Chapter 52 Lunes ng umaga, katatapos lang ni Rose mag-jogging kaya napagpasyahan niyang umuwi na sa mansiyon ng mga Monteero. Dumaan muna siya sa bakeshop para bumili ng cake. Birthday ngayon ni Raine at isa sa kinaugalian nilang mag-iina ang paghipan ng cake sa tuwing kaarawan ng ama ng kambal. Matapos bumili ng cake ay inarangkada niya ang motorsiklo pauwi. Mag-aalas siyete na nang umaga at nakatitiyak siya na gising na ang kambal. Umalis siya kanina habang tulog pa ang lahat dahil gusto niyang mag-isip kung ano ang nararapat niyang gawin. Kahit anong pakiusap niya sa mga Monteero ay ayaw sabihin ng mga ito kung sino ang tunay niyang ina. Ayaw naman niyang i-blackmail ang mga ito dahil nahihiya siya. Mga magulang sila ni Raine at maayos silang tinanggap na mag-iina sa mansiyon. Wala

