Heiley's POV. Pagpasok ko sa loob ng aming bahay ay napa-awang ang aking labi dahil hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyon kong sabi. "Ley let me explain." Kita ko sa mata niya ang lungkot pero ayaw ko munang magpa-apekto sa mga titig niya. "At ano sa tingin mo ang gusto kong marinig mula sa iyo?" Diretso kong sabi. "Ley naman, kahit saglit lang pakinggan mo naman ako," pagmamaka-awa niya. "Nakinig ka ba sa akin noong mga oras na tinatanong ko sa iyo ang dahilan kung bakit ayaw mo na?" Pinilit kong hindi mabasag ang aking tinig at diretsong tumitig sa kaniya. "L-ley, kahit sandali lang. Ayusin naman natin ito." Nakita ko na may tumakas na luha sa kaniyang mga mata, nag-iwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib at ano

