Adrian's POV. "Anong gagawin mo pare? Paano mo papatunayan na siya nga si Heiley?" Tanong sa akin ni Arthur. "Kukuha tayo ng DNA test para malaman natin kung totoo nga ang hinala ko. Pare, biruin mo, alam niya na binili ko ang manika para kay Heiley dahil wala kaming nakuha sa claw machine. Tapos, may nakikita rin daw siya na mga senaryo na hindi niya maipaliwanag dahil malabo ang mga mukha ng tao. Malakas ang kutob ko na siya si Heiley," sagot ko sa kaniya. Yun lang ang tanging paraan para mapatunayan na siya nga si Heiley. "Pero papayag ba siya?" "Sa tingin ko ay gusto niya rin malaman ang katotohanan. Maging siya ay naguguluhan na sa mga nangyayari," saad ko sa kaniya. "Pero paano kung hindi talaga siya si Heiley? Ano ang gagawin mo?" "Hindi ko na muna iniisip iyon. Kailangan m

