Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ni Bambi ng dumapo ang tingin sa bakanteng upuan sa tabi. Wala si Kayde, matapos gumaling mula sa trangkaso ay nag-umpisa na rin ito magtrabaho. At kinakailangan bumalik sa branch kung saan ito tunay na nagtratrabaho. Limang araw na rin ang lumipas ng umalis ito, walang naging paramdam ang binata matapos ang pag-alis nito. Naging boring ang araw-araw para kay Bambi, siguro nasanay na siya sa resensya nito sa maigsing panahon. Mabili na lumipas ang oras, araw ngbiyernes at marami ang nag-uuwian. Balak niya manatili sa apartment ng dalawang araw at magpahinga, wala siyang ibang pupuntahan o makakausap dahil wala rin si Lani—hindi pa rin nakakauwi. “Ms. Bambi, sumabay ka na dito.” May ngitin pag-aaya ng lalaki. Ang sikretarya ng may-ari na siy

