Shan was speechless habang ang mga kapitbahay niya ay hindi na magkamayaw sa pagpalakpak. Natigil na silang lahat sa pagsasayaw at nasa binata nalang ang focus ng lahat ng tao na nandoon. Pumuwesto na ito sa makeshift stage bitbit ang gitara nito. Lumapit dito ang emcee.
“So, Ray. Bago `to, ah? Ano naman ang nag-udyok sa `yo para ipamahagi sa amin ang iyong highly paid na talent for free? Any insperations? Or special someone, perhaps?”
“I do have someone who’s really special to me,” sagot nito. Tumingin ito sa parte ng clubhouse kung saan sila nakatayo ni Ace. “But she still doesn’t want to talk to me so I’ll push my luck and sing a song for her. Baka kasi kapag narinig niya ang kantang ito, eh, bigyan niya na ako ng pagkakataon na makausap siya. Anyway, this song is for you. I just finished composing it today. Sana magustuhan mo.”
Nagsimula na itong tumipa ng gitara. Naramdaman niya ang pagsiko sa kanya ni Ace at nang lingunin niya ito ay may nanunuksong ngiti sa mga labi nito. Napailing nalang siya at ibinalik ang atensyon sa stage kung saan kasalukuyang kumakanta si Rayleigh. Hindi niya alam kung anong kanta iyon. Iba iyon sa pinarinig nito sa kanya noong gabing pumalpak ang date nila. Biglang bumalik sa alaala niya ang mga nangyari ng gabing iyon. That was also the night she first saw him smile at her. Ilang linggo lang ang nakakaraan nang mangyari iyon pero pakiramdam niya ay napakatagal na panahon na iyon.
“I remember how you smile to me and the first time you talk to me. I remember every single word you said when you were by my side. The way she smiles it makes me wanna see… The way she laughs it makes me wanna be… We got together like a week or two, but there was something like I never knew. And all the time I was keeping it for myself and that she never knew. The way she smiles it makes me wanna see… The way she laughs it makes me wanna be… the best guy of her dreams.”
She heared collected “oohs” and “aahs” when Rayleigh finally finished singing his song. Nabuhay na tuloy ang interes ng mga kapitbahay nila kung sino ba ang tinutukoy nito. Nakaramdam siya ng disappointment. She would be really happy if she was the ‘special someone’ he mentioned earlier. Pero ayaw niya ng magpaka-feelingera dahil malamang ay ang tinutukoy nito ay ang girlfriend nito. Alangan namang may girlfriend ito tapos may iba pa itong special someone? Hindi pwede iyon. Dahil oras na malaman niyang two timer si Rayleigh, siya na mismo ang uumbag dito.
Akmang aalis siya ng pigilan siya ni Ace. Nakakunot-noong nilingon niya ito. “Bakit?”
“Hindi mo na ba pakikinggan ang iba pang sasabihin niya?” tanong nito. “Malay mo, magustuhan mo ang mga susunod niyang sasabihin.”
“Para ano pa?” walang ganang tanong niya. Tuluyan na siyang naglakad. Naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ni Ace.
“Wala naman. Baka lang magustuhan mo ang mga susunod na sasabihin niya.”
“`Wag kang makulit, Ace Sean Villaderez. Bad mood ako ngayon kaya kung ayaw mong makagat sa tenga, `wag kang magulo diyan.”
“O, ang init nanaman ng ulo mo,” naiiling na wika nito. “Nagsa-suggest lang naman ako.”
“Heh! Hindi ko kailangan ng suggestion mo ngayon. Gusto ko ng umuwi.”
“Ikaw ang bahala.” Pagpapaubaya nito.
Maya-maya ay tila may umagaw sa pansin nito kaya napalingon ito at tumigil sa pagsunod sa kanya. Pabor iyon sa kanya dahil gusto niyang mapag-isa ngayon. And knowing Ace, hindi siya tatantanan nito hanggat hindi ito nagsasawa. Maya-maya lang ay naramdaman nanaman niya ang pagsunod nito sa kanya. Hinayaan niya nalang ito sa gusto nitong gawin. Sigurado naman siyang magsasawa din ito maya-maya lang.
Nasa tapat na siya ng bahay niya nang marinig niya ang pagtawag ng kung sino sa kanya kaya napalingon siya. Nabigla siya nang mukha ni Rayleigh ang sumalubong sa kanya. Naumid niya ang dila niya nang mapagmasdan niya ito. s**t! Bakit ba kasi ang gwapo-gwapo nito? Ang nakakainis pa, parang nakalimutan niya nang nagmo-move on siya. Dahil ngayong nakikita niya na ang lalaki ng harapan, nararamdaman niya nanaman ang pamilyar na t***k ng puso niya, na si Rayleigh lang ang bukod tanging tao na kayang i-trigger iyon. It hurt her to see him so near from her, yet she knew he was out of her reach.
“A-Anong ginagawa mo dito?” naguguluhang tanong niya dito. “You shouldn’t be here. Nasaan si Ace?”
“Wala na. Pinaalis ko na. Istorbo lang siya dito. Marami pa tayong dapat na pag-usapan.”
“Ano namang pag-uusapan natin?” kumunot ang noo niya. “As far as I know, wala na tayong dapat pang pag-usapan.”
“Sinong may sabi sa `yo?”
“Ako,” akmang tatalikuran niya ito pero pinihit siya nito paharap dito. Marahas niyang tinabig ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. “Ano ba?!”
“You can’t keep on running away from me forever, Shanela.”
“I can. Watch me.”
“Pwede bang pakinggan mo muna ako?” frustrated na sambit nito. “Bakit mo ba ako iniiwasan? Hindi kita maintindihan.”
“Hindi mo naman na ako dapat pang intindihin dahil hindi na kailangan,” iniwasan niyang magtama ang mga mata nila. “Ang mabuti pa, bumalik ka nalang doon sa clubhouse at makisaya sa Christmas party. Hayaan mo nalang akong magpahinga dito.”
“Ano bang problema mo?” napipikon na ring tanong nito. “Pwede bang diretsuhin mo nalang ako? Hindi ko kasing kayang hulaan kung anong tumatakbo sa isip mo! Sabihin mo sa akin ang mga gusto mong sabihin, para hindi na ako nalilito at maintindihan kita.”
“Fine! Gusto mong malaman? Ha? I love you!” nang magtama niya ay kitang-kita niya ang shock sa mukha nito. He was shocked but he looked pleased for some unknown reason. Ipinagpatuloy niya nalang ang pagmo-monologue niya. Isang bagsakan nalang! Tapos kapag ni-reject nito ang nararamdaman niya, mamumundok nalang siya sa Sagada at hinding-hindi na siya babalik pa sa village na iyon!
“I fell madly, deeply and hopelessly in love with you! Paanong nangyari `yon? Hindi ko rin alam,” patuloy niya. “You were so nice, so gentle, so kind and so sweet to me during the times we spent together. You were the first person who made me feel that I was extra special than anyone else in this world. You made me feel beautiful about my self even if I know that I’m actually too plain looking kompara sa ibang babaeng nakakasalamuha mo. You made me fall in love with you without even realizing it, you idiot! Manhid lang ang babaeng hindi magkakagusto sa `yo! Kaya hindi mo ako pwedeng kondenahin kung ma-in love man ako sa `yo!
“Kaya nade-depress ako ngayon kasi may girlfriend ka na at alam kong walang patutunguhan ang mga nararamdaman ko para sa `yo. Pero `wag kang mag-alala. Hindi porke sinabi ko ang lahat ng ito ay obligasyon mo nang suklian ang pagmamahal ko sa `yo. I’m not asking you to love me in return. Just let me continue to love you even just for a little while. Makaka-move on din ako, promise! Ayan! Naintindihan mo na? Okay na? Pwede na ba akong pumasok sa bahay ko at magmukmok? Kailangan ko pa kasing pulutin ang nagkalasog-lasog kong puso habang maaga pa.”
“You… you really love me?” naninigurong tanong nito.
“Oo nga! `Wag kang magtanga-tangahan diyan kasi `di bagay sa `yo.”