Dumating na ang araw na pinakahihintay naming lahat. Ang paghakbang sa panibagong yugto ng aming mga buhay. Ito na ang panibagong simula para sa bagong landas na aming babagtasin. "Heiley anak, we're so proud of you. Are you ready for today? Ang ganda ganda naman talaga ng anak ko oh. Manang mana sa akin," nakangiting sambit ng aking ina. "Siyempre naman po mom. Si dad nga po pala?" Tanong ko. "Nasa kuwarto pa ang daddy mo. Nagbibihis pa. Kailangan daw pogi siya kapag aakyat na siya ng stage kasama ka. Alam mo anak, kitang-kita ko ang pagbabago ng daddy Albert mo. Natutuwa ako dahil maayos na ang pamilya natin," naiiyak niyang sabi. Wala pa man din kami sa university ay nag-iiyakan na kaming dalawa. Masisira ang make-up ko. "Mom naman, reserba mo muna ang luha mo. Sige ka, baka mama

