"A-AKO na." sabi ni Jean saka akmang aagawin ang face towel na hawak ni Apollo ngunit mabilis nitong iniiwas iyon. Ito na mismo ang nagpatong niyon sa basang buhok niya at tahimik na tinuyo iyon. It was a simple gesture but it did not fail to make her heart flutter. Nasa loob na sila ng sasakyan nito. Ni hindi na siya nakapag-react pa pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito pagkatapos ng halik na pinagsaluhan nila nito. Ni hindi niya alam kung paano silang nakarating doon ngunit nang tuluyang bumalik ang inaagiw niyang isipan sa realidad ay nasa loob na sila ng sasakyan nito. "P-paano mo akong nahanap?" nagawa niyang itanong pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa pagitan nila. Hindi siya lubusang siguradong sasagutin siya nito lalo pa at hindi pa rin maipinta ang mukha nito. S

