9

1430 Words
“ABA, himala! Anong nakain mo at naisipan mong dalawin kami, hija? Sawa ka na bang magkampo sa lungga mo?”             “It’s nice to see you, too, `Ma,” nakangiting bati ni Shan sa Mama niyang si Sandra saka niya ito hinalikan sa pisngi. Kararating niya lang sa bahay nila San Jose, Occidental Mindoro. Doon talaga sila orihinal na nakatira pero nang mag-kolehiyo siya ay sa Maynila na siya nag-aral.  Sa Maynila na tumira ang pamilya nila nang mag-kolehiyo siya pero five years ago ay naisipan ng mga ito na umuwi na sa probinsya dahil hindi daw masyadong gusto ng mga ito ang mabilis na buhay sa Maynila. They longed for the serenity only provinces could offer. Isa pa ay may negosyo silang kailangang asikasuhin doon. May-ari sila ng halos kalahati ng mga fishing boats sa lugar nila at nag-i-import sila ng mga isda sa Maynila at sa iba pang karatig lugar. Her family, the Arquiza clan, was one of the richest families in the province kaya kahit hindi na siya magtrabaho ay mabubuhay siya. Dalawa lang silang magkapatid. Siya at ang kuya niyang si Sandro. Wala siyang kaamor-amor sa negosyo nila kaya ang kuya niya ang mamamahala doon kaya hinahayaan siya ng mga magulang nila na gawin ang kahit anong gusto niya. Nang sinabi siya sa mga itong gusto niyang maging romance novelist ay suportadong-suportado siya ng mga ito kahit na nag-wo-worry ang mga ito na hindi na siya magkaka-asawa dahil wala siyang pakialam sa love life niya simula noong teenager palang siya. Pero mukhang hindi na kailangan pang mag-worry ng mga magulang niya dahil ang pag-ibig na mismo ang gumawa ng paraan para makilala niya ang lalaking mamahalin niya. Too bad, hindi siya ang mahal nito. Dahil sa kaguluhang nararananasan ng puso at isip niya ngayon, naisipan niyang dalawin muna ang mga magulang niya sa probinsya. Tutal naman ay tapos na niya ang series na ginagawa niya kaya okay lang na magbakasyon siya. She wanted to stay away from Rayleigh for a while so that she could assess her feelings towards him. And then she would reset her feelings para kapag nagkita uli sila ni Rayleigh, kaya niya ng pakiharapan ito na tila walang anumang hard feelings. Ibinagsak niya ang katawan niya sa sofa at hinayaan niya nalang ang katulong nilang bitbitin ang bagahe niya papunta sa kwarto. Sa halip na mag-eroplano ay mas pinili niyang mag-bus para makapag-isip siya ng matagal habang nasa biyahe. After a few hours of contemplating, she came up with one answer. Tinanggap niya na sa sarili niyang mahal niya na nga si Rayleigh. Iyon ang dahilan kaya kahit ang alam niya lang noong una ay gusto niya ito, nasaktan pa rin siya ng husto nang malaman niyang may girlfriend na ito. Kailangan niyang humingi ng tawad kay Rayleigh pagbalik niya. Hindi kasi tama ang inasal niya dito noong huli silang magkita. Hindi dapat siya umakto ng ganoon dahil wala namang kasalanan sa kanya si Rayleigh. It wasn’t his fault if she had fallen in love with him. Kasalanan niya iyon dahil hinayaan niya ang sarili niyang magkagusto dito. Well, who could blame her? Kahit kasi may pagkaantipatiko ang lalaki noong una silang magkakilala, nabawi naman iyon nang mas nakilala niya na ang tunay na ito. He was the kindest, sweetest and most adorable person she had met in her entire life. Kaya kahit nasasaktan siya, hindi niya man lang pinagsisihan na minahal niya ang lalaki. He deserved her love and he was worth all the pain. “May problema ba, Shanela?” tanong ng Mama niya. Nagtama ang mga mata nila at ilang sandali pa ay nginitian na siya nito. “You fell in love?” Nanay niya nga talaga ito. She didn’t even have to say a word yet her mother understood her right away. Ito siguro ang tinatawag nilang mother’s instinct. Tumango siya. Hindi niya tuloy mapigilang ngumiti. Umupo siya at isinandal ang ulo niya sa sofa. “So? Who’s the lucky guy?” excited na tanong nito. “Sinama mo dapat siya dito para makilala namin ng papa mo.” “I can’t do that,” tanggi niya. “Magagalit ang girlfriend niya.” “Oh. So broken hearted ka nga talaga,” umupo ito sa tabi niya at masuyong hinaplos ang buhok niya. “He must be really special for you to notice him, huh? Come on, kwentuhan mo ako. Anong ginawa ng lalaking iyon para makuha ang atensyon ng mailap mong puso?” “His name is Rayleigh Aloro.” Napangiti nalang siya nang maalala niya ang unang beses na magkakilala sila ni Rayleigh. “He insulted me. Sinabi niyang ang sama ko raw tingnan kasi hindi man lang ako nag-aayos. Tapos nakaka-distract daw ako. I was so angry at him back then but he chased after me and he apologized. As the days past by, unti-unti kong nakilala ang tunay na siya. Na sa kabila ng pagiging antipatiko niya, siya rin ang pinakamabait, pinaka-sweet at pinakamaaalalahanin na lalaking nakilala ko. He always makes me feel better whenever I’m feeling down.” “If you really love him that much, bakit hindi mo siya ipaglaban? Running away will never give you the satisfaction that you wanted. Kapag pinagpatuloy mo pang takbuhan ang mga nararamdaman mo, sa bandang huli ay puro pagsisisi lang ang mararamdaman mo. What ifs will haunt you and you will regret that you didn’t do anything to make your love possible. Love is about taking risk. At kung patuloy ka lang na maduduwag at tatakbuhan ang nararamdaman mo, you will never be happy. Habang buhay ka nalang mag-iisip ng mag-iisip. And trust me, hija. Nakakabaliw iyon.” “Pero may girlfriend na siya…” “Sus! Girlfriend lang pala! A woman in love should not give up unless nasa tapat na ng altar ang lalaking mahal mo. Hanggat hindi siya nagsasabi ng ‘I do’ may pag-asa ka pa rin. Kayang-kaya mong agawin ang lalaking iyon, hija! Ang galing mong mag-imbento ng kung ano-anong solusyon sa mga sinusulat mong love stories para magkatuluyan ang hero at heroine mo pero pagdating sa sarili mong happy ending, bangenge ka.” “Eh, fiction lang po kasi iyon kaya as long as ma-justify ko ang ginawa ng mga characters ko, acceptable siya.” “Then make those fictions a living reality!” “Mahirap `yon, `Ma,” malungkot ang ngiting sagot niya dito. “Lalo pa kung hindi naman willing ang hero ko na sumubok para magka-happy ending kami. Isa pa po, mayroong masasaktan. I don't want to be the reason for a couple's break-up. Hindi ako patatahimikin ng konsensya ko.” “Pinakilala niya ba sa `yo ang girlfriend niya? Nakaharap mo na ba?” hirit nanaman ng Mama niya. Umiling siya. “O, hindi mo pa pala nakita ng harapan, eh! Malay mo, imaginary girlfriend lang `yung sinasabi niya?” “Hindi siya ang tipo ng tao na magjo-joke sa mga ganoong bagay, `Ma.” “Malay mo lang naman, diba?” ayaw pa ring patalong sambit nito. “Naku, anak. Ang mabuti pa, magpahinga ka nalang muna. Mamaya, darating na ang Papa at Kuya mo galing sa opisina nila. Saka mo na pag-isipan ang mga susunod mong hakbang kapag kaharap mo na uli si Rayleigh. For now, i-enjoy mo muna ang pagkakataon na makapagbakasyon ka dahil sigurado akong pagdating mo sa Maynila, ibuburo mo nanaman sa sarili mo sa kwarto habang nagpapakalunod sa mga kwentong ginagawa mo.” “Yes, `Ma,” tumayo na siya at binagtas na ang daan papunta sa kwarto niya. “And hija,” pahabol pa ng Mama niya. “I think he likes you, too. Walang kahit sinong lalaki ang gagawa ng mga bagay na magpaparamdam sa babae na espesyal siya kung wala siyang nararamdaman para dito. Pwera nalang kung ugali niya talagang magpaasa. At base naman sa kwento mo, he wasn’t the type who would do something like that if he doesn’t really want to. Kaya malakas pa rin ang laban mo, Shan.” Nakangiting tumango siya at tuluyan na siyang pumasok sa kwarto niya. Magandang isipin ang mga sinasabi ng Mama niya. Pero alam niya sa sarili niyang hindi na siya dapat pang mas umasa dahil alam niyang sa bandang huli ay mas masasaktan lang siya. Nakapagdesisyon na siya. Handa na siya para sa muli nilang pagtatagpo nila ni Rayleigh. She would do her best not to cause trouble for him. Napabuntong-hininga nalang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD