“DAMN IT!” ang narinig ni Jean pagkatapos niyang marinig ang ingay na gawa ng pagkakatabig marahil ng paso. Pamilyar ang boses na iyon kaya naman awtomatikong kumalas siya mula sa pagkakayap sa pinsang si Hector at agad na lumipad ang tingin sa direksiyong pinanggalingan ng tinig. And true enough, standing a few meters away from them was Apollo. Madilim ang anyo nito habang nakatingin sa kanya. “I’m sorry for interrupting you.” Ang malamig na sabi nito saka naglakad nang palayo. Sa tingin pa lamang na ipinukol nito sa kanila ay alam na niyang iba na ang ipinakahulugan nito sa nakita kaya naman agad niya itong sinundan. Nakalabas na sila ng gate ng bahay niya nang magawa niyang maabutan ito. “Apollo, It’s not what you think it is!” agad na sabi niya. S

