Chapter 18

448 Words
Ric Para akong nakainom ng limang bote ng energy drink dahil sa narinig ko. Agad akong tumayo at naunang naglakad sakanya. Narinig kong tumawa si Jash sa likuran ko pero 'di ko nalang pinansin nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "O? Akala ko ba 'di ka sasama?" Nakangising tanong ni Jerson, 'tong taong ito talaga! Kung hindi mo ako pinilit hindi rin ako samama. Alam mo namang malakas ka sa'kin. "Sasama naman ako eh." Mahinang sabi ko.  "Ikaw ha, gusto mo pa talagang magpalambing sa'kin. 'Di ka pa rin pala nagbabago." Natatawa siya habang nagsasalita. "Atleast sumama ako."  Sabi ko tapos siniko ko siya. Madali lang 'tong mainis kaya palagi ko siyang sinisiko at kinukurot dahil napaka-cute niya 'pag naiinis at minsa pa nga ay ginagawa niya rin saakin ang ginagawa ko sakanya. "Aray! Ayan ka na naman eh!" Sigaw niya. "O? Nalakasan ko ba? Sorry." Lalo siyang nainis sa ginawa ko. Naghaharutan kami papunta sa world of fun. Hindi namin pinapansin ang mga tumitingin saamin dahil sanay na kami ni Jerson na magharutan sa harap ng maraming tao, wala namang malisya sakanya ang ginagawa namin. Ako lang naman ang nakakaramdam ng iba 'pag kasama niya ako. "Ang mean mo!" Hinila niya ako at pinipilit na hawakan ang tagiliran ko para kurutin ito. "No. 'Wag diyan! Masakit diyan!" Saway ko sakanya. Patuloy lang kami sa paghaharutan hanggang sa nagkasakitan na kami, may iba ring nabangga na namin dahil sa aming kakulitan.  "Hey!" Parehas kaming napahinto ni Jerson nang biglang may nagsalita sa bandang kanan namin. "Istorbo." Bulong ko. I clenched my jaw. Anong bang problema ng lalaking 'to? Bakit niya ba kami iniistorbo sa ginagawa namin? Nakitang ngumiti si Jerson sakanya dahilan upang mainis ako lalo sa kasama namin. "Hey dude, Lenon." Sabi nung lalaki tapos inabot niya yung kamay niya saakin. Tinignan ko muna si Jerson at sumenyas siya saakin na okay lang kaya nakipagkamayan ako kay Lenon.  "Ric." Mas lalo ata akong iniinis ng taong 'to. Alam naman niyang nagmo-moment kami ni Jerson dito tapos siya kahit saan-saan sumusulpot, pakialamero pa. I mean seriously? Iniwan niya talaga dun sa likuran si Jash maglakad magisa para lang abalahin kami sa ginagawa namin. Sobrang papansin. "Kamusta ka na?" Napatingin ako kay Lenon nang magsalita siya.  Kausap niya si Jerson, tapos si Jerson naman ay nakatalikod saakin at kaharap si Lenon. Teka! Bakit siya ang pinagbabalingan mo ng atensyon Jerson eh nandito pa naman ako? Nakakainis! "Okay lang naman." Sagot ni Jerson.  Wait. Something's off about this conversation. 'Di ba magkaklase silang dalawa? Bakit sila nagkakamustahan? 'Di ba sila naguusap sa campus o sa classroom? In fact, ako dapat 'yung kinakausap nila dahil ako 'yung nag-aaral sa ibang school. f**k!  Hindi naman masama kung mangumusta ang isang tao sa kapwa niya, ang kinaiinisan ko lang ang 'yung taong nakikipagusap ngayon kay Jerson. Papansin siya masyado, alam naman niyang naguusap ka kami ni Jerson dito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD