Chapter 11

1602 Words
Jerson Ang bilis ng oras, parang kanina lang nasa library pa kami ni Jash habang nagbabasa ng libro tapos ngayon last period na sa hapon. s**t pabilis nang pabilis 'yung t***k ng puso ko. Magpa-check up na kaya ako? Dumadalas na 'yung pagbilis ng t***k ng puso ko baka hindi na'to normal sa katawan.  "Excited much, honey?"  Humarap ako kay Jash, "Shh! Wag ka ngang maingay baka marinig ka pa ni Sir." Saway ko. "Asus, ganyan na ba ang style mo ngayon sa pag deny ng nararamdaman mo? Haha!" Napalakas ang pagtawa niya kaya napatingin si Sir at yung ibang classmates namin sakaniya. 'Yung iba umiling na lang habang 'yung iba ay 'di na pinansin 'yung ginawa ni Jashea. Mukhang nasasanay na sila sa kadaldalan at pagiging bungangera ng kaibigan ko.  "Shit." Bulong ko. Buti nalang gumagawa kami ng seat work.  "What was that?" Tanong ni Sir.  "Ah wala po, Sir. Tumawa lang po ako dahil na solve ko na po yung seat work." Sabi niya tapos ngumiti ng napakalapad. "Hmm. Tapos ka na?"  "Nope." Pagkasabi non ni Jash ay bumalik na 'yung guro namin sa pagbabasa sa libro niya. Tsk muntik na kami non ah. Tinapos ko ang gawain ko tapos ipinasa agad 'to sa guro namin and guess sino ang nahuling nag sumite? edi si Jash. Sino pa ba? Ayan tuloy napektusan ni Sir, gumawa ba naman ng rason na hindi niya kayang panindigan. Good for her. I'm sure magtatanda na siya sa mga ginawa niya. Iniligpit ko na ang gamit ko tapos lumabas kasama si Jash.  "Tignan mo tuloy, binigyan ka ng homework ni Sir. Ikaw kasi e, gawa-gawa ng rason 'di mo naman kayang panindigan." Sabi ko sakaniya.  "Wala na kasi akong maisip na rason e."  "Haha! Sa susunod gumawa ka ng maganda ha? 'Yung maniniwala talaga si Sir dahil for sure hindi na 'yon maniniwala sa mga palusot mo."  "Okay po." Sabi niya na may diin ang 'po'. Jusko! Nagsalita ang hindi matanda.  Naglakad na kami papunta sa venue, buti nalang maaga kaming pinalabas ni Sir kaya medyo wala pang tao sa venue kung saan ihi-held ang audition. Dapat lang! Kailangang makakuha kami ng magandang puwesto sa loob para kitang-kita ko si Elmar.  "Bessy, doon!" Sabi niya sabay turo sa gitna. "'Wag diyan." Sabi ko sabay iling.  "Dun nalang bessy, kasi sa gitna sila mag pi-perform tapos dun kitang-kita natin siya!" Sigaw niya.  "Wag ka ngang sumigaw! Nakakahiya naman kasi, kitang-kita niya rin tayo kung dun tayo pi-puwesto." Saway ko.  "Peace po." Tapos pumunta na kami sa upuan namin, gitna talaga as-in kung magpi-perform siya kitang kita niya talaga kami pati na 'yung magiging reaksyon namin.  Ilang minuto pa ay nagsimula ng dumami ang tao sa loob ng audio theater, nagsidatingan na rin 'yung mga maga-audition dala-dala ang mga gitara at musical instruments nila. Ano kayang kakantahin ni Elmar?  Maya-maya pa ay dumating na yung head ng band nila, hindi ko alam yung pangalan basta sabi ni Jash siya raw yung head nila, ang daming alam ng babaeng 'to 'no? Isama ko na kaya 'to sa programang imbestigador kasi doon bentang-benta ang mga nalalaman niya.  Nagsimula na ang audition, may mga babae rin na nag-audition, lahat sila ang gaganda ng boses ma pa lalaki man o babae. Iba't-iba 'yung genre at technic nila sa pagkanta.  "Next, we have Elmar." Sabi nung announcer.  Pagtawag pa lang sa pangalan niya ay parang nanlamig na ang kalamnan ko tapos parang may something sa tiyan ko. Mini-zoo kumbaga. Biglang huminto yung oras, sa paningin ko ay biglang nagkaroon ng spotlight na nakatapat kay Elmar, I can only see him from a far. The people from the other seats are slowly fading.  Pumuwesto na siya sa harap dala ang gitara niya, inadjust ang mic tapos nagsimulang mag-strum.  "You by the light is the greatest find. In a world full of wrong you're the thing that's right, Finally made it through the lonely to the other side," Habang kumakanta siya ay pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko, hindi na rin ako komportable sa kinalalagyan ko. Naglalabasan 'yung mga naglalakihang pawis sa katawan ko.   Noong una ko siyang makita, malapit sa faculty room nung naglalakad kami ni Jash papunta sa second subject namin, napahinto ako at napatingin sakanya. "You set it again, my heart's in motion, every word feels like a shooting star. I'm at the edge of my emotions, watching the shadows burning in the dark," Sa sandaling 'yon, ang unang beses na nakita ko siya ay parang huminto 'yung mundo ko, nawala ang mga tao sa paligid ko at nawala ang pintuan na nakaharang sa pagitan naming dalawa. Hindi ko maintindihan ang nararadaman ko nang makita ko ang matamis niyang ngiti habang kausap niya ang guro niya.  Sa park, nakita ko rin siya malapit sa guard house habang pinapasok niya ang kaniyang gitara sa lalagyan napahinto ako at napatitig sakaniya. 'Yung pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman buong buhay ko, 'yung pakiramdam na sa tingin mo hindi ka mabubuhay kung wala siya, yung pag nakikita mo siya ay parang nakakalimutan mo ang rason kung bakit ka nandito sa mundo. I've never this feeling for anyone before and I never thought that I would experience such wonderful feeling until I found him. "And I'm in love and I'm terrified. For the first time and the last time, In my only life." Ngayon, napatunayan ko na na may kapasidad pala akong magmahal ng ibang tao nang higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Kahit na hindi ko pa siya nakakausap at hindi niya pa ako nakikila, alam ko sa sarili ko na gusto ko siya.  Natapos na niya yung pagkanta niya at nagbow. Lahat ng tao ay namangha at naghiyawan pagkatapos niyang kumanta, pati si Jashea at tahimik at walang nasabi sa performance niya. Napakaganda ng boses niya. I didn't want to be biased pero I've heard a lot of acoustic cover of that song and I must say that his version is my most favorite on. Parang lahat ng sakit ng katawan, pagod, stress ko nawala dahil sa pagkanta niya. 'Yung boses niyang mala-anghel, na kahit na naglalakad ka lang sa daan ay maakit at mamamangha ka talaga sa ganda.  Umalis na si Elmar at dumiretso sa backstage, hindi na namin siya ulit nakita pagkatapos ng performance niya. Sumunod na ang ibang mga performers pero bulong-bulongan pa rin 'yung pagkanta ni Elmar hanggang sa umabot na sa huling performer. Tatayo na sana ako para lumabas pero hinawakan ni Jash ang kamay ko.  "Sandali lang bessy, maghintay tayo kay Elmar dito." Sabi niya. 'Di na ako nagsalita, umupo lang ako sa upuan ko at naghintay. Lumabas na yung ibang tao sa audio theater, hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Ano ba 'to, may heart disease na ba ako?  Ilang sandali pa ay nagsilabasan na 'yung mga performers mula sa backstage.  "Elmar!" Tawag ni Jash tapos kumaway kay Elmar.  Tumayo si Jashea at hinila niya ako kaya napatayo ako. Hindi ako makapaniwala dahil papunta kami ngayon sa direksyon kung saan nakatayo si Elmar.  "J-Jash?" Nauutal si Elmar na sumagot. s**t! Nagsalita siya.  Ngumiti siya ng napakatamis kaya nanginig at nanlimig ulit yung katawan ko at napaupo ako ulit.  "Hey, okay lang ba 'yang kasama mo?" Tanong ni Elmar kay Jash, Is he referring to me? Tangina napansin niya ako!  "A, Oo! Okay lang siya." Sabi ni Jash. Hinila ako ni Jash patayo. "Tumayo ka diyan Jerson, nakakahiya ka." Pasimpleng bulong niya saakin. Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko, umakyat bigla 'yung dugo ko sa mukha. Lumapit si Elmar saamin ni Jashea. "Hey! How are you?" Pangungumusta ni Jash kay Elmar.  "I'm fine, 'bout you? Walang pinagbago ah." Sabi niya sa kaibigan ko.  "Yeah, look at yourself. Napakalaki ng ipinagbago mo. Nga pala, this is Jerson," Pagpapakilala niya saakin, "Jerson si Elmar, classmate ko dati."   Nagka-eye to eye contact kami ni Elmar dahil sa pagpapakilala ni Jash saamin.  "Nice to meet you, bro." Sabi niya. Inabot niya yung kamay niya saakin at tinanggap ko naman. Nahihiya ako, pakiramdam ko kasi basa, nanlalamig at nanginginig 'yung kamay ko. "Same with you, b-bro." "O, I remember you! Ikaw yung nabangga ko don sa hall way?" Sabi niya tapos tinuro niya ako.  "Oo, ako ata 'yon." Jerson, just act as if you didn't recognize him and you forgot about it. Baka isipin niya na hindi ko nakalimutan 'yung nangyari at iniisip ko pa rin siya hanggang ngayon, totoo naman pero ayokong magmukhang stalker at creep sa harapan niya.  "Ahm, sorry ha? Nagmamadali kasi ako nun. 'Di kita napansin agad kaya nabangga kita."  "It's okay. Hindi rin naman ako tumitingin sa dinadaanan ko eh." Sabi ko, ngayon ko lang napansin na nakahawak pa rin 'yung kamay ko sa kamay niya.  "Oww, sorry." Binitawan ko 'yung kamay niya. Tumawa siya ng bahagya sa nangyari at binaling ang atensyon kay Jashea.  "Jash, mauna na ako ha? may lakad pa kasi ako e, sige kita nalang tayo next time." Sabi niya tapos naglakad papalayo.  "Wait! Elmar!" Hinabol siya ni Jash. Sinundan ko ng tingin si Jashea habang dahan-dahang akong umupo sa upuan ng theater. s**t naninginig 'yung tuhod ko at nanlalambot. Malulumpo na yata ako.  "Can I have your number?" Walang ano-ano ay kinuha ni Jashea ang number ni Elmar. Kitang-kita ang pagkabigla ni Elmar sa mukha niya. Hindi niya ata inasahan ang sasabihin ni Jash. "Sure." tapos kinuha niya ang phone ni Jash at inilagay ang number niya sa contacts.  "Sige ha, kailangan ko ng umalis, late na kasi ako e, good bye Jash, and," Tumingin siya saakin. Giving me a 'ano-nga-yung-pangalan-mo?' look.  "Jerson." Sabi ko at ngumiti.  "Yeah. Jerson. I'll remember that." Tapos ngumiti siya kay Jash at tuluyan ng umalis.  Tumakbo si Jash papunta saakin tapos tumabi siya saakin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, "Okay ka lang?" Nagaalalang tanong niya. Pinagpapawisan kasi ako ng malamig. "Yeah, I think so." Sabi ko "May number na ako, so okay ka na?" Tanong niya tapos kinindatan ako.  "Okay na okay!" Sigaw ko. Wala na akong pakialam sa boses ko kung malakas, tutal kami lang naman ang naiwan dito sa audio theater. Ang mahalaga ay na-meet ko na at nakausap ko si  Elmar, nakaholding hands ko pa, o, diba? Ang swerte-swerte ko ngayon! Paakyat na ako sa cloud nine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD