SABAY sabay na nagpalakpakan sina Jean, Myla, Eunice at Anikka nang matapos ang performance ng Ablaze sa restobar na iyon ni Josh. Kahit talaga may kanya-kanya nang negosyong pinamamahalaan ang magkakabigang iyon ay hindi binitawan ng mga ito ang pagmamahal ng mga ito sa musika. At hanggang ngayon naman ay hindi nawala ang charms ng mga ito sa mga babae. Kanya-kanyang hiyawan pa ang mga babae sa paligid. “I love you, Menriz!” sigaw ng isang babae mula sa crowd. “Hagisan ko kaya ng plato ang babaeng iyon nang nananahimik na lang siya?” natawa sila sa tinurang iyon ni Anikka, ang girlfriend ni Menriz. Hindi pa ito nakuntento at tinignan na nang masama ang babaeng sumigaw. “Relax ka lang Ate Anikka. Sa’yo lang naman naka

