Chapter 2

1882 Words
Chapter 2 Ang Pagbabalik ng Boss Eliesse’s POV Maliwanag ang buong ballroom ng five-star hotel kung saan ginaganap ang graduation ball ng university. Ang tunog ng tugtog ng banda ay pumupuno sa ere, habang ang mga crystal na chandelier sa kisame ay nagpapakislap sa mga suot na mamahaling gown at suit ng mga katulad kong estudyante. Lahat sila ay masasaya, nagtatawanan, at nag-iinuman habang ipinagdiriwang ang huling gabi bago ang opisyal na pagtatapos namin sa college, pero ako ay hindi pa dito natatapos. I will continue to law proper. Habang ang lahat ay may kasama o may ka-grupong nagkukuwentuhan, nakaupo ako mag-isa sa isang mesa sa pinakasulok ng bulwagan. I was completely alone. Hindi ko ito inasahan. Wala sa akin gustong lumapit kahit na ang mga kakalae na medyo ka-close ko dati. Para akong nakakaramdam ng pagsisisi kung bakit pa ako um-attend. Suot ko ang isang kulay royal blue na gown na ipinadala ni Manang Celia sa aking kwarto noong isang araw. Simple lang ang tabas nito pero gawa sa mamahaling tela na kumikinang kapag tinatamaan ng liwanag. Kahit pinayagan ako ng mga security na pumunta rito para sa huling gabi na makakasama ko ang mga kaklase ko, ramdam ko pa rin ang distansya ng lahat ng tao sa akin. Isang buwan na ang nakalipas mula nang ianunsyo ng Castellano Group na engaged na ako kay Zavier Castellano. Dahil doon, natapos ang pambubully, nabura ang video, pero ngunit pinalitan naman ito ng matinding takot ng mga tao sa akin. Ngayon ko nararamdaman ang katotohanan. Walang lumalapit sa akin dahil alam nilang binabantayan ako ng pinakamakapangyarihang pamilya sa Maynila. Tiningnan ko ang baso ng apple juice na hawak ko, iniisip kung tama bang sumama pa ako sa gabing ito. I felt out of place anyway. Napatigil ako sa pag-ikot ng baso ko nang mapansin kong nagbago ang ihip ng hangin sa paligid ng pwesto ko. Ang mga estudyanteng malapit sa mesa ko ay biglang nanahimik at mabilis na lumayo. Naramdaman ko ang paglamig ng balat ko pero bago pa man ako makatayo para umalis, isang grupo ng mga kalalakihan ang tuluyang humarang sa daraanan ko. Napaangat ako ng tingin at agad na nanigas ang buong katawan ko. It was Romano Castellano. Kasama niya ang apat sa kanyang mga kaibigan, ang parehong grupo ng mga lalaking sumira at nagpahiya sa akin isang buwan na ang nakalipas. Romano looked drop-dead gorgeous in his black tuxedo. He possessed the kind of dangerous, breathtaking looks that could make any girl forget her own name. His sharp, aristocratic jawline was darkened by a rough layer of stubble that made him look less like a college boy and more like a rugged, commanding man. His messy dark hair fell perfectly across his forehead, parang naka-highlight ang kanyang nakakatunaw na mga mata. But beneath that impossibly attractive exterior was that same arrogant, crooked smile plastered across his face. He was supposed to be in Europe, or so I thought, ayon sa mga narinig kong balita mula sa mga tauhan sa mansyon, pero heto siya ngayon, nakatayo sa harap ko, mukhang walang anumang pagsisisi sa ginawa niya sa akin. "Look who we have here, boys," Romano said, his voice dripping with mockery. He stepped closer, casually putting his hands inside his pockets, "The campus sweetheart turned into a ghost. Long time no see, Eliesse." "Bro, is she even allowed to talk to commoners like us now?" untag ni Chad, ang isa sa mga matatalik na kaibigan ni Romano, sabay tawa nang mapang-asar, "I heard she’s a big time lady now." Tiningnan ko sila nang masama. Alam nila na ayaw ko sa kanila kaya nga iyon ang naging mitsa ng pagsira nila sa akin. Pilit kong pinatatag ang boses ko para hindi nila mapansin ang kaunting panginginig ng mga kamay ko. "What do you need?" Romano chuckled, crossing his arms over his chest. His posture only highlighted his broad shoulders and towering height. He leaned slightly forward, exposing the rough texture of his stubble under the chandelier lights, while his dark eyes scanned my face with disrespect. "Nothing much. We just wanted to congratulate you on your graduation... and of course, your upcoming marriage. The whole university is talking about it, you know?" "Yeah, everyone is so curious, Eliesse," dugtong pa ng isa niyang kasamahan na si Marcus, "We all saw the official announcement from the Castellano main branch. But let’s be real here. It’s funny how the video leaked, and then suddenly, you're getting married to a billionaire?” Tanga ba siya? Kamuntik malaglag ang mga panga ko? Akala ba niya ay gawa-gawa ko lang ang kasal na iyon? Hindi ba siya naniniwala na engaged ako sa ama niya? "Don't flatter yourself, Eliesse," Romano sneered, his voice waa a harsh whisper that only our table could hear, "We all know the truth. You found yourself an old, wealthy sugar daddy just to save your family's precious legal reputation and using the Castellano? Come on. If ever my father found out, you’d be dead. Normal na tao ba ang papatol sa isang babaeng kumalat na ang dumi sa internet? No. You probably begged some old man in the syndicate to lock you in a contract marriage so people would stop laughing at you." Ang kawalan ng respeto sa bawat salita niya ay parang kutsilyo na sumaksak sa dibdib ko, pero ang galit sa loob ko ay mas matindi pa kaysa sa kahihiyang naramdaman ko noon at sa panghahamak niya ngayon. Akala pa rin nila ay ako qng mahinang babae na iiyak at magmamakaawa sa kanila. Kahit ganito siya kagwapo at kaakit-akit tingnan, alam ko kung gaano kaitim ang budhi niya. Hindi nila alam na ang tinatawag nilang matandang mayaman ay mas higit pa kay Romano kaysa sa inaakala niya. Alam ng buong unibersidad ang pangalang Zavier Castellano bilang isang makapangyarihang tycoon, pero sobrang layo ng relasyon ni Romano sa sarili niyang ama kaya hindi man lang sumagi sa isip niya na ang mismong tatay na kinatatakutan niya ang naglabas ng anunsyong iyon para parusahan siya, at hindi imbento ko lang. "You don't know anything, Romano," malamig kong sabi habang dahan-dahang tumatayo mula sa upuan ko, hawak ang maliit na clutch bag. "Oh, really? Then enlighten us, Eliesse," Romano challenged, stepping closer to block my path, "Tell us who this rich old man is. Is he seventy? Eighty? Does he even look at you like a woman, or does he just treat you like an expensive piece of decoration to clean his dirty money?" "Stop it, Romano," I said, my voice firm and sharp, "I have nothing to say to you or your friends. Get out of my way." "Wow, she’s got a spine now," Chad mocked, laughing along with the others, "Fiancée privileges, I guess." Romano grinned, his perfect white teeth contrasting with the dark stubble around his lips, but his eyes were filled with malice, "You think that title protects you from me, Eliesse? Whoever that old man is, he’s not here tonight. You're still in my territory. If I want to make your life a living hell again, I can easily do it." Hindi ko na sila sinagot. Naglakad na lang ako papaalis. Iniiwasan ko ang gulo dahil alam kong kapag gumawa ako ng eksena rito, maaapektuhan ang kasunduang pinirmahan ko kay Atty. Marcelo. Mabilis ko silang nilagpasan at binangga ang balikat ni Marcus na nakaharang sa gilid ko. Narinig ko pa ang tawanan ng grupo sa likod ko habang mabilis akong naglalakad papunta sa labas ng malaking ballroom. Malalaki ang bawat hakbang ko sa malawak at mahabang hallway ng hotel. Ang sahig na may makapal na karpet ay nagpatahimik sa tunog ng mga takong ng sapatos. Gusto ko na lang talagang umalis dito. Gusto ko nang bumalik sa kotse kung nasaan ang mga security na naghatid sa akin pero bago ko pa man marating ang dulo ng hallway kung nasaan ang mga elevator, narinig ko ang mabibilis na yabag ng sapatos sa likod ko. "Eliesse! Wait up!" Hinarangan ako ni Romano sa gitna ng walang taong hallway. Huminto ako at pilit na lumingon sa kabilang direksyon, pero mabilis niyang hinawakan ang aking kaliwang braso nang napakahigpit. Ang higpit ng hawak niya ay masakit, at bumaon ang mga daliri niya sa balat ko. "Let go of me, Romano!" I hissed, sinusubukan kong bawiin ang braso ko, pero lalo lang niyang hinaklit ito. "We’re not done talking, Eliesse," sabi ni Romano, habang magkasalubong ang mga kilay niya sa inis, "You don't just walk away from me like I'm nobody. Sino ba sa tingin mo ang protector mo ngayon? You think because some old businessman threw money at your parents, you're suddenly untouchable? Well, baka nakakalimutan mo kung sino ang mga Castellano, totoo ha hindi ang fake na Castellano mo.” "I said let go!" Pilit kong itinulak ang dibdib niya gamit ang isa kong kamay, pero mas malakas siya sa akin. "Listen to me," Romano growled, lumapit pa siya lalo sa mukha ko at amoy alak ang hininga niya, "You think you can escape what happened? That video is still in everyone’s minds. You're just a high-end mistress playing as a fiancée. The moment your old man gets tired of your body, you're going back to the dirt where you belong. At kapag nangyari 'yon, sisiguraduhin kong wala nang pamilyang tatanggap sa'yo. Hindi na rin kita gugustuhin.” Nangangatog ako sa galit habang nakatingin sa kanyang mga mata. "You are disgusting, Romano. Mas lalong hindi ako magkakagusto sa iyo kahit na bangkay na ako. You and your whole family are nothing but criminals who think you can own people." Natawa si Romano nang mapait. "Criminals? Yeah, maybe. But we run this city. At kahit sino pa ang takbuhan mo, walang makakapagligtas sa'yo sa oras na maisipan kong tapusin ang laro natin." Bago pa man siya makapagsalita ulit, o bago ko pa man siya magawang sipain para makawala ako, isang malalim at baritonong boses ang biglang umalingawngaw mula sa dulo ng hallway. "Is that how I raised you to treat a lady, Romano?" Ang boses na iyon ay hindi malakas, pero ang bawat salita ay may dalang kakaibang awtoridad na nagpatigil maging sa hangin sa paligid namin. Ang boses na iyon ay parang isang kidlat na nagpabitaw kay Romano sa braso ko. Agad na nawala ang yabang sa mukha ni Romano, at nanlaki ang mga mata niya sa matinding gulat at takot. Dahan-dahan siyang lumingon, habang ang buong katawan niya ay tila naging tuod sa pwesto niya. Mula sa anino ng hallway, isang matangkad at malapad na pigura ng isang lalaki ang dahan-dahang naglakad papalapit sa amin. He was wearing a flawless, custom-tailored charcoal suit na saktong-sakto sa maganda niyang pangangatawan. Ang kanyang itim na buhok ay maayos na naka-slick back, at ang kanyang mukha ay napakalamig pero bakas ang isang mapanganib na anyo. Ang kanyang madidilim na mata ay nakatitig nang diretso kay Romano, na parang isang leon na nakatingin sa isang maysakit na tuta. It was no other than him, Zavier Castellano. He was back. Matagal siyang nawala sa bansa, pero heto siya ngayon, nakatayo sa harap namin, dala ang parehong awtoridad na nagpabagsak sa tapang ng mga magulang ko isang buwan na ang nakalipas. "D-Dad..." Romano stammered, nanginginig at pumiyok pa ang boses niya habang namumutla ang kanyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD