Prologue
THE MAFIA BOSS’ FIRST MISTRESS
INTRODUCTION
Anneliesse’s POV
Yumuko lang ako habang walang tigil ang agos ng luha papunta sa kandungan ko habang nakaupo sa harap nina Mama at Papa. The silence inside our living room felt heavier than any punishment I could ever receive.
Katatapos lang naming umuwi galing sa university. Doon pa lang ay para na akong sinasakal habang nakikinig sa usapan nila.
Pinatawag kami sa Guidance Counselor’s office dahil sa iskandalo na tuluyang sumira sa pagkatao ko.
“Sabihin mo sa amin kung anong nangyari, Eliesse,” nanginginig ang boses ni Mama. Nakatingin siya sa akin at hindi ko kayang makita ang lungkot sa mga mata niya.
Mama Marissa looked like she was trying so hard not to cry. Abogada siya, malakas, iginagalang, at laging relax pero ngayon, nanay ko lang siya na natatakot at nasasaktan para sa akin.
Hindi ko siya matingnan. Hindi ko rin kayang tingnan si Papa. Pareho silang nakatayo sa harap ko, naghihintay ng paliwanag na sobrang nahihiya akong ibigay. Medyo malayo lang si Papa dahil nasa may bintana siya pero nakatingin at nakikinig sa amin.
Isang linggo. Isang linggo na akong nilalamon ng kahihiyan. One week since that cursed video spread across the university like wildfire.
Isang linggo ng bulungan.
Isang linggo ng mga panghuhusga.
Isang linggo ng mapapait na tawanan tuwing dadaan ako sa mga pasilyo.
Sa video na 'yon, underwear lang ang suot ko habang hawak ang mga adult toys na parang walang kahihiyang babae.
Gusto ko na lang maglaho araw-araw.
And the worst part? Hindi naman talaga dapat mangyari 'yon.
Isa lang itong malaking pagkakamali, isang patibong, at isang kahihiyang pinlano nang perpekto ng pinakawalang-hiyang tao na pinagkatiwalaan ko, si Romano Castellano.
Naiisip ko pa lang ang pangalan niya, sumasakit na ang dibdib ko.
“I’m sorry po… Mama, Papa.” 'Yan lang ang nasabi ko bago ako tuluyang naiyak ulit. “I failed you… I’m so sorry…”
The shame was killing me, kaya halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses dahil sa iyak. Hindi lang ito dahil sa video, kundi dahil nadamay ko ang malinis na pangalan ng pamilya Sarmiento sa gulong ito.
Respetadong mga abogado sina Mama at Papa. Sikat sila sa university at hinahangaan ng mga tao. Tapos ako na anak nila, naging sentro pa ng pinakamaduming iskandalo sa campus.
The irony was cruel. Hindi ko naman talaga sila tunay na magulang dahil ampon lang ako. Pinatay ang biological father ko noong baby pa lang ako kaya gumawa ng paraan ang tita ko para maampon ako ng mga Sarmiento dahil naniwala siyang mabibigyan nila ako ng mas magandang buhay.
At binigay naman nila lahat. Binigyan nila ako ng pagmamahal, bahay, pamilya, at magandang kinabukasan. Sinunod nila ako, pinrotektahan, at minahal na parang tunay na anak. Never, not even once, did they make me feel na hindi ako kabilang sa kanila.
Kaya mas masakit 'to ngayon. Nadungisan na ang pangalan nila dahil sa akin. Binigo ko ang mga tanging tao na totoong nagmahal sa akin.
Nagkrus ang mga braso ni Papa, pero kitang-kita ko ang sakit sa likod ng seryoso niyang mukha.
“Eliesse,” mahinahong sabi niya, malabong-malayo sa boses niya tuwing nag-iinterrogate ng kriminal sa korte. “We need to know the truth, anak, para malaman namin kung anong dapat gawin.”
Kinagat ko ang labi ko sa sobrang kaba.
Ganoon din ang sinabi ng Guidance Counselor kanina.
Nakiusap siya na magpaliwanag muna ako bago ipakita ang video kina Mama at Papa. Buti na lang talaga hindi pa nila napapanood. I didn't think I could survive watching their faces habang nagpi-play ang video na 'yon. Napakuyom na lang ako ng mga palad ko sa kandungan ko.
Kasalanan lahat ito ni Romano. Napakayabang, spoiled, at nakakadiring lalaki. Romano Castellano, campus heartthrob, mayamang tagapagmana, at anak ng pinakatatakutang lalaki sa buong siyudad.
Giliw na giliw sa kanya ang lahat. Palagi siyang pinagbibigyan kahit na itinuturing nilang laruan lang ang mga babae ng barkada niya, at kahit na nagpapahiya sila ng mga tao para lang maglibang. At ako ang naging paborito nilang target dahil tinanggihan ko siya, dahil inayawan ko si Romano noong akala niya lahat ng babae ay luluhod sa paanan niya. Dapat pala alam ko nang hindi niya papalampasin ang kahihiyang 'yon. Nagsimula sa asaran, naging tsismis, mga litrato, at pananakot. Hanggang sa humantong sa video na 'yon. Nagtiwala ako sa kanya noon, at 'yon ang pinakamalaking pagkakamali ko. Huminga ako nang malalim at nag-angat ng tingin.
Walang silbi kung magsasalita ako. Wala kaming magagawa sa pamilya Castellano. Sila ang gumagawa ng batas sa siyudad na ito at sa iba pang lugar. Parang kwentong kutsero lang kwento tungkol sa kanilang pamilya na sila ay mafia, pero alam ng karamihan na hindi iyon ganoon lang. It was true, kaya takot na takot ang lahat sa kanila. Hawak nila ang buong siyudad, nagpapatakbo ng mga bilyong halaga ng mga kumpanya, at kasosyo ng mga pulitiko na sabi ng marami ay hawak din nila. What’s the use if I tell my parents? Kung lalaban sila, paano ako nakasisiguro na magiging ligtas sila?
Kaya lang, magulang ko sila at karapatan nilang malaman.
“S-Si Romano… he—” umpisa ko, at hindi ko pa man natatapos ay nanlaki na agad ang mga mata ni Mama. Alam na niya kung sino ang tinutukoy ko.
“He…” Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko, biglang may malakas at nakatutulig na preno ng kotse na umalingawngaw sa labas.
Natigilan kaming lahat.
The sound was too sudden and too aggressive. Agad na naglakad si Papa papunta sa bintana at hinawi ang kurtina.
Nakita kong nanigas ang buong katawan niya. Lumaki ang mga mata niya pagkaraan ng ilang sandali. For the first time in my life, nakakita ako ng takot sa mukha ng tatay ko.
“Papa?”
Dahan-dahan siyang lumingon sa amin.
Halos pabulong na lang niyang sinabi ang mga salita.
“It’s… Zavier Castellano…”
Naging kasing-lamig ng yelo ang dugo ko. Ang tatay ni Romano. Everyone in this city knew that name. Kahit walang nangangahas na bumigkas nito nang malakas, Zavier Castellano is a business tycoon, philanthropist, powerful, untouchable—and behind closed doors, alam ng lahat ang totoo. Mas mapanganib siya kaysa sa kung anong isinusulat sa mga pahayagan. Hindi siya tinatawag na kriminal ng mga tao; sadyang humihina lang ang boses nila tuwing nababanggit ang pangalan niya dahil ang takot ay hindi na nangangailangan ng ebidensya. Agad na tumayo si Mama.
“Anong ginagawa niya rito?”
Tumingin ulit si Papa sa labas, hindi mabasa ang ekspresyon sa mukha niya.
“Naglalakad siya… naglalakad siya papunta sa pinto natin.”
Huminto ang paghinga ko. No.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na halos mabingi na ako. Bakit narito ang ama ni Romano? Did Romano tell him? O sadyang ganoon kabilis makasagap ng balita ang mga Castellano na bago pa man kami makauwi galing sa university ay alam na nila ang nangyari?
No, no, no. Iniisip ko pa lang kanina na baka mapahamak ang mga magulang ko kung lalaban kami, tapos ngayon ay narito na mismo ang pinakakinatatakutang lalaki sa buong siyudad sa harap ng bahay namin.
"Marissa, dalhin mo si Eliesse sa itaas. Huwag kayong bababa hangga't hindi ko sinasabi," utos ni Papa.
Ang boses niya na laging buo at may awtoridad sa korte ay may bahid na ngayon ng takot. He was trying to protect us.
"Edward, no. Hindi kita maiiwan dito mag-isa," Mama’s voice trembled, but the lawyer in her refused to back down.
She stepped closer to Papa, her eyes fiercely protective. Bago pa man sila makapag-talo, tatlong malalakas na katok ang dumagdag sa kalituhan namin sa loob ng bahay.
Bawat katok ay parang bombang sumasabog sa pandinig ko. Ang tunog na iyon ay hindi pakiusap, ito ay utos na magbukas ng pinto.
"Pasok sa kwarto mo, Eliesse. Ngayon na," mahigpit na bulong ni Mama sa akin habang itinutulak niya ako papunta sa hagdan.
Nanginginig ang mga tuhod ko habang humahakbang ako paitaas, pero hindi ko napigilang lumingon. Huminga ng malalim si Papa bago dahan-dahang binuksan ang pinto.
The air in the living room instantly shifted. It became freezing and terrifying.
Standing at the threshold was Zavier Castellano.
He didn't look like a criminal from the movies. He was dressed in a tailored charcoal-grey suit that screamed wealth and perfection. His dark hair was not neatly combed and his face was a mask of cold, unbothered elegance. But it was his eyes, sharp, dark, and completely devoid of warmth, na nagpabagsak ng kung anumang tapang na mayroon ang pamilya ko. Behind him stood four massive men in black suits, their hands crossed in front of them, looking like walls of solid stone.
I could say that Romano himself doesn’t look that scary. Hindi hamak na bata siya ng sampung taon kung titignan sa personal, at kung heartthrob ang tawag sa anak niyang si Romano, ano na lang ang itatawag sa lalaking ito? Greek god?
"Atty. Sarmiento," Zavier’s voice was smooth, deep, and calm. It echoed in our small living room, "I believe we have a matter of mutual interest to discuss."
"Mr. Castellano," Papa tried to keep his voice steady, stepping forward to block Zavier's view of the rest of the house, "Hindi ko alam kung anong dahilan ng pagbisita niyo sa ganitong oras. Kung tungkol ito sa kaso ng kumpanya niyo—"
"This is not about business, Edward," Zavier interrupted smoothly, using Papa's first name like a casual warning.
Kinakabahan ako. Isa sa mga abogado niya si Papa sa sangkstutak na kaso na kinakaharap ng negosyo nila, pero hindi ko alam kung anong mutual interest ang sinasabi niya.
He took a single step inside, and Papa was forced to move back. Zavier’s dark eyes scanned the room until they landed on Mama, and then, slowly, they tracked up the stairs.
Our eyes met.
Na-lock ang paningin ko sa kanya. Para akong nanigas sa pwesto ko sa hagdan. Alam kong dapat na akong tumakbo paitaas pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. He looked at me not with anger, but with a cold intensity, like a predator inspecting a prey.
"I am here," Zavier said, his gaze remaining on me for a second longer before looking back at my parents, "because of my son's unforgivable foolishness."