Adrian's POV. "Seryoso ka ba pare? Baka naman nanaginip ka lang? Imposible naman na mangyari ang sinasabi mo." Hindi makapaniwalang sambit ni Arthur. Naikuwento ko kasi sa kaniya na nakita ko si Heiley na buhay, pero ayaw maniwala ng loko. Akala niya siguro ay nababaliw na ako. "Oo nga pare, kitang-kita ko sa dalawang mata ko. Malakas ang kutob ko na siya si Heiley." "Pero pare, alam naman natin na matagal na siyang wala. Baka kamukha lang talaga niya yung babae," sambit niya. "Sa maniwala ka man o sa hindi, siya si Heiley. I-iba lang ang pangalan niya pero ramdam ng puso ko na siya iyon," seryoso kong saad. "Hindi ko alam sa iyo pare. Baka kulang ka lang sa tulog. Itulog mo na lang iyan para matigil na iyang pinagsasasabi mo," utos niya sa akin at uminom ng alak na hawak niya. "Aya

