HINDI maiwasan ni Jean na luminga-linga sa paligid habang nakaupo sa waiting area ng airport na kinaroroonan. Araw nang pagbabalik nila ni Hector sa US nang araw na iyon at katabi niya itong naghihintay sa flight nila. Alam naman niyang malabo pa sa tubig ng ilog pasig ang tsansang makikita niya si Apollo sa lugar na iyin ngunit gusto niya sanang makita ito bago siya tuluyang umalis ng bansa. Kahit pa siguro galit ang makita niya sa mga mata niti ay ayos lang sa kanya basta makita lamang niya ito. Nang sa wakas ay tawagin na ang pasahero para sa flight na kinabibilangan nila ng pinsan niya ay tumayo na sila. Nilingon niya si Hector na siya nang nagbitbit ng mga gamit niya. He gave her a reassuring smile. Kulang naman sa buhay ang ngiting naibigay niya rito gayunpaman ay hindi na ito

