IX

3894 Words
Matapos ang hapunan ay inalalayan ni Bambi ang binata na pumasok ng kwarto, mas lalo pa tumataas ang lagnat nito na pinag-aalala niya pero hindi makalapit dahil sa kalaswaan na sinasabi nito sa tuwing hinihipo niya ang noo. Ang lalaking ‘yon, nilalagnat na lahat-lahat pero kalibugan pa rin ang nasa isipan. Bumuga siya ng hangin bago kinuha ang thermometer. “38.2°C. Dalhin na kita sa hospital.” “No. Hindi na kailangan ng hospital, ayos na ‘ko dito.” Tanggi nito saka iminulat ang mata. “May pabor lang sana ‘ko sa iyo.” dagdag pa nito. “Basta hindi usaping pera at kalibugan.” Pangunguna niya sa sasabihin nito. “Tingin mo sa lagay kong ito ngayon ay kakayanin kong gapangin ka?” Sa kabila ng masamang pakiramdam ay nagpakawala si Kayde ng mahinang tawa saka iiling-iling. “Ano ba ang gusto mo?” Tanong niya. Dami pa sinasabi. “Dito ka muna, samahan mo ‘ko ngayong gabi.” Nangungusap ang tono ng pananalita nito saka hinawaka ang kumot saka namaluktot. “Alam ko kung hanggang saan lang ang kakayanin ko, mahirap ng waang kasama sa ganitong sitwasyon.” dagdag pa niya. Sa ganitong sitwasyon? Pero kanina lang ay nakita niya itong nagsasarili at sarap na sarap pa sa ginagawa. “Sige, sa isang kondisyon.” Bumuga siya ng hangin saka inayos ang pagkakakumot sa binata. “Huwag kag makulit at iwasan mo ang kalaswaan na lumalabas sa bibig mo. Hindi porket hinahayaan kita ay namimihasa ka na.” “Baby, dalawang kondisyon iyon.” Pambabara nito na hindi makuhang imulat ang mata. “But fine, basta h’wag kang aalis sa tabi ko kahit ngayong gabi.” nanghihina ang tono nito. “O-okay.” Kasalanan niya rin naman kung bat ‘to nagkasakit. Kung hindi niya lang sana pinagpilitan umuwi kinabukasan kahit malakas ang ulan ay hindi sa sila masisiraan at hindi mapipilitan si Kayde na lumabas para ayusin ang sasakyan nila. Nantili siya sa tabi ni Kayde hanggang makatulog na ‘to bago bumalik sa kusina para linisin ang pinagkainan nila. Nakakahiya kung iiwan niyang makalat ang condo ng binata, masbihan pa siyang burara o dugyot ng isang ‘yon. Malakas pa rin ang ulan sa labas, malabo ng makauwi siya sa apartment niya, at sigurado na baha ulit sa daan. Hindi niya ba maintindihan, kung kelan tag-ulan ay saka nag-aayos ng daan at tuwing summer ay hindi naman ginagalaw. Nang matapos linisin ang sarili, muling bumalik sa kwarto ni Kayde. Dumampi ang malamig na temperatura sa balat habang ang binata ay nanginginig sa lamig sa gitna ng kama habang nakatalukbong ng comforter. Sunod-sunod na bumuntong hininga, pinatay ang aircon saka lumapit sa binata. Hindi pa rin bumababa ang lagnat bagkus ay mas lalo pa tumataas. ““38.6°C. Dalhin na kita sa hospital.” gising niya sa binata. “No.” Mas lalong namaluktot si Kayde saka siya tinalikuran. “Hindi na kailangan no’n, lakasan mo na lang ang aircon.” pagmamatigas nito. “Hindi na normal ang lagnat mo—” “Huwag ka n-ng makulit. Ang init—buksan mo ang aircon.” putol nito sa kaniya. Kumunot ang noo niya. “Namamaluktot ka na nga sa lamig, gusto mo pa buksan ulit. Tigilan mo, mas mabuti ng ganyan kesa mas lalong lumalala ang sakit mo.” aniya na puno ng pagtitimpi. “Tsk!” Pagmamaldito ng binata. Bumuga siya ng hangin, binuksan ang cabinet bago isa-isang inilagay sa travelbag. “Tumayo ka na d’yan, pupunta na tayo sa hospital.” “No.” Patuloy na pagmamatigas nito sa sinasabi niya. “Ikaw ang huwag makulit, Kayde. Hindi para sa akin ‘to.” Tumigil ito sandali sa pagsasalita at sinaguradong kompleto ang mga gamit na nakuha niya saka muling nagsalita. “Tara na.” “Ayoko nga sabi.” pilit nitong inaalis ang brasosa pagkakahawak niya. “Hindi ako mamatay sa lagnat.” “Pero marami na ang namatay ng dahil d’yan.” Panay ang hila niya rito. “Tumayo ka na’s magbihis o gusto mo ako pa ang maghubad sa iyo para makapagbihis ka?” pagbabanta niya. Wala pang isang segundo ay bigla itong naupo at nanatiling nakapikit ang mga mata. “I like the second option.” anito saka itinaas ang mga braso. “Come on, baby, undress me. Kahit hindi mo na ‘ko bihisan, aalisin din naman nati ‘yan.” Kahit kailan ang lalaking ‘to puro kalibugan. “Mananahimik ka o iiwan kita dito.” “Pero ikaw ang nagbigay ng option, namili lang ako.” Iminula nito ang mata at humaba ang nguso. Dinaig niya pa ang nag-alaga ng bata, sobrang sumasakit ang ulo niya kausap ang lalaking ito. Sunod-sunod na napalunok ng laway ng itaas niya ang pang-itaas nito, bumungad ang naglalaking abs na titilian ng kababaihan. “You want to touch it?” Tanong nito. Mabilis umiwas ang tingin niya saka hinubad ang pang-itaas ni Kayde na nagpupumilit sa pangalawang option na pinili. “Hindi kita pipigilan but you should know the consequence if you touch it.” “Ayoko.” Maigsing usal. “Hindi naman ganon kagandahan ang katawan mo.” “Pero kulang nalang tunawin ng mga titig mo.” Inirapan n’ya ito saka pabalang na sinuotan ng damit ang binata. Paanong hindi siya mapapatingin kung minsan lang siya makakita ng ganong katawan sa personal. Madalas niya lang itong nakikita tuwing nanunuod ng palabas o di kaya ay naliligo sa beach kasama si Lani. Pero rason ba ‘yon? “Hubarin mo ang pajama mo.” Iwas ang tingin niyang utos kay Kayde. “Ikaw ang maghubad.” Tumayo ito sa harapan niya na para bang walang sakit. “Nilalagnat ako, hindi ko kayang magbuhad.” “Nilalagnat ka lang pero hindi ka baldado. Iba nga na walang kamay ay kayang hubarin ang sariling damit, ikaw na kompleto, hindi kaya?” “Oh, bakit highblood ka na naman?” Mas lalo siyang naasar sa sobrang pa-insente nito. Sarap batukan. “Dahil inaasar mo na naman ako.” Inis na sagot niya bago na-upo sa kama saka humarap dito pero mukhang mali ang ginawa niyang ‘yon dahil mukha niya—err basta! “Baby, bihisan mo na ‘ko o hindi tayo aalis.” Pananakot nito sa kaniya. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa walang hininga ang binata sa harapan. Iwas ang tingin niya hinubad ang pajama, sobrang lapit ng alaga nito sa kaniya at halos hindi na siya makahinga sa hindi malaman na kadahilanan. “H’wag mong sabihin na ako pa ang hahakbang para sa’yo?” Sarkastiko niyang tanong ng maibaba ang pajama, tanging boxer na lang ang suot. Umurong siya palayo, hindi sinasadyang dumulas ang pampalit ni Kayde. Yumukod at inis na dinampot sa sahig ang nahulog na jogging pants, kasabay ng pag-angat ng mukha ay siya rin paggalaw ni Kayde. At hindi sinasadyang masubsob ang mukha niya sa p*********i nito. Hindi siya makagalaw, pakiramdam niya ay tumigil ang mundo habang nasa mukha niya ang alaga nito. Ilang beses na sininghot-singhot –infairness mabango. Natauhan na lamang siya ng tila may sumundot sa pisngi niya. Nang ma-realize ay dali-dali siyang tumayo at muling nabitawan ang jogging pants. “A-ano ba ang ginagawa mo?!” Tumaas ang boses niya na tanong. Pulang-pula ang mukha, sana ay bumuka na ang lupa at kainin siya, sa lahat ng tatama sa mukha niya ang ‘ano’ pa talaga nito. “Bakit ka ba yumukod?” Tugon ni Kayde bago bumababa ang tingin sa alaga. “Sh*t” “Bakit ka kasi gumalaw?!” rebat niya. “Edi ba sabi mo, humakbang ako para tanggalin ‘yang pajama? Sumusunod lang ako.” Pag-opensa ng binata saka tinakpan ang alaga na buhay na buhay. Kumunot ang noo ni Bambi. “B-bakit mo hinahawakan—tinatakpan?” “Why? Gusto mo makita?” Nang-aasar na tanong nito bago tumaas ang sulok ng labi. “Baby, kung hindi mo alam, magmula ng unang pagpasok mo sa kwartong ‘to ay gustong-gusto ka na lapain ng alaga ko.” dagdag pa niya. “Bastos!” inis na hinagis niya ang jogging pants sa mukha nito. “Wala talagang lumalabas sa bibig mo kundi kahalayan!” “Sinasabi ko lang ang totoo—f**k!” sabay mura ni Kayde. “Minumura mo ‘ko?” Hindi makapaniwalang tumaas ang tingin ni Bambi. “Hindi ikaw ang minumura ko.” pagtatanggi ni Kayde saka kinuha ang pajama. “Kailangan ko ng tapusin ‘to, baka mamaya ikaw pa ang masunggaban nito.” anito saka dali-daling tumakbo papunta sa banyo. Pulang-pula ang mukha, napako sa kinatatayuan. Nang tuluyan na nag-sink in sa utak niya ang sinabi’t ginawa ng binata ay inis niya ‘tong nilingon. “Kayde!!” malakas na sigaw niya. NAKAHIGA sa kama si Kayde habang inaayos ng nagpapa-cute na nurse ang IV Drip na inilagay sa binata. Natapos na lang lahat-lahat ay ng check-up ay hindi maalis ang tingin nito kay Bambi na masama ang tingin sa kaniya magmula pa ng umalis sila ng condo. Nang makalabas na ang nurse ay saka nagsalita si Kayde. “Sabi sa’yo, simpleng lagnat lang ‘to. Hindi nakakamatay.” “Andito na tayo, huwag ka na magreklamo.” Ani Bambi na tila masama pa rin ang loob at naiinis sa kaniya matapos ang nangyari sa condo. “Galit ka pa rin?” Nanunuyo ang boses ng binata. “H’wag ka na magalit.” “Sinong hindi magagalit kung harap-harapan kang lilibugan?!” Pabulong na sigaw nito saka inis na hinarap ang binata. “Akala mo kasi ayos lang sa akin ang ginagawa mo—” “Sorry, hindi na mauulit.” putol niya sermon nito. “Huwag ka na magalit.” ulit niya. “Galit pa rin ako.” Inis na tugon ng dalaga. “Maayos na ang lagay ko, hindi na kailangan magstay pa rito. Umuwi na tayo, sa bahay na lang tapusin ‘to.” suhestiyon niya. Ayaw na ayaw niya sa loob ng hospital sa maraming kadahilanan. “Magstay tayo dito hanggang mawala ang lagnat mo.” Desisyon ni Bambi. “Andito na tayo, huwag ka na mag-inarte pa d’yan at magpahinga na.” “Pero kasi—” umikot ang tingin nito na tila may hinahanap. “—Paano kung may bigla na lan magpakita dito?” Kumunot ang noo niya. “Sino naman ang magpapakita sa iyo dito?” Inis na tanong niya pabalik sa binata saka bumuga ng hangin. Siya ata ang sunod na lalagnatin sa kupal na ‘to. Tumayo siya sa pwesto saka lumapit sa binata, tinulak niya ‘to pahiga. “Matulog ka na, kung gusto mo makaalis ng maaga ay magpahinga ka ng maayos.” Hindi umimik si Kayde, nakatitig lang siya dito. “Dito na ‘ko matutulog sa sofa. Kilangan ko na rin magpahinga.” madaling araw na at ni ipikit ang mata ay hindi pa niya nagagawa. Bago pa makalayo si Kayde, mabilis niyang hinablot ang kamay ni Bambi saka hinila ito pabalik. “Malaki ang kama, dito ka na sa tabi ko.” suhestoyon nito. Tumaas ang kilay niya. “Sabay? Ano ang mangyayari? Mamanyakin mo ‘ko?” sunod-sunod na tanong niya. Na-trauma ata siya sa isang araw na dalawang beses itong nagsarili sa harapan niya. “Hindi, matutulog lang tayong dalawa.” seryoso ito. “Bakit ako maniniwala?” Paninigurado niya. “Baby, hindi kita ginalaw ng nasa motel tayo kahit mas magandang gawin ‘yon doon at walang ibang makakaistorbo.” Bumuga ito ng hangin. “Please, tabihan mo na ‘ko. Promise, yakap lang.” dagdag nito. Bumalik sa aalala niya ang gabi ng nasa hotel sila. Nakayakap lang ang binata sa kanya buong gabi, hindi nito hinawakan ang maselan na parte ng katawan o kahit manyakin siya, yumakap lang ito at panay ang halik sa tutok ng ulo niya—na nagpapasecure sa pakiramdam niya mas lalo na habang nasa loob siya ng mga braso nito. “Hindi ako makakatulog.” dagdag pa nito. “Pag may hindi maganda kang ginawa—naku!” banta niya. “I Promise.” Sunod-sunod siyang bumuntong hininga, lumapit kay Kayde na mabilis umisod ng higaan at binigyan siya ng pwesto. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito ‘to. Siguro ay dahil may sakit ‘to at unang tinupok ng sakit ay ang utak niya? Umayos sila ng higa. Nakaunan siya sa braso nito habang nakayakap ito at nag-umpisang halik-halikan ang rurok ng ulo niya. Samantala, malayo ang katawan nila, delikado—baka tumirik ang mata niya. Ito ang paborito nitong pwesto? Nang nasa hotel sila ay ganon din ang pwesto nilang dalawa. Kung sabagay, mas secure siya sa ganong pwesto at amoy na amoy niya ito. Maya-maya ay kumunot ang noo niya ng mapansin an anguumpisa hinndi mapakali ang binata. Patay na ang ilaw, tanging lampshade sa giilid ang nagsisilbing liwanag sa buong kwarto. “May problema ba?” Tanong niya. “Samahan mo ‘ko magbanyo.” walang paligoy-ligoy na usal nito. “Hindi ko na kayang pigilan pa, sumasakit na ang pantog ko.” Tumaas ang kilay niya, hindi makapaniwala. “Bakit pa kita sasamahan? Andyan lang sa giilid ang bayo at hindi ka rin naman imbaldido!” nasa loob na nga lang ng kwarto ang banyo ay magpapasama pa ang kumag. “Basta, please?” Pakisuyo nito. Makikita sa mukha na hirap-hirap na ‘to pigilan. “Hindi ‘to kalokohan huh?” mabilis na tumango-tango si Kayde. Napabuntong hininga na lang siya saka ginawa ang gusto ni Kayde. Nakaabang siya sa pinto ng banyo habang nakaawang ang pintuan kung saan siya makikita ng binataa. At nang matapos ‘to ay mabilis na binuksan ng malaki ang pinto. “Ano ba talaga ang trip mo sa buhay?” Tanong niya rito. “Hindi ako nagbibiro. Ikaw ang nagdala sa akin dito—” “Oo na, oo na.” inis niyang usal saka inalalayan ito makahiga muli sa higaan. Parehas silang nakahiga, sa parehas na posisyon katulad kanina. Nang pumasok sa isip niya ang dahilan kung bakit nag-umpisa maging weird ang lalaking kasama. “Siguro, natatakot ka kaya ka nagpapasama ‘no?” “S-saan naman ako matatakot?” pagak itong tumawa. “Baby, tunay na lalaki ako.” “May babae sa likod mo.” bulong ko saka baon ng mukha sa dibdib niya. Hindi ito umimik, humigpit ang pagkakaakap sa bewang niya at tumigil sa paghalik sa tutok ng ulo. Mahina siyang natawa sa isipan, kahit ang isang magandang lalaki na katulad niya ay may kinakatakutan rin pala. “Joke lang.” Ani niya. Baka hindi talaga ‘to makatulog ng dahil sa biro niya. Wala siyang narinig na sagot bagkus ay nanatili itong tahimik hanggang maya-maya ay nagsalita ang binata. “Good night, baby.” bulong nito sa tenga niya saka sinubsob ang ulo nito sa ulo niya. “IBA TALAGA ANG BAGONG KASAL” Nang imulat ni Bambi ang mata, ang unang tumama sa kaniyang paningin ay ang doctor na malaki ang ngiti habang ang ibang nasa likod nito ay may nakakalkong ngiti sa mga labi. Mabilis siyang napabalikwas ng tingin, nagulat din si Kayde sa ginawa niya na nagising. “S-sorry, doc.” aniya. Ngumiti ang doctor, matanda na ito pero makkita pa rin ang pagiging magandang lalaki nito noong kabataan. “It’s okay pero sa susunod ay mag-ingat baka ikaw ang sunod na mahawaan,” payo nito na kinahiya niya. Nag-umpisa i-check si Kayde, matapos ang ilang pagsusuri ay lumabas na rin ang mga ‘to at naiwan silang dalawa sa loob ng kwarto. Mabilis siyang tumayo, nagpunta sa banyo saka inayos ang sarili habang si Kayde ay may malaki ang ngiti. Tahimik na nag-uumagahan si Bambi at Kayde, parehas na walang umimik habang nanunuod ng balita sa cellphone ang dalaga. Hindi ito nakapasok sa trabaho ng dahil sa kaniya, nakokonsensya siya pero kahit ganon ay masaya sia na hindi siya iniwan nito. Mabugso-bugso pa rin ang ulan sa labas, maayos na ang pakiramdam niya matapos ang magdamag at maari na siyang umuwi ngayong araw na kaniyang pinagpapasalamat. Hindi niya kakayanin na manatili pa ng isang gabi sa hospital—ito ang ikamamatay niya, hindi ang lagnat. Sa gitna ng tahimik na pagkain nila, sunod-sunod na katok ang umagaw sa atensyon nilang dalawa. Tumayo si Bambi bago pinagbuksan ang dalawang lalaki na nasa labas—ang mga kaibigan ni Kayde pero kulang ng isa, wala si Garrie na kasalukuyan nasa bakasyon. “Good morning, Bam!” Denis. “Hi, Bambi!” Denrik. Pumasok ang dalawa, inilapag ang isang basket ng prutas bago inabot ang isang piraso ng gumamela na mukhang binunot lang sa labas ng hospital. “For you.” “Paano niyo na laman na andito ako?” Unang tanong na lumabas sa bibig ni Kayde. “Ano ang ginagawa niyo rito?” dagdag pa nito. “Tinatanong pa ba ‘yan? Edi syempre para bisitahin ka. Narinig namin kay Garrie na dinala ka sa hospital ni Bambi kaya nagpunta kaagad kami para bisitahin ka.” Malaki ang ngiti ni Denis bago naupo kung saan nakalatag ang pagkain. “Bambi, nagugutom na rin kami, pwede ba bilhan mo kami ng pagkain?” “Umuulan!” mabilis na kontra ni Kayde bago inilingan si Bambi. “Kung nagugutom kayo, doon kayo sa labas kumain, huwag dito! Gagawin niyo pang-utusan si Bambi. Mga makakapal ang mukha.” “Ito naman masyadong overprotective. Nag-effort na nga kami ni Denrik magpunta dito para bisitahin ka at malaman kung totoo nga nagpunta ka sa hospital kahit hindi ka pa naghihingalo.” Humahaba na naman ang nguso ni Denis at walang tigil na naman ang kakaputak ng bibig nito. “Wala naman akong sinabi na magpunta kayo—mas lalo ka ng makapal na mukha ka.” inis na tugon ni Kayde bago tinulak-tulak si Denis. “Umalis na nga kayo dito, ang aga-aga niyo nambubulabog!” “Hindi ka pa nga nagpapasalamat na dinalhan ka namin ng prutas!” kinuha nito ang dinalang basket. “Look! May price tag pa ‘yan, bayaran mo iyan pagmagaling ka na.” paniningil nito. “Lumayo ka, Denis. Baka ipasok ko ng buo ang mansanas sa bibig mo ng matahimik ka.” dinuduro ang kaibigan na usal ni Kayde. “At nakakasigurado akong hindi ikaw ang bumili niya. Sa kakapalan ng mukha mo, hindi bale ng mapagkamalan kang patay-gutom, huwag lang gumastos.” “Hindi nga. Wala naman akong sinabi na ako ang bumili nito.” kibit-balikat na tugon ni Denis bago binababa ang basket. Nagtatakang lumingon ito kay Denrik, naghihintay ng sagot. Mas maayos kausap ‘to kesa kay Denis na sobrang kapal ng mukha. “Si Garrie ang bumuli.” Turo ang basket saka tinuro ang sarili. “At ako ang nagbitbit.” Lumingon sila kay Denis na nag-umpisang balatan ang mansanas. “Ikaw. Ano ang ambag mo?” “Moral support—ouch!” sa sinagot ni Denis, mabilis na binato itong binato ni Kayde ng saging na siyang unang nahawakan. “Paano kung nadulas ako, nasaksak ng martilyo, sabay namatay! Mapapanindigan mo ba na mabawasan ang gwapong nilalang sa mundo?!” “Hindi ka mamatay sa saksak pero nakakasigurado akong malalagutan ka ng hininga.” Nangangalaiti na tugon ni Kayde sa kaibigan. “Ang kapal ng mukha mong manghingi ng pagkain at mag-utos, wala ka naman palang ambag kahit sentimong hayop ka!” mura nito. “Atleast, andito ako, hindi katulad ni Garrie!” “Atleast siya, kahit malayo nagpadala!” jusko! “Binunotan kita ng bulaklak!” sabay turo sa gumamela. “Itago mo lang kung may pumasok, pinitas ko lang yan sa labas ng pasikreto.” Nag-uusok ang ilong ni Kayde. Pakiramdam niya ay lalagnatin ulit siya dahil sa pagbisita ng dalawang kaibigan. Siya ang unang malalagutan ng hininga sarap i-friendship over ang mga g@go. Mag-uumpisa na uli sila sa pagtatalo ng sumingit si Bambi sa kanila, nakalimutan na nila andoon pa ang dalaga sa kwarto. “Ahm, Kayde, aayusin ko na muna ang papel mo at bibili na rin ako ng pagkain nila sa labas.” paalam nito. “Hulog ka ng langit, Bambi! Boto na ‘ko sa iyo para sa kaibigan ko.” syempre, sino pa ba? kundi ang makapal na mukha. Nahihiyang nginitian ito ni Bambi, kinuha ang traveling bag at kinuha ang wallet ni Kayde. “Ano ang gagawin mo d’yan?” “Kung gipit ka, mas gipit ako. Wala akong pera pambayad and besides, kaibigan mo sila.” ani niya. “Tama, kaibigan mo kami!” Nag-umpisa na si Denrik. “Mabuti pa si Bambi, alam ang salitang libre para sa kaibigan.” nagdradrama na usal ni Denis. Bago pa magtalo-talo ang tatlo ay umalis na siya sa loob ng kwarto. Siguradong sisitahin ang mga ‘to ng dadaan dahil sa ingay nilang tatlo. Jusko! Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras, dumiretso siya para bayaran ang hospital bill at ayusin ang ibang kailangan bago lumabas para bumili ng pagkain ng bisita ni Kayde. Simpleng fastfood lang ang binili niya, iyon lang ang malapit sa hospital. Hindi katagalan ay bumalik na siya ng kwarto, bago tuluyan buksan ang pinto ay narinig niya ang pinag-uusapan ng tatlo. “Akala namin naghihingalo ka na kaya pumayag ka na magpa-admit sa hospital.” si Denrik ‘yon. “Kaya nga nagpagdala si Garrie ng prutas para sa iyo.” “Hindi ka na ba natatakot?” Si Denis ang sunod na nagsalita. “Natatakot syempre! Ayaw ko lang maging duwag sa harapan niya ‘no!” inis na tugon ni Kayde saka bumuntong hininga. “Kagabi, para akong aatakihin. Mabuti nalang mainit ang katawan niya kaya nakatulog kaagad ako.” “Naka-shoot ka pare?” Ang chismoso. “Ggo. Hindi ko magagawa iyon kay Bambi mas lalo na kung walang permiso niya. Igaya mo pa ako sa ‘yong hayup ka.” sa sinabing iyon ni Kayde ay kahit papaano ay lumambot ang puso ni Bambi. Malaki na sana respeto niya dito kung hindi niya lang ito nakitang nagsasarili sa mismong harapan niya. “Hindi ako ganon no!” pagtanggi ni Denis. “Anyway, kailangan na namin umalis. Mamaya ay walang tigil na naman ang sermon ng secretary ko kung ma-late ako sa meeting.” Bumuga ito ng hangin saka tinapik ang balikat ni Kayde saktong pagtama ng tingin nilang dalawa. “May babae na kanina pa nakatingin sa iyo, hindi mo lang napapansin.” anito. Nanigas si Kayde, nag-umpisang lumibot ang mata nito kaya dali-dali siyang nagtago saka pumasok ng kwarto. Lumaki ang ngiti ni Denis, ito na ang tumakbo papalapit sa kaniya saka kinuha ang plastic bag sa kamay. “Sa byahe na namin kakainin. Salamat, Bambs!” Tumango siya at nagpaalam sa dalawa na nag-aagawan sa dinala niya. Muling bumaling ang atensyon niya kay Kayde na namumutla ‘t hindi makagalaw. “Hey, you okay?” tanong niya dito. “T-totoo ba ang sinabi mo kagabi na may b-babae sa likod ko?” Nauutal na tanong. Mahina siyang natawa saka umiling. “Nagbibiro lang ako, walang multo kagabi.” “Pero kanina may sinabi din si Denis na babae.” “Ako ang tinutukoy niya, kanina pa ako nasa labas.” Pagrarason niya saka mahinang napatawa. “H’wag ka na matakot, andito na ako sa tabi mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD