HINDI sigurado ni Jean kung gaano na siyang katagal na nakatulog ngunit nang muli niyang buksan ang mga mata ay mas magaan na ang pakiramdam niya. Maaaring umepekto na ang gamot na ipinainom ni Apollo. Napangiti siya. Thinking of him makes her feel a lot better. Lalo pa at dumadamay sa pagdaloy ng alaala ang halik na pinagsaluhan nito kanina lamang. Nahinto ang pagdaloy ng alaala niya nang maramdaman niya ang bahagyang pagpisil sa kamay niya. Agad na napakunot ang noo niya bago napatingin sa kamau niya. Ngunit imbes na kamay niya ang kahantungan ng paningin ay ang bulto ng isang lalaki ang nasumpungan niya. Nakayukyok ito sa gilid niya at base sa nararamdaman niya sa kamay niya ay nasisigurado niyang hawak iyon ng lalaki. At kahit pa ang buhok lamang nito at likod ang nakikita niya a

