Chapter 9

940 Words
Jerson Hinihingal pa kami nang pumasok sa loob ng classroom, halos nasa gitna na ng discussion 'yung teacher nang ma-distract sila dahil sa pagpasok namin. "Oh my! Why are you so late?" Mataray na tanong ng English teacher namin. "Shit." Bulong ko. Ang duga naman o! 'Yung teacher sa English pa talaga 'yung naabutan namin dito sa classroom. Tigre pa naman 'yan pag nagagalit. "O," Kumuha siya ng maliit na papel mula sa ilalim ng table niya at nagsulat. "Go now, your actions are not acceptable." Sabi ni Bruha tapos binigay samin ang detention slip. Mukhang tama nga si Jash sa sinabi niya. Detention office talaga bagsak namin. Tinanggap ni Jash ang slip. Hay, detention na naman ang bagsak namin, ano ba kasing kalseng buhay to. Kung nagising lang sana ako ng maaga. "f**k you!" Umalingawngaw ang boses ng isang lalaki mula sa likuran. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa nagsalita. 'Yung iba ay namamangha habang 'yung iba naman ay natatakot para sa lalaking sumigaw. "Lenon." Mahinang sabi ko, pinagtitinginan siya ng mga tao. Nagbubulungan na rin sila, seriously people? Bakit niya sinabi 'yon? Baliw ba siya? Anong nakain niya at sa harap pa talaga ng tigreng ito! Ano bang problema niya? "Mr. Lombart!" Sigaw ni ma'am at ang dalawang kamay niya ay nasa beywang at nakataas ang kanang kilay niya. Patay! Galit na 'yung bruha. "Get up Mr. Lombart, get out from this room. Go with them! You're very disrespectful . I did not expect this kind of behavior from you Mr. Lombart, isa ka pa naman sa mga top-performing student sa klase na'to." Sabi niya, namumula na siya sa galit. "Pfft." Natatawa na ako, mabuti nalang at tinakpan ko 'yung bibig ko. Lahat ay natulala at hindi makapaniwala sa nangyari. Ang sabi-sabi kasi sa campus, tigre raw 'tong guro na 'to kapag nagagalit at wala ni isang student ang may lakas ng loob na umaway o 'di kaya'y sumuway sa mga utos niya but Lenon just did it. "All of you! Get out of my room!" Ow? Inangkin pa talaga niya ang room namin, Hayy! Nakakaawa naman. Umalis na kami sa room at dumiretso sa detention office. Habang naglalakad sa daan ay wala ni-isa sa amin ang nagsalita, kinuha ko nalang ang cellphone ko at hinalungkat ang inbox, what the?! Hindi ko pala na delete ang conversation namin ni Ric! Tsk. Nakatulog ata ako kagabi, 'di ko na rin nabasa ang huling text niya. And speaking of nakatulog, late ako nagising dahil sa hindi ako nakatulog agad kagabi. Paano ba naman kasi, sa sobrang pagka-excite ko dahil sa event mamayang hapon ay hindi ako makatulog kaya tinext ko si Ric para naman hindi ako ma-bored, nagstart yung conversation namin ng 8:45 ng gabi at natapos ng alas dos ng umaga, galing 'no? Buti nga at nakatulog pa ako e! Yung topic namin ay about sa food kasi hindi ako mabobored 'pag pagkain 'yung pinag-uusapan, tapos umabot yung topic namin sa mga old friends ko, namin sa mga karanasan namin at marami pang iba. Nabura ko na 'yung ibang messages namin sa isa't-isa at kaonti nalang 'yung natira. Dahil 'di ko na matiis ang katahimikan at dahil nahawa na ako sa kadaldalan ni Jash ay binasag ko na ito. "Jash, nakatext ko pala si Ric kagabi." Sabi ko. "Alam ko." "Huh? Bakit mo alam? Pinakialaman mo na naman ba ang phone ko?" Tanong ko ngunit hindi siya sumagot. "Okay, let's not talk about it here." Sabi ko sakaniya. Nauna na siyang naglakad sa amin. Nasa likod niya ako at nasa likod ko naman si Lenon. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nagawa 'yon ni Lenon sa guro namin? Ano bang pumasok sa utak niya? Gusto niya bang mapunta sa detention office kasi na bo-bored siya sa klase? Sunod-sunod ang mga tanong na pumapasok sa ulo ko. Pero, ano naman ang pakialam ko? Buhay niya 'yan tapos alam kong aware naman siya sa resulta ng ginawa niya. "Jash, magsalita ka. Bakit mo alam na nakatext ko si Ric kagabi?" Tanong ko pagkasirado ko sa pinto ng room. Buti nalang at kaming tatlo rito sa detention office, kaya puwede kaming makapagusap ng maayos. "E, alam mo naman ang nature ko 'di ba?" Tanong niya. "Na mangialam ng gamit ng iba? Hindi." Direktang sabi ko. Ilang beses na niya 'yang ginawa saakin pero akala ko ay nagbago na siya. Binago ko na nga 'yung passcode ng phone ko pero na-access niya pa rin. "Jerson naman e! Bakit biglang nabaliktad 'yung situation? 'Di ba dapat ako yung magalit?" Naiinis niyang tanong at tinuturo pa niya ang sarili niya. Here we go again. "Ano namang ikinagagalit mo?" "I'm angry because you're not telling the truth, hindi mo sinabi saakin na palagi kayong nagtetext ni Ric. Masakit sa part ko kasi ako yung bestfriend mo, ako dapat yung unang makakaalam sa mga nangyare sa buhay mo!" Sigaw niya. Napatingin sa aamin si Lenon pero napansin naman 'yon ni Jash kaya medyo hininaan niya ang boses niya. "I was about to tell you pero inunahan mo ako." Di siya umimik, sa halip ay inirapan niya ako at tumingin sa ibang direksyon. "Tss. Look, I'm sorry, nadala lang ako sa emotion ko." I pinched the bridge of my nose. "I'm sorry, Jash." Sabi ko tapos niyakap ko siya ng mahigpit. I heard her sob pero nawala na pagkalipas ng ilang segundo. "Sorry din Jerson, nadala lang din ako."Sabi niya. "Tsk. Tama na nga 'tong ka dramang ito, may lakad pa tayo mamaya remember?" Tapos kinindatan ko siya. "Oo nga pala! I almost forgot honey, manonood pala tayo ngayon ng audition nila Elmar!" Sigaw niya. "Shhh! Hinaan mo nga 'yang boses mo, hindi lang po tayong dalawa ang nasa silid na to." Sabi ko tapos tinuro si Lenon. Buti nalang hindi siya nakatingin saamin. "Okay, okay. Excited na ako!" Hininaan niya ang boses niya. "Me too. Excited na akong marinig ang boses niya." Sabi ko sakaniya. Halos hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip ng sa mangyayari mamaya. Ano ba itong ginawa mo saakin Elmar? Bakit ba ganito 'yung nararamdaman ko para sa'yo? Unang beses ko itong maramdaman sa buong buhay ko, ang mahulog ng sobra sa isang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD