Chapter 17

907 Words
Jerson Habang nagsasalita si Jashea ay unti-unti naman akong naiilang kay Lenon. Paano ba naman kasi, nasa harapan ko siya at hindi ako makatingin ng diretso sakaniya dahil nahihiya ako. Nakakainis lang 'yung nahihiya ka sa isang tao at hindi ka naman sigurado kung bakit. "So? Okay lang ba 'yung mga sinabi ko? Do you any suggestions and clarifications?" Tanong ni Jash. Bilib din ako sa determinasyon niyang gumawa ng concept para sa naturang project namin. Hindi kasi ako makapagisip ng maayos dahil nasa harapan ko si Lenon and Ric is not helping also. "Okay na okay!" Napasigaw ako, agad kong tinakpan ang bibig ko at tumingin kay Lenon. s**t! Hindi ko namalayan na naisigaw ko pala 'yung sana'y nasa isip ko lang. This is so embarrassing at ako na mismo ang nagpapahiya sa sarili ko. "Ah," Mukhang nabigla ko rin ata si Jashea sa naging reaksyon dahil hinid siya nakapagsalita. It took her a while to digest what I did atsaka siya nagsalita, "So, sa bahay tayo gagawa ng project natin. Naisip ko na ang set up and I will prepare everything that we need including the food and snacks. Sagot ko na lahat!" Siniko ako bigla ni Ric, ako lang ata nakakita nun kasi nakaharap si Lenon sa cellphone niya habang nagti-text. Si Jashea naman ay nakatingin sa ibang tables at pinagmamasdan ang ginagawa ng mga rito sa loob ng food court. Nabalot ng katahimikan ang table namin at wala ni isa saamin ang gustong magsalita. "O?" Bulong ko.  "Hindi pa ba aalis 'yang lalaking 'yan? Why is he still here?" Nabigla ako sa tanong ni Ric. Bakit naman niya gustong paalisin si Lenon. "Hindi pa ata. I think it's rude if I ask him to leave."  "Is isn't rude. 'Di ba tapos na kayo sa pagpa-plano? Bakit nandito pa 'yan?" Habang tumatagal ay naramdaman kong palapit nang palapit ang bibig niya sa tenga ko. Nararamdaman ko ang mainit na hangin na nanggagaling sa bibig niya at dumadampi sa balat ko. "Ewan ko sakaniya. 'Wag mo akong tanungin. Go ask Jashea or that guys."  "Anobang gusto niya? Tayo ang umalis? Nahihibang na ba siya?" Hindi ko maintindihan kung bakit puros ganito ang lumalabas sa bibig ni Ric. May sense naman lahat ng sinasabi niya kanina ah, bakit ganito? Ba't puros tanong? Biglang tumunog ang upuan ni Lenon kaya napatingin kaming dalawa ni Ric sa harap.  "Uuwi ka na?" Tanong ni Jash, napansin kong medyo kumunot ang noo ni Ric. Anong problema niya? Hindi sumagot si Lenon, sa halip ay tinignan lang niya si Jash. Oh, I think it's a no.  "Maya ka na umalis."  Nabigla ako sa mga katagang lumabas sa bibig ko, ano bang nangyayari saakin? Napatingin si Lenon saakin. 'Yung mukha niya sobrang seryoso pero mapapansin mo ang bakas ng kasiyahan mula rito.  Napakagat ako sa bottom lip ko tapos tumingin sa ibang direksyon. Napansin kong napagbuntong hininga si Ric. "O sige, kung 'yan ang gusto mo I'll stay." Narinig ko nalang na tumunog ulit yung inuupuan niya at syempre bumalik siya sa pagupo. Tumahimik ulit, wala saamin ang gustong bumasag sa katahimikan. Bigla nalang kaming napatingin sa basong nilapag ni Jash sa table ng malakas. "Ayoko na dito, this place is boring, pagod na akong kumain. Laro nalang tayo." Sabi niya tapos direktang tumayo. Itinuro niya ang world of fun kung saan maraming nagtatawanan at naglalaro. "Sige ba." Tumayo na rin si Lenon. Nagulat ako nang mapansin kong excited siya na maglaro. Napilitan na akong tumayo at sumama dahil ayokong maiwan ulit dito kasama si Ric.  "Oy ano? Sasama ka ba o hindi?" I asked Ric. Mukhang wala siya mood na makipaglaro ngayon. Hindi niya ako pinansin at tumingin lang siya sa ibang direksyon.  Ric Nakakainis! Kanina pa natapos si Jash sa pagsasalita tungkol sa project na gagawin nilang tatlo. Nanginginig 'yung kamao ko, napaka-sarap niyang suntukin. Kung makaasta kasi siya akala niya sikat siya. He's annoying. Mas lalo akong nainis dahil sa sinabi ni Jerson. For real? Ayaw niyang paalisin ang lalaking 'to? So gusto niya pala na nandito lang 'yung lalaki at sa harapan niya pa. Mas lalo tuloy akong nabadtrip. Akala ko ba lakad namin 'tong tatlo? 'Di ba dapat nagi-enjoy ako? Bakit ako naiinis? Nagsimula lang naman 'to nang dumating yang lalaking yan eh. Nakakabwisit lang! "Hoy! Ano?" Naghihintay pa rin si Jerson sa isasagot ko.  Hindi ako umiimik at mas lalong hindi ako tumingin sakaniya nang tanungin niya ako. Mula sa kanan ay binaling ko ang tingin ko sa kaliwa. Sinigurado ko talagang hindi magsasalubong ang mga mata namin. Hinawakan niya ang balikat ko, alam ko na ang ibig sabihin niyan. Paghumahawak siya sa balikat ko ibig sabihin ay gusto niyang makuha ang gusto niya at 'yon ay ang sumama ako doon sa world of fun upang maglaro kasama siya, si Jashea at 'yung putanginang Lenon na 'yon. If that what he likes then I will give it to him but it won't be easy, I showed him na naiinis ako dahil kay Lenon. Inalis ko lang ang pagkakahawak ng kamay niya sa balikat ko. Napansin kong medyo yumuko siya at lumapit saakin, 'di ko na inasahan ang kasunod na nangyari. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko and damn I can feel his breath. Ano? Ginagaya niya ba ang ginawa ko?  "Alam kong ayaw mo siyang kasama, pero can you do it for me? Please? Gusto kong maging masaya ka sa araw na'to. After all, para sa atin naman ang araw na 'to eh. Kaya kailangang masaya at i-enjoy natin 'to." Mahina pero madamdamin niyang bulong saakin. Agad nabuhayan ang loob ko. Tsk, hindi ako magpapatalo sa Lenon na 'yan. He must know that I'm always on top of my game.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD