Jerson
Matapos ang dramahan namin ni Jash sa detention office ay sabay kaming pumunta sa cafeteria para kumain.
Nakakabagot kaya sa office na 'yon. Biruin mo sa halos apat na oras naming pamamalagi ron, wala akong ibang kausap kundi si Jashea lang. Lenon has his own universe and he didn't talk to any of us. Nakalimutan ko ngang itanong si Lenon kung bakit niya nasaba 'yon sa teacher namin na alam naman niyang na-badtrip dahil late kaming pumasok ni Jash.
"Ano kayang kakantahin niya?" Out of the blue kong tanong.
"Dunno." Matipid niyang sagot tapos nagpatuloy sa pagkain.
Napansin kong may isang pares ng mga mata na nakatingin sakin, shems! Tumatayo na naman ang mga balahibo ko.
"O? Anyare sayo? Okay ka lang?" Napansin pala ako ni Jash. Umiling ako at ngumiti.
"Wala, feeling ko kasi may nakatingin sa atin."
"Nakatingin? Sa atin?" Nalilito niyang tanong.
"Oo."
"Natural lang naman 'yon bessy, nasa cafeteria tayo, maraming tao. Chill ka lang, perks 'yan 'pag maganda yung kasama mo." I rolled my eyes at her.
"No! Iba kasi yung feeling e, basta!"
Tumahimik nalang ako at tinapos ang pagkain ko. Tumingin ako sa direksyon kung saan nakalagay yung table na inuupuan nila Lenon noong una ko silang makita dito sa cafeteria. Ibang grupo na ang nakaupo ron sa table nila. Teka, bakit ko ba siya iniisip? Tsk.
"Look out!" May sumigaw sa likuran ko. Isang malakas na pwersa ang naramdaman kong tumama sa ulo ko.
"Ouch!" Daing ko. Putangina ang sakit!
"Hey, are you okay?" Tanong ng isang lalaki.
Tinignan ko lang siya with a painful look. Sa tingin mo okay ako? Ibato ko kaya 'yang bola sa mukha mo.
"Sorry ha. Ako nga pala si Kit, Kit Benson." Sabi niya.
"Seriously? Bakit ba kayo naglalaro dito sa cafeteria?" Naiiritang tanong ni Jash sa lalaki tapos tinaasan niya ito ng kilay.
"Jash." Saway ko.
"No bessy, he should know. Alam mo bang masama yung maglaro dito sa cafeteria? Like duh? Hindi ito basketball court, maraming an napipiruwesyo sa ginagawa niyo!" Sigaw niya.
"Sorry talaga miss, nawalan lang kami ng kontrol sa bola." Sabi naman nung lalaki.
"Nawalan? Team captain ka 'di ba? You should know how to discipline your members!" Nakatingin na yung ibang tao saamin, sa lakas ba naman ng boses ni Jash. Tsk.
Nakakuha na kami ng sobrang atensyon mula sa mga tao sa cafeteria kaya siniko ko si Jash at sinabing, "Jash tama na, It's okay, Kit. I'm fine." Sabi ko tapos sinenyasan si Kit na umalis.
Umalis siya pero habang naglalakad siya ay hindi niya inalis ang tingin niya saakin hanggang sa umabot siya sa table nila. Hinila pa talaga niya ang upuan niya paharap sa direksyon ko, ngayon ay nakatingin lang siya saamin, di ko nalang pinansin.
Galit ba siya? Teka! Wow ha! Siya pa talaga ang may ganang magalit saakin e, siya pa nga 'tong may kasalanan.
"Jerson, bakit mo ako pinigilan?"
"Hindi dapat makipag-away ang babae sa lalaki." Sabi ko.
"Connection?" Tinaasan pa ako ng kilay, babaeng 'to!
"Okay, ayokong mapasok sa g**o kaya pabayaan mo na 'yong lalaking 'yon. Paano kung suntukin ka non? Anong laban mo sa grupo nila? Wala." Sabi ko, biglang sumakit yung ulo ko kaya hinimas ko ito.
"Okay ka lang?" Tanong niya, tumango lang ako.
First time kong matamaan ng bola ng ganun ka lakas. Naalog na ata ang utak ko. Tsk. Tumayo na ako at inaya si Jash na pumunta sa library, magbabasa na naman ako ng libro, walang magawa e.
"Kailangang maaga tayong pumunta mamaya sa venue ng audition nila para makaupo at makahanap tayo ng magandang puwesto." Sabi ni Jash habang naglalakad kami papunta sa library.
"Yeah." Matipid kong sagot.
"A, teka, bakit mo pala alam na team captain si Kit sa basketball?"
"Nakita ko kasi yung pangalan niya sa poster, dun sa bulletin board na pinuntahan natin, screening ng basketball players yung nakalagay dun." Sabi niya.
Sa palagay ko half american si Kit, makikita mo kasi sa maputi niyang balat, matangos na ilong at kulay asul na mata. Mataas din siya at maskulado kaya walang duda na siya ang team captain ng basketball. Pagdating namin sa library ay kumuha agad ako ng libro at pumuwesto sa isang table malapit sa bintana. Nagsimula na akong magbasa hanggang sa matapos ko ang binabasa ko.
Kinahiligan ko na talagang magbasa simula pagka bata ko, kahit anong genre, hindi kagaya ni Jash na takot sa libro. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Hindi mahilig sa libro pero mahilig sa fashion magazines. Sabi niya saakin pag nakahawak daw siya ng libro ay nakakatulog lang siya at hindi niya ito nababasa.
"Hindi ko na nakikita si Lenon dun sa dati nilang table." Bulong ni Jash, library nga diba? Di puwedeng maingay.
"Napansin mo rin pala." Sabi ko.
"Yung pumalit sa table nila ay si Kit at 'yung ka grupo niya."
"Galit ba siya saakin?" s**t, ano ba 'tong mga lumalabas sa bibig ko?
"Sa tingin ko hindi."
"E, parang iniiwasan niya ako."
"Hindi naman ata." Umayos siya ng upo at lumapit saakin ng kaonti para mahinaan niya ang boses niya.
"Pakiramdam ko iniiwasan niya ako, Is it because of the issues? Akala ko ba wala lang sakaniya 'yon? I think the issue as a joke, walang nakakaalam na gay ako 'di ba? except for you and Ric. Hindi naman ata ako umaastang hindi straight 'pag kasama kita, 'di ba?
"Jerson, matagal na 'yung issue na sinasabi mo, panis na yun honey. Mabait naman si Lenon at hindi siya magtatanim ng galit sa isang tao. Trust me." Binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti.
"Fine." But I'm still bothered by the fact na hindi ko na siya nakikita. May nangyari ba sakaniya?
"Tss, wag ka ngang mag-isip ng ganyan bessy, you and Lenon will gonna be friends soon. Trust me."
"I hope so." Sabi ko. I sighed.
"Cheer up Jerson, may panonoorin tayong audition mamaya. " Saka ko lang natandaan ang tungkol kay Elmar nang sinabi ni Jash ang word na 'audition'.
Oo nga pala 'no? Finally, maririnig ko na rin ang boses niya mamaya. Kahit na panget man sa mga tenga nila pakinggan ang boses niya, para saakin siya pa rin ang the best at siya pa rin ang nagtataglay ng pinaka magandang boses sa buong mundo.