilan dahil ako mismo ang nagbabantay sa preparasyon nito.
All my pleas went on deaf ears. They played judge, jury, and executioner. I was charged with crimes I did not commit and was put immediately to jail.
Gusto kong ipagsigawang inosente ako at ang pagtulong sa kapwa ay hindi kailanman naging mali. Gusto kong ipagsigawan ang karapatan ko. Maaaring hindi ako lumaki sa Legada pero bilang isang ordinaryong mamamayan ay lumalabag ito sa mga patakaran sa konstitusyon. Ang batas ay batas, at ang kapangyarihan ay kapangyarihan.
Lahat ng ito ay kanilang nilabag at nilapastangan.
“Gianna?” naguguluhan kong tawag.
Nakita ko ang kaibigan sa labas ng mga rehas kung saan nakakapit ang aking mga kamay. Sobrang init at sobrang sikip sa loob. Hindi ako nag-iisa pero kasama pa ang mga nakakulong.
Nangingilid ang mga luha ni Gianna. Humigpit ang hawak ko sa mga rehas.
“Siya po ang babaeng nagbibigay ng mga pagkaing may lason.” Nanginginig itong tumango sa pulis.
Her mother, the old woman the other day, nodded for encouragement. She was tapping her toes on the dirty floor of the precinct. Sininghalan ako nito.
I clutched my chest where my heart sat, the burning sensation spreading to every point of my body. The pain was tolerable earlier this morning but with all that’s happened, it felt like a jackhammer on fire and my body was catching all of it.
Napaupo ako sa isang tabi, hawak ang dibdib at pilit na hinabol ang hininga.
“Mamang Pulis! Hindi makahinga ang mangkukulam! Tulong!” sigaw ng isang preso.
Ang isang pulis na nakatayo sa gilid ay nagpunta sa aming pwesto. Nilabas nito ang susi pero sa halip na pagbuksan ay ngumisi lamang ito habang pinapaikot ang susi sa daliri. Humalakhak ang mga pulis kasabay ng kalansing ng susi.
“Kung hindi ka mabubulok sa kulungan ay mamamatay ka. Mamili ka!”
“Tumigil ka sa kaiiyak mo dahil walang tutulong sa’yo!”
“Anak ka ng demonyo! Dapat sa’yo ay mamatay!”
With the help of the other inmates, I was able to go past midnight. They put me to a small folding bed that was the only one available. Other beds were made out of rags and boards scattered on the floor.
Aside from the insanely hot weather, the prison cell was too small for the twenty inmates. I was sweating like a pig, tossing and turning because of the burning sensation on my chest. I was mostly catching my breath, my vision getting blurry because of pain and discomfort.
I didn’t know what time it was or if I was able to go to sleep. Maybe I still was and everything I was seeing now was all a dream.
Malaya akong tumatakbo sa isang kapatagang walang hanggan. Walang sakit at kirot sa dibdib dahil kung magaan ang langit ay ganoon din sa lupa. Malabo ang imahe, may bumubulong at tumatawag. May isang pigurang itim na itim sa likuran. Puno ng mga halakhak at gigil. Hanggang sa naabot ako ng mga kamay nitong mahigpit ang yakap sa akin.
“Nananaginip na naman ang bata. Kawawa naman.”
“Tatlong araw na iyang inaapoy ng lagnat. Kailangan ng ospital ng bata…”
My eyes opened to the reality. I was a prisoner in Legada and lying on my death bed. The vision disappeared, taking away its comfort. I was gasping while clutching my chest.
“Mga pulis! Inaatake sa puso ang bata! Inaatake sa puso!”
Nagkagulo ang mga preso sa loob. Worry etched in their eyes along with hopelessness. They knew that it was the only thing they could do. To worry. Pinilit kong minemorya ang mga bagong mukhang huli kong makikita bago mamatay.
A loud shrilling scream pierced through the wooden walls of the precinct and into the small cell causing the policemen to run outside. The inmates tried to look through the small window.
“Nagdidilim ang langit! May buhawing paparating! Kakainin tayong lahat!” sigaw ng nakasilip na preso.
“Tingnan ninyo! May butas ang langit! Katapusan na ng mundo!”
The wind picked up speed, sending the prisoners to cower behind bars. Getting out was not an option because the police was already gone, leaving us all behind to die. The light of day turned into a scarlet pandemonium. Thunder clapped, sending lightning bolts that ripped the earth.
Soon, screams of people erupted from the entire city along with their hurried footsteps. But what was more alarming were the demonic growls and dehumanized laughter coming from the dark sky. From here, screams of men, women, and children were heard along with the sounds of ripping flesh. It was hell that came out of the large hole in the sky.
Hawak ako sa kamay ng isang presong kung anu-anong dasal ang sinisigaw. Hawak ko naman sa isang kamay ang aking pusong parang tinatarakan ng patalim.
“Tulong! Kinain ng halimaw ang anak ko! Tulungan ninyo ako!”
“Mga demonyo! Nasa impyerno na tayong lahat!”
“Magdasal kayo! Magdasal kayo!”
If this was hell then I must be dead already.
The farthest wall exploded, sending debris and smoke all over. It revealed more than the small window could offer of what was truly happening outside. The sky was painted red in the middle of the day. Fire was everywhere. People were screaming and running from unknown creatures coming from the black hole above.
“Celeste!” A growl pierced through the red chaos.
Umiikot ang aking paningin nang lingunin ang nasirang pader. Naroon ang malaking itim na itim na anino. Umuusok ang katawan nito at pulang-pula ang mga mata. Papalapit nang papalapit. Umaangil sa bawat tapak, tumutulo ang pulang likido sa bibig. Nakalabas ang malalaking pangil at nanlilisik ang mga mata.
I closed my eyes, not minding the loud screams of the prisoners. All that I heard was the snapping of metal bars. I felt large arms going around me before lifting me up in the air.
“What did they do to you?” The voice growled.
Ang magulo at maalikabok na hangin ay sumalubong sa aking mga pisngi. Kahit ibukas ko ang mga mata ay sasarado lang pabalik dahil wala na akong lakas pa. Lumakas ang mga sigaw at iyakan. Hindi ko na kailangang malaman kung saan kami pupunta dahil kung saan man ako dadalhin ng sitwasyon ko ay maaaring ganito rin ang kalalabasan.
“Konstantine! Ikaw ang demonyong nakatira sa kastilyo! Alam kong ikaw ang naghahasik ng lagim sa Legada!”
Only the shouts of someone familiar was able to stop the one who was carrying me, turning to face the voice. Pinilit kong buksan ang mga mata. Nakababa kaagad ng tingin si Konstantine sa akin, nanlilisik pa rin ang pulang-pulang mga mata. His large fangs were bared, both sharp and coated with blood.
“Demonyo ka! Pinatay mo ang mga bata noon! Diyos ang gigiba sa kastilyo mo!” sigaw ulit ni Mayor Benjamin.
Ilang segundong ayaw bitawan ni Konstantine ang aming tinginan bago nilingon ang galit ng alkalde.
“Patawarin mo ako sa mga bagay na maririnig mo mula sa akin,” bulong ni Konstantine.
I closed my eyes and clutched my heart.
“Mas masahol ka pa sa hayop! Ikaw at ang asawa mong si Alondra! Mga demonyo!”
“Maaaring tama ka ngang ako si Satanas pero huwag mo nang idamay pa ang Panginoon sa kalupitan ninyong mga tao. Ako ang demonyong pinaparanas sa inyo ngayon ang impyerno dahil makasalanan kayong lahat!”
“B-Bumalik ka na sa impyerno! Diablo! Ama Namin, sumasalangit ka---”
Konstantine laughed, the deep sound mixing with different voices from the pyres of hell, echoing in the black sky. The winds became harsher as he himself recited the prayer in all languages.
“Panginoon, maawa ka sa amin. Tulungan mo kami---”
“Tahimik! Hindi ka maririnig ng Diyos mong inabandona ka na! Ako lang ang maaari mong tawagin dahil nasusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno!”
“H-Hindi totoo iyan! Demonyo!”
“Ako? Demonyo? Hindi ba kayong mga tao ang pumatay sa asawa ko pero ako ang tinatawag ninyong demonyo?!”
“Dapat na mamatay si Alondra dahil isa siyang mangkukulam! Pinatay niya ang mga bata! Kinain ang mga lamang-loob---”
“Itinago ng mga lahi mo si Alondra! Kinulong at pinarusahan nang walang kalaban-laban! At pagkatapos ay pinako sa krus at sinunog nang buhay! Sino sa atin ang demonyo?!”
“Iyon ang nararapat kay Alondra! Iyon ang utos ng Diyos!”
“Kasinungalingan? Sa pangalan ng Diyos?” Muling tumawa si Konstantine, ang halu-halong tunog ng mga boses ay nagsasama sa isa.
“Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan Mo…”
Nakapikit pa rin ang aking mga mata habang mahigpit ang hawak sa dibdib. Unti-unting lumalayo ang mga boses at lumalagablab na init. Maliksi ang aming paggalaw sa isang segundo pero magaan lamang ang hangin na tumatama sa aking pisngi.
“Celeste…”
I opened my eyes, seeing worry replace the rage and hurt in Konstantine’s eyes. I touched his jaw and smiled weakly. He held my hand before it could fall on the dirt that I laid on.
“Celeste,” Konstantine called again, more hurried and desperate.
I could only keep my eyes open for so long. Slowly, my eyelids fell as I felt the last of my heartbeats and breaths. Konstantine was calling me for how many times. I heard all of it and I was lucky to do so. He was my last memory, his face and his voice embedded on my soul.
“Celeste!”
There was only silence. And then there was pain after.
The sharp sting on my neck was unbearable, sending fire on my veins. Even with my eyes closed, I could feel the blood rushing on my bloodstreams and the fast heartbeats ringing on my ears. My body shook with the foreign substance entering my heart, forcing it to accept the intruder and ripping down its walls. The darkness behind my eyes turned into different colors, conjuring all the memories and emotions that had always been there for hundreds of years.
Lahat ng imahe at mga mukhang nakilala ko noon, ang mga pagkakataon at panahon ay pinakain sa akin ng buhay at sunod-sunod.
The vision I had on my dream continued. I was running on the hills again as Konstantine and I played. It was my happiest memory, the most valued one but had been forgotten like the rest.
Binuksan ko ang mga mata at nakita ang mukha ni Konstantine sa realidad. His fangs were dripping with my blood but his eyes looked down at me in pure astonishment.
“Alondra…” he whispered before everything went blank.