He's gotta have a weakness because everybody's got a weakness.
~Hades
And in Orpheus situation, Eurydice is his weakness.
. . .
Nakaraos din kami sa wakas sa aming pagtatanghal. Pumunta na ako sa likod ng kurtina kung saan naroon ang aking mga kasamahan. Tiyak akong masaya sila sa aming ginawang performance.
Nagulat ako ng bigla akong salubungin ng yakap ni Christian. Muntik na akong hindi makahinga sa higpit ng pagkakayakap niya.
"Kalma Christian baka naman ma tegi si Heiley," dinig kong wika ni Zelia. Nakita ko sa tabi niya si Nicole na busy sa pagliligpit.
"T-teka, Yabang h-hindi ako makahinga," impit na sabi ko.
Agad naman niyang kinalas ang kanyang pagkakayakap at hinawakan na lamang niya ang aking mga balikat. Nababaliw na naman siguro 'to.
Ramdam ko ang init ng kanyang mga kamay na dumadampi sa aking balat na nagbigay sa akin ng ilang boltaheng kuryente papunta sa aking puso.
Tinitingan niya ako sa aking mga mata, tila sinusuri niya akong mabuti. Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya. Anong akala niya? Hindi ako maapektuhan sa mga pagtitig niya. Hindi ako magpapatalo sa kaniya.
Pero sa totoo lang ay kanina pa nanginginig ang aking mga tuhod sa kaba.
Ngayon ko lang napansin ang mga mata niyang kulay kape na tila nanghihigop, na kung sino man ang mapapatitig dito ay para kang nahipnotismo. Gaya ng nangyayari sa akin ngayon.
Napababa ang aking tingin sa kanyang matangos na ilong. Pababa sa kanyang mapulang labi. Ang mga labing iyon na ang sarap halikan.
Nahalikan ka na nga niya diba. Teka wait tama ba 'tong iniisip ko? Nahahawa na din ata ako sa kabaliwan ng lalaking ito.
"You're so cute. Sabi naman sayo eh gwapo ako," he confidently said and he raked his fingers through his hair and then he wink.
"What the heck are you saying? Gwapo ka ba? Hindi ko makita kung nasaan," sabi ko na lang sa kaniya.
Bigla niya naman akong inakbayan na parang sinasakal sabay pisil sa aking ilong.
What the hell! Pag nagdugo ilong ko lagot siya sa akin. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya pero mas malakas siya sa akin at lalo lang humihigpit ang paghawak niya. Wala na akong magawa kundi makipag harutan dito sa mokong na 'to.
"Ehem." Napatigil kami sa aming ginagawa sa tikhim na aming nadinig.
Nakita ko si Adrian na nakatayo na sa harap namin. Inilibot ko naman ang aking paningin sa buong silid.
Lahat ng classmates namin ay nakatingin sa aming dalawa ni Yabang. Ang iba ay nakangisi pa at parang nanunukso.
Napatingin ulit ako kay Adrian at kita kong mariin niyang hawak ang kurtina. Omg! Ibig sabihin all this time napapanood nila kami. How numb I was na hindi ko ito naramdaman. Oh girl ang harot mo naman kasi.
Napatayo ako ng tuwid at napabitaw nadin sa akin si Christian. Namumula na ako sa kahihiyan. Lupa lamunin mo na ko, ako lang ahh wag mong isama si Yabang. Eto naman kasing Yabang na 'to ang harot harot.
"Ok class. Go back to your seats now."
Dali dali naman akong naglakad papunta sa aking upuan. I cover my face with my hand. Jeez. Nakakahiya talaga.
Pag-angat ko ng aking ulo ay nagtama ang paningin namin ni Ian. Naka-upo na rin siya. Siguro ay pinagtatawanan na niya ako sa kanyang isipanat kung ano ano na ang sinasabi sa akin. Damn this life!
Ako na ang unang nag iwas ng tingin.
"You all did great performance. So, I will give all of you a high grades. Tomorrow we will start our new lesson. See you then. Enjoy the rest of your day. Good bye Class." Pagkalabas pa lang ng aming teacher ay nag-ingay ulit ang buong klase.
I rested my chin on my palm and look at them with a poker face. Hindi ko na lang pinansin ang pang-iinis nila sa akin.
Sinulyapan ko saglit si Christian na ngayon ay kasalukuyang nakadukdok sa kanyang arm rest. Nakatulog pa ata ang mokong.
"Psst. Ley. Are you okay?" tanong sa akin ni Zelia. Tumango na lang ako sa kanya bilang pagtugon sa kaniyang katanungan.
"OMO Guys!!! Mamaya libre ko kayo. Lahat ng gusto niyo ibibigay ko," masayang masayang sambit sa amin ni Raine. Mukhang good mood ngayon si Ulan ahh ano kaya ang nangyari?
"Ikaw ba iyan Ulan? Himala manlilibre ka ata ngayon. Anong espiritu ang sumapi sa kaibigan natin?" Tanong sa kaniya ni Zelia.
"Acccccckkkkkkkkkkkk!!! Eh kasi naman mga sis. Ay mamaya ko na nga lang sabihin para mabitin kayo," excited niyang sabi.
Akmang hihilahin na sana ni Zelia ang buhok ni Raine ng dumating na ang aming teacher. Napaayos na siya ng upo. Ganun din si Raine na pasimpleng humahagikgik.
Tiningnan ko naman si Christian at nakita kong nakadukdok pa rin ito. Nakatulog na ata ng tuluyan. Mapag tripan nga. Makaganti man lang ako.
Kinurot ko siya sa kanyang tagiliran. Ewan ko na lang kung hindi pa siya magising nito.
Natawa naman ako ng muntik na siyang mahulog sa kanyang upuan.
"Aray!!" Gulat niyang sabi. Napatingin siya sa akin at maya maya ay nginisian ako.
"Ano ka ba naman luvs bakit mo naman kinurot ang cute mong baby," nakangiti niyang wika.
Ano daw!? Kailan ko pa siya naging baby at bakit luvs tawag niya sa akin.
"Ayieeeeeeeee! Sabi na nga ba eh sila na."
"UwU papi Christian sweet niyo."
"Sana all baby."
"Bagay kayo!"
Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso. Tila gusto nitong lumabas mula sa loob.
Kalma heart. Kalma lang. Wag kang lalabas. Jusme sabi ko ako ang mantitrip dito kay yabang eh. Bakit bumaliktad ang lahat at ako ang naisahan? Dapat pala ay hindi ko na lang siya kinurot.
"B-baby ka jan. B-bigyan pa kita ng tsupon diyan eh. Ano ka ba baby damulag!? Saka tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng luvs. Kilabutan ka nga," iritado kong sambit.
Humalakhak siya ng napakalakas. Tumigil siya sa pagtawa saka lumapit sa akin. Ang kaniyang bibig ay nasa tapat na ng aking tainga.
"Huwag kasi padalos dalos sa ginagawa mo love. Peace tayo," bulong niya sa akin. Bumalik na siya sa kanyang puwesto at nakinig na sa aming professor.
"Psst girl. Tingnan mo si Ian," bulong sa akin ni Raine.
Tiningnan ko ang gawi niya at nakita ko siyang nag-iigting ang panga. I saw his hands tigthened into fists. Our eyes met and he looked away immediately. I don't know what I feel anymore.
I don't think people will understand how stressful it is to explain what's going on in my head when I don't even understand myself.
"Ok tapos na ba kayo? Pwede na kong magklase? Nakakahiya naman sa inyo eh noh," naiinis na sabi ng aming guro.
Siya si Ma'am Joy Velasco, pero hindi tugma ang pangalan niya sa ugali niya. Tumandang dalaga kasi kaya bitter sa buhay.
"Ang bitter mo naman Ma'am," biglang sabi ng isa kong kaklase.
Pinipigilan naman ng iba ang matawa. Habang si Ma'am ay nagpipigil ng inis. Yare ka boi.
Hindi na ako naka pakinig ng maayos dahil ginugulo ng dalawang lalaki na ito ang pag-iisip ko. Mababaliw na ata ako. Arrrgghh. Sinabunutan ko ang sarili ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
Bakit ganun na lang ang reaksyon ni Adrian tuwing magkasama kami ni Christian? Nagseselos ba siya? Hindi pwede kasi may Nathalie na siya at tapos na ang lahat sa amin. At bakit naman ganun makitungo sa akin si Christian? Aissshhh ang gulo nila.
"Are you ok Ms. Erivans?" tanong sa akin ng aking guro. Napatayo naman ako bigla dahil sa kaba.
"Yes Ma'am."
"Good. Ok saan na nga ba tayo nahinto?" Nakahinga naman ako ng maluwag.
Akala ko ay magtatanong pa siya tungkol sa tinuturo niya. Kung nagkataon ay mapapahiya na naman ako. Hindi pa naman ako nakikinig sa kanya. Baka mapagalitan pa ako dahil lutang ako sa klase niya. Nakaka ilang beses na rin akong napahiya. Ayoko ng madagdagan pa. Haissssstt.
Nakinig na lamang ako sa pinagsasasabi ng teacher namin sa harap. Pinilit kong makinig kahit na wala sa wisyo ang aking utak. Feeling ko sasabog na ito kakaisip.
~Lunch break~
Inalis ko muna sa aking isipan ang dalawang lalaki na iyon. Mag eenjoy na muna ako kasama ang mga kaibigan ko. Bakit parang miss na miss ko sila kahit na magkakasama naman kami nitong mga nakaraang araw?
Siguro naging busy lang ako. What? Busy saan? Sinong niloloko ko.
Nandito na kami ngayon sa canteen. At dahil libre ni Raine ngayon ay lulubusin ko na.
"Girl dba sabi mo ibibigay mo lahat?" tanong ko sa kaniya.
"Oo naman sis ibibigay ko ang lahat ng gusto niyo. So, anong order niyo." Ano kayang nakain nitong babae na 'to.
"Sige game. Kaso diet nga pala ako ngayon. Kaya large fries at burger na lang muna ako. Samahan mo na rin ng C2. Thanks," sabi ni Zelia habang hinihimas ang tiyan.
"Kailan mo pa naisipang mag diet sis? Uso pa ba yun?" tanong ko sa kaniya.
"Ngayon ko lang naisipan. Mind your own business Ley. Walang basagan ng trip," masungit na sabi niya. Kita mo 'tong babaeng 'to nagtatanong lang eh ang sungit sungit.
"Ikaw Ley. Anong order mo? Dalian mo para makakain na tayo," singit ni Ulan.
"Ahmm. Gusto ko rin ng fries yung large ahh gawin mo ng dalawa. Hmm ano pa ba? Footlong na rin samahan mo na ng ice cream. Cookies and cream flavor ahh. And C2 na lang din gaya ng kay Zelia," dire diretso kong sagot. Para naman siyang namamangha sa mga oorderin ko.
"Dami naman Sis. Mukhang mauubos pera ko ahh. Takaw mo," angal niya .
"Tumigil ka nga sa pag iinarte mo. Akala mo naman mauubusan siya ng pera. Yaman yaman mo eh," pang-iinis ni Zelia. Napailing iling na lang siyang umalis at nag order na.
"Ano kayang sasabihin sa atin nun? At naisipang manlibre," tanong sa akin ni Zelia.
"Hindi ko din alam eh. But I'm sure good news yun," sagot ko na lang. Hindi naman kasi ako manghuhula para malaman ang sasabihin niya. Tsk.
Maya maya lang ay bumalik na si Raine kasama ang mga order namin.
"Dito na lang kuya. Salamat," sabi niya dun sa may dala ng pagkain namin.
Naupo na siya at sinimulan na namin ang pag kain. Inuna ko ang favorite kong fries. Imbis na sa ketchup ako magsawsaw ay sa ice cream ko ito sinaok. Hmmm ang sarap sarap talaga. This is heaven.
"Oh ano na Ulan? Sabihin mo na ang dapat mong sabihin." Excited talaga si Zelia na malaman. Ako man ay nacucurious na.
"Sige teka. Ganito kasi yun. Hihihihihi." Tumigil muna siya at kumuha ng fries ko. Tinampal ko naman ang kamay niya. Meron naman siya eh kumukuha pa sa akin. Tsk.
"Ano na nga!?" Naiinis nang tanong ni Zelia.
" 'D ba si Arthur yung matagal ko ng crush. Wahhhh sis matagal nadin pala siyang may gusto sa akin," tuwang tuwang sambit niya.
"Omg talaga girl? Kelan umamin?" excited kong tanong.
"Noong Sabado. Habang nagpapractice kami. Bigla niya na lang akong tinawag. Tapos ayun nag kausap kaming dalawa. Wahhhh——" Tinakpan ko ang bibig niya dahil ang lakas niyang tumili.
"Wow. Edi good huwag ka lang niyang sasaktan kundi malilintikan sa akin 'yan," seryosong sabi ni Zelia.
Napangiti na lang ako sa kanila. Masaya ako para sa kaibigan ko. Si Zelia kaya kelan matatagpuan ang the one niya?
Ikaw nga sis eh hanggang ngayon umaasa paring balikan niya. Sabi ng isip ko.
"Hi girls." Biglang sulpot ni Yabang dala ang malaking tray na may laman ng maraming pagkain.
"Oh ikaw pala yan. Sumabay ka na sa amin kumain. Halika dito ka sa tabi ni Ley," paanyaya ni Raine.
"Salamat." Napatingin siya sa mga kinakain ko at napangiwi. Ano na naman problema nito?
"Ano ba yang kinakain mo. Junk foods. Baka magkasakit ka pa niyan eh. Baka magka UTI ka. Umasa. Tapos. Iniwan. Charot. Tawa ka naman diyan."
"Ha Ha Ha Ha. Pake mo?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ito oh vegetable salad. Ganyan dapat kinakain mo para healthy," sambit niya at nilagyan niya ako sa isang plato ng kaniyang pagkain.
"Saka para humaba ang buhay mong makasama ako," dagdag niya pa.
"Ayieeee kayong dalawa ahhh. Parang may something," panunukso sa amin ni Raine.
"Ayaw ko niyan, busog na ako," naiinis kong sabi sa kanya.
"Kung ayaw mong busugin kita ng pagkain. Edi." Huminto siya saglit at humarap sa akin.
"Bubusugin na lang kita ng pagmamahal."