Chapter 5: Flute

2003 Words
New day, new encounter na naman. Kung napapaisip kayo kung nagusap ba kami ni Ashley kagabi ay ang masasabi ko lang ay hindi. Hindi kami nagpansinan pauwi hanggang dito sa bahay. Ni isa sa amin walang lumabas ng kuwarto. Hindi namin sinabukan na mag-open up. Oo, sabi ko sa sarili ko na maguusap kami paguwi pero mahirap palang gawin dahil nakikita ko pa lang ang mukha niya ay nagagalit na ako. Ngayon nga ay nawawalan ako nang gana pumasok pero dahil kailangan talaga at last warning na namin, wala akong magawa kun'di ang pumasok Maaga kaming pumasok ni Ashley kahit na 'di kami nagpapansinan para iwas traffic din at iwas late. Maaga pa naman at kaunting estudyante pa lang ang dito sa school. Pagdating namin sa classroom agad bumungad samin ang di baba sa 7 tao sa room. "Naks aga na nila pumasok ah!" Phyllis "Naman, hirap nang mapatalsik dito." Pansin 'kong wala pa si khyza kaya wala akong makakausap ngayon. I feel guilty din naman pero sana siya ang mag-adjust kung gusto niyang ayusin 'yong away. "Yen." Inangat ko ang aking ulo na nakapatong sa aking desk table. Wow, narinig niya ba ang inisip ko? "What?" Syempre dhai, dapat may kaonting inis at tampo tayo sa boses baka isipin niya na wala lang sa akin ang nangyari kahapon. "I'm sorry. I didn't mean to yell at you. I was paranoid that time kaya hindi ko namalayan na sumisigaw na pala ako." "Paranoid? And yes, you were shouting at me. Ano ba ang nangyayari sa'yo? Mag mula no'ng bumalik ka galing sa banyo nagkakaganiyan ka na." "I know but I can't tell you. This is not about you. Nadala lang ako sa emosyon kaya pati ikaw napagbuntungan ko ng galit. Kaya nga nagso-sorry ako 'di ba?" "Hindi talaga kita naiintindihan Ashley. Andito naman ako, you can always tell me your problem dahil wala ka ng aasahan pa dito kun'di ako lang." I hate how she exclude me when it comes to her problem. Ayaw niyang mag-open up at ayaw niyang tinutulungan. Hindi niya alam na naaapektuhan din ako sa mga ginagawa niya. "I'm sorry. Hindi na mauulit 'yon." Bumuntong hininga na lamang ako at wala nang nagawa kundi ang tumango. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ganiyan siya eh, kahit ilang taon na kaming magkasama never talaga siyang nage-express ng saloobin. "Ok na tayo?" mahina nitong tanong. "Ano pa nga ba ang magagawa ko?" Ngumiti ako sa kaniya saka nilapitan at niyakap. "Sorry na talaga. Hindi na mauulit pa iyon, I swear." "Oo na nga. Okay na tayo kahit nagtatampo parin ako dahil ayaw mong ikwento sa akin kung ano ang dahilan." patampo kong wika. "Nothing personal naman 'yon at ano ka ba. Kaya ko 'yon 'no." "Oo na po. Libre mo ako ah. Nakakatampo ka parin." "Diyan ka magaling." Nagtawanan na lang kaming dalawa. Nakakatuwa rin paminsan-minsan na kahit gaano man ka lalim ang pinagaawayan namin ni Ashley ay never talagang tumagal ang tampuhan. Though, sabi nila if you want to have a long lasting relationship to someone eh wag 'nyo nang patagalin pa ang away dahil mas lalo lang lala at baka mauwi sa samaan ng loob hanggang sa mawalan na kayo ng gana sa isa't isa "Nakakawalang ganang pumasok ngayon," reklamo ko. "Kung kailan na last warning na tayo, ngayon ka pa nawalan ng gana?" "Eh sa ganito pakiramdam ko eh. Masisisi mo ba ako?" 'Di na siya sumagot pa dahil abala ito sa kaniyang selpon. Totoo nawawalan ako ng gana ngayon, di ko alam kung bakit pero..ughh!! Tumayo ako sa aking kinauupuan na ikinagulat naman ni Ashley. Bahala na si batman. Wala pa namang mga estudyante sa building at anong oras pa lang. "Uy! saan ka pupunta dhai!" Ash Rinig 'kong sigaw ni Ash sa akin. Dumiretso lang ako ng pintuan na para bang binge dahil 'di ko siya nilingon. Kailangan ko ng hangin ngayon! "Yen! San ka pupunta! May klase tayo!" Kita mo 'tong babaeng 'to, hinabol pa talaga ako dito sa hallway. Hinarap ko siya na nakapamewang. "Pupunta ng rooftop. Babalik din naman ako agad. I just need some air, Ash. Five minutes at babalik ako." 'Di ko na siya hinintay na sumagot pa at tumalikod na ako at nagsimula nang lumakad papuntang rooftop. 'Di naman talaga rooftop ang pupuntahan ko eh. Iyon lang kase ang unang salita na pumasok sa isip ko. Pero dahil nasabi ko na, doon nalang ako pupunta. Pagdating ko ng rooftop walang katao-tao, mas maganda na to para walang istorbo. Nakangiti naman ako habang lumalapit ng railings kasi sa mga libro o movie na nakikita ko, rooftop ang isa sa mga lugar sa paaralan na palaging tambayan mg mga tamad na estudyante. Bumalik ako sa puwesto ko kahapon at nagpahangin habang tanaw ang light house ng village mula rito sa school. Iniisip ko kung paano ako napadpad sa lugar na 'to,na kung ano ang rason kung bakit andito ako tinapon ng mga magulang ko. Iniisip ko rin kung bakit nakakapanghinala ang kilos ni ash kahapon na para bang may iniiwasan kami. Ang daming tanong sa isip ko na gusto 'kong masagot, na gusto 'kong malaman ang lahat bago ako mawalan ng ulirat kakaisip sa mga sagot. Nasa gitna ako ng aking pagiisip nang may bigla akong narinig na isang munting tunog ng flute. Napahinto ako sa paghinga ng ilang segundo nang marinig ko ang isang tunog na parang pamilyar sa akin pero 'di ko matukoy o maalala kung saan ko ito narinig. Nagtataka man kung sino ang tumutugtog ay nagawa ko paring makinig. Habang nakapikit ang aking mga mata ay 'di ko namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha. Hinayaan ko lamang itong umagos sa pisnge ko habang dinadama ang tugtog. "Please,'wag kang tumigil. Gusto 'kong malaman kung saan kita narinig" Pagmamakaawa ko sa kung sino man ang nasa kabilang side ng rooftop. 'Di ko alam pero ang lakas ng impact niya sa akin na kung bakit napaiyak niya ako. Pilit kong inaalala ang tunog pero walang lumalabas sa isipan ko. Basta ang alam ko lang ay narinig ko na ito dati. Ilang minuto na ang lumipas at patuloy pa rin ang pagtugtog nito, ngunit ngayon ay parang palapit na nang palapit sa akin ang tunog. Bigla akong nagulat nang may dumampi sa aking pisnge na isang malambot na bagay at dahan-dahang gumagalaw na para bang pinupunasan ang aking mga luha. "Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Ang luha 'di dapat pinapatagal sa mukha dahil mas lalo kalang maiiyak at masasaktan." Nagulat ako bigla sa aking narinig. Isang boses, isang pamilyar na boses at ang puso ko, ang bilis ng pagkatibok. Pagmulat ko ng aking mga mata, isang mukha na nakangiti agad ang bumungad sa akin, 'yan na naman ang mga matang 'yan pumapasok na naman sa isip ko kung saan ko 'to nakita. "Hi." Imbes na sumagot ako ng 'hello', tumayo ako at walang alinlangang niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko iyon pero para bang sinasabi ng utak ko na yakapin mo siya. Mas lalo akong naiyak, 'di ko alam pero sa mga oras na to gusto ko siyang mayakap at sa mga oras na to isang tanong na naman ang pumasok sa isip ko. Bakit nagkakaganito ako? Iyak lang ako ng iyak at iniisip kung naging parte ba siya ng buhay ko. Nagulat naman siya sa aking inasta. "Ok ka lang? May nangyari ba? Umiiyak ka na naman.Halika nga dito." Humiwalay siya sa yakap ko at pinunasan na naman ang aking mga luha. Tinignan ko lang siya habang ginagawa iyon. Grabe ka Yen, noong isang araw inaaway mo siya ngayon niyayakap na para bang wala kang ginawang kabalastugan sa kaniya. "Uyy nakikinig ka ba? 'Bat ka umiiyak? Ok ka lang ba?" Nakikita ko sa mga mata niya ang pagaalala. Umiwas ako ng tingin sabay yuko. Jusko Yen, nakakahiya ka! "Silemt treatment after what I did back there? Nangalay kaya ngala-ngala ko at mga daliri kakatugtug ng flute dahil sabi mo 'wag ako tumigil." "Hindi ko naman alam na ikaw 'yon. Kung alam ko lang edi sana umalis na lang ako," maang-maangan ko. Hala dhai, ang bilis nang t***k ng puso ko. 'Di mo naman kasalanan e. Sadyang naguguluhan lang talaga ako kung bakit ang laki ng impact ng tunog na 'yon sakin. "Hindi ko talaga ma-gets ang takbo ng isip mo. Menopausal ka na ba ngayon?" biro nitong tanong. 'Di ko siya sinagot, umupo ako ulit ng bench at tumanaw sa malayo. Ano ba ang nangyayari sa akin? "Is it about the song? You remember something about that song, Am I right?" Without hesitation I nod at him as my answer without looking at him. "Oo, pero 'di ko matukoy kung kailan ko narinig 'yon. Sadyang nakuha lang talaga niya ang atensyon ko. Sorry kung nagdrama ako." I dont know what's with me. Kung bakit nararamdaman ko 'to sa isang tao na 'di ko naman kilala at ngayon ko lang nakita. "Gumising ako isang araw na kinakanta na pinapatugtug ko siya sa flute. I don't why pero na lss ako sa kantang 'yan kahit 'di ko pa naman narinig," amin nito. Tahimik lng kaming dalawan sa rooftop. Ninanamnam ang hangin. Tinignan ko ang relo ko at malapit na mag-bell na hudyat na ng klase. "Shoichi. My name is Shoichi." Dumapo ang mga mata ko sa kaniya, nakatingin ito sa light house. He looks familiar. "Btw, anong meron sa yakap na 'yon kanina? Bat mo ko niyakap?" Ang aso!nangaasar na naman siya! Nahiya na nga ako kanina sa pagiyak at pagyakap e! "Daldal mo, tumahimik ka nga jan," palusot ko. "Sus palusot ka e. Miss mo ako 'no? bumabawi ka sa ginawa mo sa'kin kahapon! Bad 'yong nagmumura ha! 'wag mo nang ulitin 'yon." So siya 'yong nanghila sa akin? "Kasalanan ko ba kung nanghihila ka bigla. Sorry, naiinis lang kasi ako that time. 'Wag ka kasi manghila ng braso! Napagkakamalan kang rapist." Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya natawa narin ako. "Hinanap kita kahapon," pagsisimula niya ng usapan. Astig din 'to pumili ng topic e. "Ikaw yata ang naka-miss sa'kin e. "Oo na miss kita. Ikaw ba? 'Di mo ba ako na miss? Sa guwapo 'kong 'to?" Jusko dhai! Eto na naman siya! Sasagot na sana ako nang biglang tumunog ang bell. Thank god, you save me from cursing this person. "Huwag ka nang pumasok. Friday naman ngayon." Napataas ang aking kilay nang sabihin niya iyon. "Ano ka, sinuswerte. 'Di ko ugaling mag-skip 'no." Narinig ko namang tumawa siya. "Hindi ka namam mabiro. Siguro top 1 ka sa klase ninyo." "Hindi ka sure. Bahala ka na nga diyan. Kung gusto mongag-skip wala akong paki. Huwag mo lang ako idamay sa kalokohan mo." Tumayo na ako tiyaka lumakad palayo sa kaniya. Rinig ko namang tumayo siya at sumunod sa akin. Marami narin kaming nakasabay na mga estudyante sa hallway. Ang iba ay nagmamadali at tumatakbo. Kami naman ng lalaking 'to ay chill lang kung lumakad. Chill now, guidance later. "Pa'no ba 'yan, mauna na ako sa'yo Miss iyakin. 'Wag mo 'kong isipin ha! Baka 'di ka makapag-consentrate sa klase n'yo." Ang kapal ng mukha ng gag*, ano akala niya sa mukha niya? Si Apollo o Daniel Padilla para isipin ko siya? Oo, baka nga iisipin ko siya na pinapatay. Tuluyan na siyang tumalikod at lumakad papalayo. Aytss sayang naman sana pala inagahan ko ang pagpunta ko sa rooftop kanina. Kahit maiksi lang ang usapan namin naging magaan naman ang loob ko sa kaniya. Tapos, hala mga dhai! Nagkakaroon na ako ng gana pumasok. Omg! Don't tell me siya lang ang nakapagbibigay ng sigla sa'kin?! Whaaaa! Cheka, ano siya, suwerte? Siya nga ang dahilan ng mga past karma ko this few days eh. Nagmadali na ako sa paglakad papuntang room dahil ako nalang magisa na naglalakad sa hallway. Baka makasalubong ko pa adviser namin, yari ako. Pagdating ko ng classroom ay marami na ang mga nagsidatingan na mga kaklase ko. Nakita ko na rin si Khysza na kachika si Ashley. Thanks to khysza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD