“T-TEKA!” pigil nito sa kanya. “Kung mahal mo ako, bakit mo kailangang mag-move on? At bakit mo ako kakalimutan?”
“Eh, kasi nga, may girlfriend ka na!” Badtrip `to, ah? Paulit-ulit? “Kaya kailangang kalimutan na kita kasi kawawa naman ako kung patuloy kitang mamahalin.”
Namewang ito. “First and foremost, wala akong girlfriend. Sino namang nagpasok ng ideyang `yon sa kukote mo?”
“Sino pa? Edi ikaw!” nakangusong sagot niya. “Remember sa grocery store at nang pumunta tayo sa Akira’s Kitchen? Sinabi mong may girlfriend ka na. Tapos nakita ko pa kayong naghahalikan sa Coffee Corner.”
“Nakita mo kami ni Sharbet sa Coffee Corner?”
“Ay, hindi!” sarkastikong sagot niya. “Nasa public place kasi kayo kaya malamang may tsansa na makita kayo ng ibang tao.”
“I didn’t kiss---”
“Yeah, you didn’t kiss her. She kissed you,” putol niya sa ano pa mang sasabihin nito. “Yeah, dude. Break it down.”
“Pwede bang tumahimik ka muna?” asar na sambit nito. Nang akmang sasagot pa siya ay tinakpan na nito ang bibig niya. “Mamaya ka na magsalita. Ako muna, okay?” nang tumango siya ay saka lang nito tinanggal ang kamay nitong nakatakip sa bibig niya. “Thank you,” nailang siya nang titigan siya nito. “Sharbet is not my girlfriend. Well, she was but at least, almost one year na kaming magkahiwalay. She came here to take me back beause she said that she still loves me but I refused. Alam mo kung bakit?” sasagot sana siya pero sinenyasan siya nitong manahimik muna siya. Adik talaga `tong lalaking `to. Ttanungin siya tapos kapag sasagot siya, tatakpan ang bibig niya. Kung hindi niya lang talaga ito mahal, kanina niya pa ito binigyan ng karate chop sa leeg. Pero nagbago ang isip niyang karatehin ang leeg nito nang marinig niya ang sumunod na mga sinabi nito.
“It was because I am in love with you, damn it! Hindi na ako pwedeng makipagbalikan sa kanya kasi ikaw na ang mahal ko ngayon, Shanela Arquiza! Kaya tigilan mo na `yang pauso mong kailangan mong mag-move on dahil ako na ang nagsasabing hindi mo na kailangan dahil hindi naman na talaga dapat. I love you, you love me. So let’s just forget that whole moving on thing. Okay?”
Nakamaang lang siya dito. Iwinasiwas nito ang palad nito sa mukha niya dahil natulala nalang siya dito. Anong magagawa niya? Eh, tuluyan na talagang tumigil sa pag-function ang utak niya. Isang bagay lang ang tumimo sa kinakalawang niyang utak, mahal din siya ni Rayleigh.
“Hoy, Shanela! Humihinga ka pa ba?” untag nito sa kanya.
“P-Pero… A-Anong? B-Bakit? P-Paano? K-Kailan?” she looked up and met his gaze. Oh, that beautiful eyes of his. Nakikita niya ang repleksyon niya sa mga mata nito at gusto na niyang maiyak nang makita niya ang pagmamahal sa mga mata nito.
“Remember the first time that we met in Coffee Corner?” tumango siya. “I had a crush on you back then.”
“Ows?”
“Oo nga.”
“Kung talagang may crush ka sa `kin `non, bakit mo ako ininsulto?”
Napakamot ito ng ulo. “I never intended to insult you. Nang makita kasi kitang iniinom `yung mapait mong kape, gusto kong matawa sa hitsura mo noon pero hindi ko magawa dahil baka sakalin mo ako. Ang cute-cute mo kasing tingnan kapag distorted ang mukha mo. Kaya nagkunot-noo nalang ako para kahit papaano ay mapigilan ko ang pagtawa ko. Pero napansin mo pa rin ako. Alam mo bang nang magtama ang mga mata natin ay gusto kitang ngitian? Kaso naunahan ako ng hiya kaya imbes na maging friendly ang labas ng pagtingin ko sa `yo, nagmukha pa akong nang-iinsulto.
“When I said that you’re distracting me, I mean it. Nagko-compose kasi ako ng kanta noon pero nang aksidenteng mapalingon ako sa direksyon mo habang seryosong-seryoso kang nakatingin sa netbook mo, mas inuna ko pa ang pagtitig sa `yo kesa ang pagsusulat ko ng kanta. Kahit hindi sabihin ng mga tao sa coffee shop, susundan talaga kita para humingi ng paumanhin sa `yo. But I had this nagging feeling inside me na kapag basta lang akong nag-sorry sa `yo, hindi na uli ako makakalapit pa sa `yo. So I suggested that deal para may rason akong pwedeng ibigay sa `yo sa tuwing gusto kitang makita.
“Nang ipa-date ka sa `kin ng mga kaibigan mo, God knows how much I wanted to say ‘yes’ pero inunahan nanaman ako ng pagiging duwag ko kaya ibinuyo ko pa si Ace sa `yo. I regretted it. Alam kong masama pero nang malaman kong hindi naging maayos ang date niyo ni Ace, I took advantage of the situation and invited you in my house. I like fussing over the things that concerns you. Gusto kong pakainin ka ng pakainin nang malaman ko na hindi ka daw kumakain ng maayos sabi ni Ree. Ang agenda ko lang sana `non, eh, pakainin ka. But you were so beautiful that night that a voice inside me told me to sing a song for you. Gusto ko kasing magpa-impress sa `yo.”
“And you succeeded,” nakangiting dugtong niya dito. “You really impressed me and the moment you smiled to me, kahit indenial pa ako noon, alam ko ng nagkaroon ka na ng espesyal na parte sa puso ko.”
“Really?”
“Yeah. Kaya nga nang sabihin mong may girlfriend ka na nang pumunta tayo sa grocery store ni Ella, sobra talaga akong na-disappoint. At noon ko rin na-realize na mahal na nga kita. Pero dahil nga akala ko, eh, bigo ako, tumakas ako at umuwi sa bahay namin. Duwag pa rin kasi ako noong mga panahong iyon.”
“You don’t know how much I missed you during those times. Kaya imbes na ang mga kino-compose kong kanta ang pagtuonan ko ng pansin, I always end up in front of your house. Kaya imbes na tumunganga lang ako doon, naisipan kong ayusin nalang ang garden mo. Para kapag nasawa ka na sa apat na sulok ng kwarto mo, pwede kang tumambay sa likod bahay.”
“At ang ganda-ganda na ng garden ko, thanks to you,” nakangiting sambit niya.
“You’re welcome. Basta ikaw, nanginginig pa,” he chuckled. Ahhh… His chuckle was like music to her ears! “Anyway, nang manalo ako kay Ace sa basketball at nayaya kitang mag-date noong birthday ko, that was the best thing that ever happened to me,” lumamlam ang mga mata nito. “You don’t know how happy I am when you said ‘yes’. Sa sobrang excitement ko, alas dos pa lang ng hapon, naghahanda na agad ako kahit alas siyete pa ng gabi ang usapan natin. And I was so pleased to see that you tried your best to look good in front of me. Pakiramdam ko, napakaimportante kong tao. Isipin mo, si Shanela Arquiza, napag-make up ko ng dahil lang sa date? I’m so proud of myself!”
“Sira,” natatawang komento niya. “Nag-make up din naman ako `nung nag-date kami ni Ace, ah!”
“Pero mas maganda ka pa rin nung date natin kaya feeling ko, mas pogi ako sa kanya ng sampung paligo.”
“Yeah, mas gwapo ka nga kay Ace.”
“Ah, see? Hindi nalang si Mama ang nagsasabi sa `kin na gwapo ako. Ngayon pati na ikaw.”
“Gwapings ka naman talaga. Kaya nga nawiwindang ang buong pagkatao ko kapag tinititigan at ngininggitian mo ako.”
“You were always blushing whenever I smile at you,” he playfully pinched her cheek. “You’re so cute, to the extent that I wanted to put you in my pocket and take you home.”
Natawa na rin siya. “Talaga lang, ha?”
“Oo nga,” masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. “I always want to be near you. Kaya nga nagtaka ako sa mga kinikilos mo minsan. We were okay at first, then bigla nalang sasama ang mood mo at pagtataguan mo ako.”
“Nagse-self pity ako kapag ganoon,” nahihiyang ngumiti siya. “Iyon `yung mga oras na nagkakaroon ako ng dahilan para mas mahalin ka pa pero sinasabi ng isip ko na hindi kita pwedeng mahalin kasi may mahal ka ng iba.”
“Now you can love me all you want. Hindi ako magrereklamo, pramis!” bigla nalang itong napasimangot nang tila may maalala ito. “Oo nga pala.`Wag ka na uli lalapit kay Ace, maliwanag? Simula ngayon, ako nalang dapat ang titingnan mo lagi.”
Napangisi siya. “Selos ka kay Ace, `no?”
“Hell, yes!” pag-amin nito. “When I saw him hug you, I almost went out of my mind. Gusto kong magwala pero hindi ko magawa dahil nakita kong umiiyak ka. At ako ang sinisisi ni Ace. Gulong-gulo ako noon dahil hindi ko alam kung anong rason at bakit ka umiiyak.”
“I saw you kissing that girl.”
“I told you, I didn’t kiss her.”
“Yeah, yeah.”
“So, are we good?”
“Oh, just shut up kiss me.”
“`Gladly.”
When their lips met, she felt like she was having a taste of heaven. A warm feeling succumbed her whole being and it made her feel alive… so in love. She kissed him back with the same intensity. Naririnig niya pa ang hiyawan na nagmumula sa clubhouse pero hindi na nila iyon pinansin dahil hindi na iyon mahalaga para sa kanya ngayon. All that mattered to her was this sweet, handsome guy who was kissing her with all he got. Iba pala talaga kapag mahal mo ang humalik sa `yo! Nakakawala ng ulirat!
They were both panting for breath when the kiss ended. She almost cried when he stared at her with intensifying passion, and with so much love. Nakagat niya tuloy ang ibabang labi niya para pigilan ang mga luhang nagbabantang bumagsak dahil sa sobrang kasiyahang nararamdaman niya ngayon.
“I love you, Shanela Arquiza. Sobra-sobra,” masuyo at sinserong sambit ni Rayleigh.
“I love you, too, Rayleigh Aloro. So many-many.”