Jerson Mabuti nalang at pumayag si Ric na sumama sa amin sa game corner. Araw naman namin ngayon so kailangang maging masaya kaming dalawa I mean, kaming tatlo. Hindi ko naman inaasahan na makikita pala namin si Jerson dito kaya naiilang ako kasi iniiwasan niya ako sa campus. Nagulat naman ako nang biglang mangumusta si Lenon saakin. Akala ko ba galit siya saakin kaya iniiwasan niya ako? Dahil sa ginawa niya ay binigyan niya ako ng ideya na hindi siya naiinis saakin, pero why is he avoiding me? I still don't get the fact why he's so weird. Una naming nilaro ay 'yung basketball game. Since hindi ako mahilig sa basketball, hinayaan ko nalang na si Ric ang maglaro. Hindi naman siya umayaw sa halip ay naging mas agresibo pa siya sa paglalaro ng basketball. Kailangan niyang magkaroon ng ma

