Wala nang ibang tumatakbo sa isipan ni Bambi kundi ang takpan ang mukha habang papasok sa motel na na nag-iisang lugar na may bakante at tumatanggap ng bisita. Ilang oras na sila naghihintay na tumila ang ulan pero nisandali ay hindi humina.
Maghahating gabi na, nakaalis na rin ang eroplano na lulan ng dalawang kaibigan. Kaya’t ng maghintay pa ng ilang sandali, napagpasyahan na nila ang maghanap ng matutuluyan na malapit sa kinatatayuan. Ngunit, lahat ng hotel na pinuntahan ay puno na dahil sa dami ng biglaang nagchek-in.
“Two rooms, please.” Ani Kayde na siyang kumausap sa matandang nagbabantay.
“Isang kwarto na lang ang natira.” Tugon ng matanda bago tumingin sa kanilang dalawa. “Kukunin niyo pa ba?” dagdag pa nito saka muling binaling sa binata.
Nagkatinginan si Kayde at Bambi. Wala silang magagawa, bawal maging choosy kesa mamatay sila sa sobrang lamig at manatili sa labas habang malakas ang buhos ng ulan. Marahan na tumango bilang pagsang-ayon niya.
“Ok. We will take it.” Ibinigay ni Kayde ang identification card kasama ng cash.
“No refund. No Cancellation.” Paalala nito bago ibinigay ang sukli na may kasamang bottle water at cup noodles matapos mapirmahan ng binata ang logbook. “Room 401”
“Thanks.” Tugon nito.
Muling itinaas ni Bambi ang takip sa mukh at naunang maglakad papunta sa hagdan. Subalit, hindi pa sila nakakalayo ng may muling pumasok na babae’t lalaki sa motel. “Two room.” Dinig niya na ani ng babae.
“Isang kwarto na lang ang natira.” huminto ito sandali bago muling nagsalita. “Kukunin niyo pa ba?”
Natigilan si Bambi at nilingon ang matanda nang marinig ang kaparehong linya na sinabi sa kanila kanina. “H-hindi ba’t sabi niya isa nalang—”
“Let’s pretend we didn’t hear that.” Ani Kayde saka siya hinila papunta sa hagdan.
MARAHAS na buntong hininga ang pinakawalan ni Bambi nang makapasok sa maliit na silid na kanilang naukupahan ngayong gabi. Walang binatana, tila isa lang itong kahon na kwarto na nilagyan ng banyo’t kama. Malakas ang aircon sa loob, may maninipis na kumot at dalawang unan.
Ginawa talaga ang kwarto na ‘to para sa paggawa ng milagro.
“May pupuntahan ka?” Tanong niya ng mapansin na palabas ang binata ng pintuan.
“Yeah. Lalabas na muna ‘ko para bumili ng pagkain at bumili ng mga kailangan gamitin.” Itinaas ang wallet. “May gusto ka ba ipabili o kainin?”
“Wala na.” Hindi makatingin ng diretsong tugon niya.
Ibinagsak niya ang katawan sa malambot na kama ng makalabas na ng kwarto ang binata. Ngayon, malalaman niya kung ano ang tunay na motibo nito sa kaniya, siguradong hindi siya makakapagpahinga ng maayos ngayon gabi kahit na masarap matulog dahil sa lamig ng lugar.
Sunod-sunod na bumuntong hininga, nagpunta sa banyo saka nilinis ang sarili habang hinihintay ang binata. Hindi nagtagal sa banyo, gamit ang tuwalya sa motel ay pinunasan ang sarili at sinuot ang malaking t-shirt ni Kayde na pinahiram nito sa kaniya.
Isang oras ang lumipas ng bumukas ang pinto, basa ng ulan ang ibang parte ng damit na dali-daling lumapit sa kaniya at inabot ang pagkain mula sa fastfood. “Sorry, sarado na ang mga café and other shops, iyan na lang ang nabili ko.”
“It’s okay.” Bumababa ang tingin niya sa basang damit, bumabakat ang anim na pandesal sa katawan ng lalaki. “Maglinis ka na ng katawan.” iniwas niya ang tingin.
Nagkunwari siya na abala sa pagtingi ng pinamili, hindi nakuhang tignan ang paperbag at hinugot na lang ang laman na hindi tinitignan. “Ang ganda ng tela ng binili mo—” pag-iiba niya ng usapan.
“I know, malaki at sakto sa akin pero mas maganda kung hindi ‘yan susuotin.” Putol nito sa kaniya.
Kumuot ang noo ni Bambi sa tugon nito, binalingan ang hawak, at ganon na lang ang gimbal ng makita kung ano ‘yon. Mabilis na nabitawan ang kulay itim na brief na nalaglag sa sahig, mas lalong namula ang pisngi sa kahihiyan.
“Maligo ka na nga lang.” Hindi mai-angat ang tingin niyang bulyaw saka tumalikod rito.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Kayde, kinuha ang towel sa ulo niya saka dinampot ang nahulog na brief sa sahig saka pumasok ng banyo. Wala na talaga siyang nagawa kundi kahihiyan sa harap ng binata.
Inis na nagpagulong-gulong sa kama at tumili habang nakatikip ng unan ang mukha. Parang gusto niya na lang lamunin ng lupa matapos ang nangyari. Wala na bang susunod?
Sa maliit na mesa, inilatag ang pagkain na sobra sa kanilang dalawa. Hindi nagtagal ay lumabas ng banyo si Kayde na walang pang-taas na damit. “Magsuot ka nga ng damit!” reklamo niya.
“Baby, I woould like that idea but paano ko gagawin ang gusto mo kung suot mo ang damit ko?” Ani Kayde na may panlalandi sa tono nito. “Gusto mo ba na hubaran kita ngayon din ng magawa ko ang gusto mo?”
“Huhubarin ko—”
“You need help?” Sabay kindat ng binata.
Pinakita niya ang gitnang daliri saka dali-daling pumasok sa banyo upang magbihis. Naiwan sa labas si Kayde na bumubumngisngis dahil naasar na naman siya nito. Ang lalaking ‘yon, magmula sa opisina ay kalibugan na ang sinasabi!
Silk na pantulog at dalawang tshirt ang binili nito, mayroon din undies na ikinapula muli ng pisngi niya. Saktong-sakto ang lahat ng pinamili nito sa kaniya at maski ang cap ng bra ay naayon sa laki ng dibdib niya.
“Heto na—” Iwas ang tingin na ibinigay ang tshirt na sinuot niya kanina. “Bilisan mo, magbihis ka na, baka lamigin ka pa, ako pa ang sisihin mo.” dagdag niya.
“Kung lalamigin ako, kayang-kaya mo naman akong painitin.” Malisyosong tugon saka mabilis na kinuha ang tshirt at sinuot. “Suspended ang mga klase bukas panigurado, kung hindi pa huhupa ang baha ay baka hindi pa tayo makakalabaas dito—pero I’ll do my best to reserve a hotel, not motel.”
Hindi niya ito pinansin, kinuha ang pagkain at sabay silang naghapunan. Mag-aalasdose na ng gabi ng parehas silang natapos at nakatayo sa harap ng pang-dalawahan na higaan. “Dito na ‘ko sa sahig kung hindi ka komportable na may katabi.” si Kayde ang pumutol sa mahabang katahimikan.
Pasimpleng nilingon ang sahig, may basa pa mula sa banyo dahil sobrang liit ng kwarto. “T-tabi na tayo, hindi mo naman ako gagapangin.”
“Hindi mo sure.” Kaswal na sagot nito na kinasama ng tingin niya. “Pero hindi ko gagawin ang bagay na ‘’yon hanggat walang permiso sa iyo.” dagdag pa nito.
Bumuga siya ng hangin. “Tabi na tayo—h’wag mong isipin na pinayagan kita na tabi tayo dahil gusto ko at huwag kang malisyoso.” dagdag niya.
Parehas silang nahiga, hindi makagalaw si Bambi at nakatakip ang katawan ng manipis na kumot habang si Kayde ay nakapikit na ang mata sa tabi niya. Paano niya nakuhang matulog kung may katabi siyang iba—sanay na sanay talaga siya.
“Gusto mo ba ako tunawin?” Halos mapatalon siya ng bigla itong nagsalita. “Kanina ka pa nakatitig. Baka na-gwapohan ka na sa akin.”
“Gwapo ka naman talaga.” Walang preno ang bibig niyang tugon sa binata. “Mahalay nga lang.”
“Hindi pa kita hinahalay pero hinuhusgahan mo na ‘ko.” Lumingon ito sa kaniya saka ngumiti, siya naman ngayon ang tinitigan ng binata ng nakakatunaw. “Hindi ka ba makatulog?”
Umiling siya. “Sanay ako na patay ang ilaw at walang kahati sa kumot.” nilalamig na ang paa niya.
“Bakit hindi mo sinabi kaagad?” Bumangon ito saka pinatay ang ilaw.
“Sabi mo kanina—”
“Baby, mahalayman ako sa paningin mo, gentleman pa rin ako.” Putol nito sa sasabihin niya saka nahiga muli sa tabi niya saka ibinigay ang buong kumot sa kanya. “Gamitin mo na ‘yan, baka ikaw pa ang lagnatin bukas.”
“Paano ka?” Nag-aalalang tanong niya saka muling kinumutan ang binata. “Hati na tayo.”
Sinubukan nilang tumawag sa front desk kanina pero wala ng available na kumot sa ibaba dahil bukod sa puno ang buong motel ay marami na ang nagrequest bago silang dalawa.
Bumuga ng hangin si Kayde, lingid sa kaalaman na wala ng magagawa att hindi na siya makukunbinsi sa gusto nito mangyari. “Anong—” gulat na tili niya ng hilahin siya nito papalapit saka marahan na itinaas ang ulo at ginawang unan ang kamay nito.
“Hindi na malamig.” Komento ni Kayde matapos ayusin ang kamot na tumatabon sa katawan nilang dalawa.
“Ano ba ang ginagawa mo?” Nagdidikit ang kilay na nakatitig siya rito. Ito ba ang umpisa ng panggagapang niya?
“Masyadong manipis ang kumot para labanan ang lamig.” Pagrarason nito saka isinandal ang ulo sa tutok ng ulo niya. “Pero kayang labanan ng init ng katawan ang lamig.”
“Tumatansing ka lang ata eh.”
“Baby, kung ako gumalaw, shoot kaagad. Hindi na kailangan tsumansing o ano pa.” Hindi siya nakaimik. Eh, sa pwesto nila mas lalong hindi siya makakatulog at baka may mashoot talaga.
Aba, hindi lang ang lalaki ang kailangan magpigil kundi pati siya.
Nanatili sila sa ganong posisyon hanggang sa unti-unting lumalamlam ang mata. Sana lang walang gapangan na mangyari ngayong gabi.